Chapter-5 It will never too late

42 0 0
                                    

Chapter-5 It will never too late

Sana hindi pa huli ang lahat para samin ni Gin. Gusto kong itama lahat ng mga mali na nagawa ko. Aminado ako na hindi maganda ang mga nagawa ko sa kanya noon. But please, god. Help me, i really need you, please don’t let him go. I don’t know what to do if you let that happened. I don’t want to live without him. He’s all for me. He is the one that I want to share my life with. Don’t take him away from me. He is the one that I really love. He is my life. I know that I’m not worth it for his love. But I’m willing to do anything , just to let him back to me. He’s all that I need. My one and only. I want to be with him forever. This time, ako naman. Ako naman ang gagawa ng paraan para bumalik sya sakin. Alam kong lagi na lang sya ang gumagawa ng paraan para Makita akong Masaya, pero this time, ako naman po ang hihiling sa inyo. Tulungan nyo po akong mahanap si Gin. Gusto kona syang makasama. Panahon na para kami naman ang lumigaya, matagal na panahon na rin kaming nagkalayo at nahirapan ibalik ang dati. Pero ngayon, lalaban ako, di dahil sa gustong bumawi kay Gin. Kundi Lalaban ako dahil dito nakasalalay ang pag ibig ko para kay Gin. Gusto kong malaman nya, na bumalik na ang ala-ala ko. Gusto kong sabihin na maha na mahal ko sya. Nakahanda nako. Gin, wag kang bibitaw. Wag mo kong iwan. Miss nakita.  

Yan ang lamang ng isipan ni Andie ng mga oras nato. Tinawagan ni Andie si William. Hindi sya galit ditto, may gusto lang syang itanong at linawin. Alam nyang malaki ang utang na loob nya rito, pero naiinis din sya kapag naiisip nya na naglihim din ito sakanya. Pero gusto nyang magpasalamat kay William, dahil hindi sya nito iniwan at pinabayaan sa mga panahong wala syang maalala.

“Wil, pwede ba tayong mag usap ngayon?”(Andie)

“Ok sige, saan mo gusto mag usap?’(William)

“Sa lugar kung saan ako dinadala ni Gin para mag relax.”(Andie)

Nagulat si William sa narinig. Hindi nga nagsinungaling si Gin. Tila may naalala nga si Andie, pero hindi ganto ang ine-expect ni William. Tila ibang Andie na ang kausap nya ngayon. Hindi kaya nagbalik na ng tuluyan ang ala-ala ni Andie? Tanong ni William sa sarili. Huminga ng malalim si William. Alam nya na kung anong pwedeng mangyari kapag nag usap na sila ni Andie. Ngunit wala syang planong maglihim kay Andie, dahil ang gusto ni William ay makamit ni Andie ang tunay na kaligayahan na hinahanap nito. Andie, handa nako. Alam ko any moment iiwan mona ko, pag nalaman mona ang totoo. Pero hindi ako natatakot dun, dahil alam kong darating din ang panahon na ito. Ang babalik ka kay Gin at iiwanan ako. Patawarin mo ko Andie. Gusto kong gawin lahat para makabawi sa mga nagawa ko. Pero hindi ko makakalimutan na minsan, minahal ako ng babaeng nag ngangalang Andie Lee. Alam kong kaawa-awa ako, dahil namamalimos ako ng pag-ibig mula sayo. Pero ang totoong nakakaawa ay walang iba kundi si Gin, malaki ang sinakripisyo nya para lang sumaya ka. Sinakripisyo nya ang lahat para sayo. Ibinigay niya yung kahilingan na labag sa loob nya gawin. Kaya this time, Gin ikaw naman ang pasasalamatan ko. Salamat sa ginawa mo, dahil kahit paano hinayaan mo kong mahalin si Andie at makasama. Alam kong masakit sayo yun, pero ginawa mo. Hayaan mong ituwid ko ang pagkakamali ko. Ibabalik ko sayo, kung anung dapat na matagal ng nasayo. Andie, sana maging magkaibigan parin tayo.  Susuportahan kita at tutulungan sa lahat ng bagay.tandaan mo Mahal kita.

Ngayon, Sinabi ni William na magkita sila sa likod ng park, dahil sa likod nun dun nagpagawa si Gin ng dalawang siso para sakanilang dalawa ni Andie. Para marelax sila habang mag kasama. Kinuha na rin ni William ang susi ng lihim na hardin. Panahon na para ibigay ito sa tunay nito may ari. Ngayon panahon na.

Pumunta na si William sa tagpuan, at ilang minute ang makalipas, dumating si Andie. Dahan dahang binukasan ni William ang lihim na pintuan. Kasabay nun ang dahan dahang pag patak ng mga luha ni Andie. Sa loob ng hardin makikita na may dalawang swing. At nababalot ito ng mga rosas na nakapulupo sa mga tali nito. Dun nakita ni Andie, ang pangalan nila ni Gin na nakaukit sa puno malapit sa dalawang swing. Dahan dahang lumapit sa puno si Andie. Hinaawakan nya ang mga pangalan nila ni Gin. Labis na emosyon na nararamdaman ni Andie, inihilig nya ang ulo nya sa puno. Waring gusto nyang maramdaman na kasama nya si Gin sa mga oras na yon. Eto na ang araw na kinatatakutan ni William. Ang mawala sa kanya si Andie.

The Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon