Nang Makita ko kung sino ang babaing makakasalubong ko ,hindi ko alam kung bakit tila nakaramdam ako ng sakit at takot ditto sa puso ko. Bakit? Hindi ko maalis ang pagkatitig ko kay Xandrite. Dahil base sa mga nakita ko para silang perfect couple na magkasama. Naramdaman ko ang sakit dulot ng nakita ko. Bakit ganito? Bakit ko nararamdaman to, feeling ko any moment pwede syang mawala sakin. Bakit natatakot ako na mawala sya sakin? Alam kong wala akong karapatang magselos, pero hindi ko maiwasan. Lalo na ng makita kong may kasamang iba ang babaing hiniling ko sa itaasna makasama ko habang buhay at Masaya sa iba. Ang sakit maramdaman to. Para bang mas masakit pa ito nung iwan ako ni mama. Ganito ba talaga kasakit kapag nag mahal ka? Sana maging fair naman ang mundo para sakin. Sana mahalin din ako ng taong mahal ko. Pero bakit ganun, kahit anong pilit kong saway sa sarili na wag ng isipin ang nakita at kalimutan na lang hindi ko magawa. Bakit Xandrite? Hindi mo ba ko gusto? Wala ka bang nararamdamang pag-ibig para sakin kahit konti lang?
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko nagtaksil ako kay Kyo. ngunit ang pinagtataka ko, bakit ngayong kasama ko si Kei at nakita ko si Kyo bakit iisa lang ang nararamdaman ko, pero ng titigan ko si Kyo parang gusto kong yakapin sya ng mahigpit. Gusto kong sabihin na mahal ko sya. Pakiramdam ko nabaliwala ko si Kei. Ngunit aminado ako na sa simula pa lang, mahal ko na si Kyo, pero hindi ko pa sigurado ang nararamdaman ko kay Kei. Bakit ba napaka salawahan ko! Hindi ko dapat to nararamdaman sa magkaibang tao. Isa lang naman ang puso ko, pero bakit dalawa ang iniibig nito? Ayokong mamili dahil pareho silang mahalaga sakin. Tila pag namili ako sa kanila feeling ko hindi ko makakaya pag may nawala sakanila. Diyos ko! Bakit? Bakit ko to nararanasan, alam kong hindi ito parusa pero hindi ko rin naman gusto na makasakit ng iba. Gusto lang ang mahalin din ako ng taong mahal ko, pero bakit ganon. Dalawa ang tinitibok ng puso ko. Saloobin ni Xandrite.
Nagtaka si Kei kung bakit binitawan bigla ni Xandrite ang kamay nya at tila nalungkot ito ng makita kung sino ang nakasalubong namin. Tila ba kilala na nya to, at mukang mahalaga ito sakanya. Dahil ngayon ko lang nakita na naging malungkot ang sya maski ang mga mata nya, the way na titigan nya ang taong yun. Tila gustong pumatak ng mga luha nya pero alam kong pinipigilan nya lang yun. Sino sya Xandrite? Bakit ganyan na lang ang kinilos mo ng makita mo sya, tila naging malungkot ka at binitawan mo ang kamay ko ng makita mong nakatingin sya satin. Sya ba ang tunay mong minamahal? Sabihin mo? Dahil hindi ako manhid para hindi makita at maramdaman ang nangyayari sayo. Alam kong nasasaktan ka, pero bakit? Hindi ba't kanina lang Masaya tayo na magkasama, pero bakit ngayon biglang nagbago ang ihip ng hangin at nalungkot ka ng makita mo sya, hindi lang yon binitawan mo pa ang kamay ko. Ramdam ko na sa mga oras na yon mas pinili ni XAndrite ang lalaking yun, kahit hindi sya nag sasalita. Pero ramdam ko, na ito ang taong dahilan kung bakit hindi masuklian ni Xandrite ang pag ibig ko. Hindi ako papaya, na itong taong to ang magiging dahilan para mawala sakin si Xandrite. Alam mas matmbang sya ngayon sa puso ni Xandrite pero sinisigurado ko sayo, sakin mapupunta si Xandrite at ako ang mamahalin nya at gagawin ko ang lahat makalimutan ka lang nya. Hinagpis ni Kei.
"Kyo...."(Xandrite)
Tinawag ni Xandrite ang pangalan ni Kyo at nilingon sya nito. Ngunit ngumiti lang ito ng mapait at umalis na rin. Pakiramdam ni Xandrite ng mga oras na yon ay na-reject sya. Wala syang nagawa kundi titigan itong palayo sa kanya. Huwag Kyo, wag mo kong iwan. Bumalik ka, gusto kong malaman mo na mali lahat ng iyong inaakala. Hindi ko boyfriend si Kei, pero hindi ko rin masabi na hindi ko sya mahal dahil pareho ang nararamdaman ko para sa inyo. Gusto kitang habulin, pero hindi ko magawa. Dahil hindi ako makagalaw. Wala akong magawa kundi hayaan kang makitang unti unting lumalayo sakin. Masakit para sakin yon, pero hindi ko maipaliwanag kung bakit ayaw gumalaw ng mga paako para habulin ka. Hindi ko alam. Ang alam ko lang mahal kita. Pakiusap bumalik ka! Wag mo kong iiwan! Walang nagawa si Xandriteng mga oras nay un kundi pag masdan si Kyo sa malayo. Hindi nya rin napansin ang pagtulo ng kanyang mga luha.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen Fiction"Paano kung isa sa mga hiniling mo ay natupad? Paano kung kailangan mo ng mamili sa kanila, sinong pipiliin mo? Ang nakaraan na pilit na bumabalik ngayon? O ang isang taong nagmamahal sayo,ngunit hindi ka sigurado sa nararamdaman mo.? O ang taong ma...