Nakahiga ako sa aking kama habang nakatulala sa kisame at dinadama ang tahimik na paligid nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at nang makita ko kung kanino galing ang message ay nagdalawang isip ako kung bubuksan ko ba ito o hindi.
"Ang tagal na rin" sambit ko
Sa huli ay mas pinili kong buksan at basahin ang message.'Hey! What's up?' basa ko rito.
'I'm doing good. Hby?' reply ko.
'God! I thought you're just going to ignore my message again! I thought you're already dead. I'm about to buy candles and flowers haha' he replied back
'Bitch' i said
'Maaaan! You've been ignoring me for 2 months, for 2 fucking months. What would you expect?'
'Whatever, dickhead'
'Want some ice cream? Kita tayo, my treat. Alam ko namang naghihirap ka na'
Natawa naman ako sa respond niya.
'Ulol. Bilihan pa kita ng sarili mong factory ng ice cream'
'Whatever. Punta ako d'yan'
Ilang beses kong binasa ang huling reply niya. Handa na ba ako? Handa na ba akong makita siya ulit? Paano kung...paano kung hindi?
Muling tumunog ang cellphone ko, hudyat na may bagong message.
'Btw, you don't have a choice, I'm on my way. I bought our favorite ice cream. See ya!"
I sigh. I don't have any choice.
Maya maya lang ay narinig ko na ang sigaw niya.
"Chuuuuummm!" sigaw nito.
Agad naman akong tumayo mula sa kama ko at lumabas
"Uso kumatok" mataray kong sabi.
"Ito naman, parang hindi tayo magkaibigan. Atsaka binigyan mo kaya ako ng susi nitong bahay mo" sambit niya "Ngayon na nga lang tayo magkikita ulit ang sungit sungit mo pa. Ayaw mo ba ako makita?""Oo" maikli kong saad na ikinakunot ng noo niya.
"Chuuum!" sigaw niya
"Ang ingay mo, daig mo pa babae!"
"Chum namiss kita"
"Ako hindi"
"Eh? Anyways, ice cream?"
"Hmm"
"Cold ha"
"Che!" Asik ko
"Kukuha lang ako ng spoon sa kusina mo"
"Oo na. Oo na. Dalian mo na para makaalis ka na" sambit ko at umupo sa sofa
"Grabe 'to! Hindi mo ba ako namiss? Ang tagal nating di nagkita!" ani niya at nag pout
Cute.
"Heh! Ewan ko sayo, dalian mo nalang diyan"
"Chum, nga pala" Bigla niyang sabi gamit ang seryosong boses.
"Oh ano?" sagot ko
"Yung kasal ko" sambit niya.Damn.
"Dapat andun ka ah, 'di pwedeng mawala bestfriend ko dun"
"I'll check my sched"
"Chum, kasal ko yun! Mahalagang araw yun sa buhay ko, dapat andun ka"
"Ba't kaylangan nandun ako? 'Di ko naman kasal 'yun. 'Di naman ako bride mo"Silence.
"Uh... I'll check my sched, hindi ko mai-pro-promise na makaka-attend ako. But i'll try" pagbasag ko sa nakakailang na katahimikan.
Maya-maya lang ay bumalik na siya sa sala dala ang dalawang kutsara.
"Chibog na!" ani niya at nagsimulang kumain.
![](https://img.wattpad.com/cover/290115105-288-k697302.jpg)