Piliin

23 1 0
                                        

Piliin

"May tanong ako" biglang sambit ng babaeng katabi ko
Biglang umihip ng marahan ang hangin dumampi ito sa balat ko kaya't nagtaasan ang mga balahibo, dahilan para makaramdam ako ng hindi komportableng pakiramdam.
"Sige lang" Ani ko.
Bumuntong-hininga siya
"Pano kung pagod na 'ko?" Tanong nya
Bigla akong nakaramdam ng kaba at unti-unting sumikip ang dibdib ko
"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko pabalik
"Sagutin mo nalang, pa'no kung pagod na 'ko?" pag-ulit niya
"Edi bibigyan kita ng panahon para magpahinga" sagot ko
"Pano kung pagod na 'kong ipaglaban ka? Yung tayo?" muli niyang tanong.
"Edi ako yung lalaban para sayo at para satin"
"Pano kung ayaw ko na?"
Nabigla ako sa sinabi niya kaya't agad ko siyang nilingon
"H-ha?"
"Pano kako kung ayaw ko na"
"Saan?"
"Satin"
"Bat mo tinatanong yan?"
"Para alam ko ang kung anong sagot mo"
"Ayaw mo na ba?"
"Di ko alam"
"Bakit?"
"Parang iba na kasi, wala ng kilig, wala ng spark"
"Hindi lang naman do'n tumatakbo ang relasyon eh"
"Alam ko. Pero importante yun sa relasyon at wala na tayo nun"
"Mahal mo ba ako?"
"Diko na alam"
"Bakit mo sinasabi to? May nagawa ba kong mali?"
"Wala"
"Eh ano?"
"Ewan ko, hindi ko narin maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko iba na"
"Pa'nong iba?"
"Parang nag-sstay nalang tayo kasi nangako tayo na walang iwanan. Pakiramdam ko nagtatagal nalang tayo hindi dahil mahal natin ang isa't isa, pakiramdam ko nagtatagal nalang tayo kasi kaylangan natin ang isat isa"
"Mahal kita"
"Ewan ko, parang mali na"
"Anong mali?"
"Tayo, yung atin"
"Pa'no naging mali?"
"Kasi masasaktan lang natin ang isa't isa pag nanatili pa tayo. Naalala mo yung sinabi mo dati?"
"Alin dun?"
"Yung Sabi mo sakin na 'DARATING DIN YUNG ARAW NA SASABIHIN KO SAYO NA IKAW YUNG TAONG DUMATING SA BUHAY KO NA AYAW KONG PAKAWALAN, PERO KAYLANGAN'" Ani nya
Tumango ako
"Ngayon na yung araw na yun" dugtong niya na tuluyang nakapagpatulo sa mga luha ko
"May iba na ba?"
"Walang iba, ikaw parin, ikaw lang. Pero tama na"
"Bakit parang wala lang sayo?"
"Kasi hinanda ko na ang sarili ko dito,matagal na"
"Bat ang sakit sakit?"
"Kasi hindi ka handa"
"Kasi akala ko ikaw na, alam ko sa sarili ko na ikaw na yung huli"
Nginitian lamang niya ako
"Ikaw lang mamahalin ko sa ko panghabang panahon" ani ko
"Walang pagmamahal na panghabang panahon, darating din yung araw na mawawala din yan pero sana kapag dumating na yung araw na 'yun, wag mo akong kakalimutan" ani niya
"Isa ka sa mga magagandang nangyari at dumating sa buhay ko, paano kita kakalimutan?"
Muli siyang ngumiti.
"Mahal na mahal kita"Dugtong ko
"Pero pagod nako at hindi lang  panandaliang pahinga ang kaylangan ko, kaylangan ko ng magpahinga satin. Kaylangan na nating isara ang libro natin kasi pag pinagpatuloy lang nating sulatan at dugtungan ang kwento baka maging dahilan payun para mapunit ang mga pahina, kaya tama na, tigil na"
Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko at hindi ko na magawang magsalita
"Wag na nating ilaban yung atin kasi baka mas masaktan lang tayo, baka mas lumala pa yung sugat at ikamatay natin yung sakit. Ayaw kong mangyari yun" dugtong niya.
"At ito lang ang paraan? Ang i-give up ang atin?"tanong ko.
"Sorry pero ayaw ko na, hindi sayo kundi satin"
"Mahal kita"
"Tama na. Ikaw parin, ikaw lang. Pero sa ngayon pipiliin ko muna ang sarili ko at sana ganun din ang gawin mo" sambit niya
"Kung hindi man ngayon, sana pagdating ng panahon piliin mo ako kasi ako pipiliin kita ng paulit-ulit. Pero sa ngayon, pinapalaya na kita"

One Shot StoriesStories to obsess over. Discover now