Chapter-7 Same feelings
Hala! Talagang nakalimutan ko na nga! Hindi kaya naghihintay parin sya sakin? O kaya umuwi na yun? Siguro naman di nya totoohanan yung sinabi nya na maghihintay sya sakin. Nako, wag naman sana. Feeling ko tuloy ang sama ko! Sabi ni Xandrite sa sarili habang nag aalala kay Kei.
Maya maya onte, narinig ni Xandrite ang mahihinang patak ng ulan. Maya maya pa ay biglang bumuhos na ang napakalakas ng ulan. Hindi mapigilan ni Xandrite na hindi mag alala kay Kei ngayon nakitang masama ang panahon. Inisip ni Xandrite na siguro kailangan nyang alamin kng naghihintay parin si Kei sa kanya.kaya dali dali nyang kinuha ang bag at hinanap nya ang calling card ni Kei at agad itong tinawagan.
Sobrang nag-aalala na si Xandrite kay Kei. Dahil out of coverage area ito. Hindi nya ito ma-contact. Hindi na mapalagay si Xandrite. Oo nga at masama ang pinakita sa kanya noong unang pagkikita nila ni Kei, lalo na’t unti unti nyang napapatunayan na hindi naman talaga masamang tao si Kei. Inisip ni Xandrite na napakasama ko naman, dahil hinayaan ko syang maghintay sakin ng matagal at ngayong pang umuulan. Alam kong seryoso si Kei sa sinabi nya sakin. Pero, sana umuwi na sya at hindi na nya ko hinintay, sa lakas ng ulan tiyak na magkakasakit sya pag nanatili pa sya dun ng matagal.
Dahil sa labis na pag aalala. Nagpasya si Xandrite na pumunta sa school. Nag paalam sya sa mga magulang at sa kapatid na may babalikan sya sa school at sinabi nyang kasama nya si Andie. Alam nya na hindi sya papayagan ng mga magulang nya kapag mag isa lamang syang aalis. Malamang babae sya kaya pinag iingatan sya ng mga ito. Kaya nagpasya siya na mag sinungaling. Oo at mali ang ginawa nya, ngunit hindi maatim ng konsensya nya na pag hintayin si Kei sa gitna ng malakas ng ulan. Alam nyang mali ang magsinungaling sya, pero hindi naman nya kakayanin kapag may hindi magandang nangyari kay Kei dahil hindi nya ito sinupot sa nasabing usapan.
Nakakainis talaga si Kei! Tinatawagan ko sya ngunit di naman nya sinasagot ang phone nya, kaya pano ko masasabing hindi nako makakapunta! Argggghhh!!!! Kainis! Sa dinami dami ako pa talaga ang tatamaan ng ganitong kamalasan. Saloobin ni Xandrite habang papunta sa school upang tagpuin si Kei sa gitna ng malakas ng ulan. Sana naman nakauwi na sya para makahinga nako ng maluwag, kundi konsensya ko pa pag nagkasakit sya! Wew!!
Nasa school na si Xandrite. Pasado alas nuwebe na ng gabi ng makarating sya. Ngunit sa sobrang lakas ng ulan at kidlat nito gusto ng umatras ni Xandrite. Dahil isa ito sa mga greatest fear nya. Ang kulog at kidlat.
Nako po, paano ako makakapasok nito. Ang lakas ng kidlat nakakatakot baka tamaan ako. Diyos kop o, patawarin nyo ko sa mga kasalanan ko. Nagdasal si Xandrite n asana hindi sya tamaan ng kidlat. Dahil talagang takot na takot sya. Simula ng pagkabata nya, nagkukulong sya sa kwarto nya at nagtatakip ng unan sa tenga upang hindi nya marinig ang malakas na kulog at kidlat buhos ng malakas na ulan.
Ngunit inisip ni Xandrite na kailangan nyang labanan ang takot nya. Kundi hindi nya malalaman ang sagot nya sa kanina pa nyang tinatanong sa sarili. Bigla nyang naisip si Kei. Kung ano ng kalagayan nito. Siguro marahil sa tagal ng paghihintay nito sakanya ay nanginginig na to sa lamig dahil sa malakas na ulan. Nako, wag naman sana. Dahil kahit naiinis ako sakanya hindi ko naman gugustuhin na may masamang mangyari sakanya. Isa pa, sa mga nakikita kong concern na ginagawa nya sakin masasabi ko na sincere sya sa mga ginagawa nya at tila nagsisisi sya sa nagawa nya. Nako kailanagn nako mag madali bago pa sya tuluyang magkasakitt. Sabi ni Xandrite.
Pag dating ni Xandrite sa nasabing tagpuan nila ni Kei. Hindi sya nagkamali sa mga hinala. Nandun nga si Kei. Nakaupo ito at tila hinihintay parin sya nito. Dahil sa nakita ni Xandrite. Hindi nya maiwasang ma shock! Dahil una sa lahat, first time nya maranasan na may nag hihintay sa kanya, dahil noong sila pa ni Kevin ay sya lagi ang naghihintay. Kaya ganun na lang ang pagka bigla nito ng Makita nyang hinihintay talaga sya ni Kei. Hindi sya makapaniwal, biglang tumibok ang puso nya ng mabilis. Wala syang nagawa kundi damhin ang tibok ng puso. At sa lakas ng ulan tinangay na ng malakas na hangin ang dala nyang paying. Kaya wala syang nagawa kundi hayaang lumipad ito sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/35935513-288-k526036.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Roman pour Adolescents"Paano kung isa sa mga hiniling mo ay natupad? Paano kung kailangan mo ng mamili sa kanila, sinong pipiliin mo? Ang nakaraan na pilit na bumabalik ngayon? O ang isang taong nagmamahal sayo,ngunit hindi ka sigurado sa nararamdaman mo.? O ang taong ma...