Crowded Street. High Buildings. Busy people passing by minding their selves. Nothing changed.I looked at my wrist watch. 7:53 PM, i shrugged.
I'm getting used to it. Every time I look at the time I always see 7:53, my body seems to have its own alarm and I look at my watch when the time drops to 7:53
It makes me think, maybe there's something in my past life that happened in that time, either it's happy or tragic, I can't tell which.
"Kanina ka pa?" a guy wearing a white v-neck shirt said. Riding his motorcycle.
"Medyo" sagot ko naman at umangkas sa motor niya.
"Saan po tayo ma'am?" tanong niya
"Ayoko munang umuwi" walang gana kong sabi
"Bakit?" he ask.
"Di ko feel" i answered.
"Same" he said then we both laugh.
"Edi saan tayo?" muli niyang tanong.
"Ikaw? Saan mo gusto? Do'n nalang din ako" sagot ko
"Go with the flow 'yan?" pagbibiro niya.
"Ay basta, alam mo namang wala akong sariling desisyon sa buhay" sambit ko na muli naming ikinatawa.
"G ka ba sa damuhan?" sambit niya.
"Tarantado HAHAHAAHAHA" tawa ko at hinampas siya.
"Picnic kasi tanga, 'yang utak mo pakihugasan naman, masyado nang marumi e. Kakaselpon mo yan" pagbibiro niya.
"HAHAHAHAHAHA gago, san ba tayo?" muli kong tanong.
"Ikaw, kung san ka komportable" pagpapasa niya saakin ng desisyon.
"Sa bahay niyo nalang" pag-aaya ko
"Ayoko nga umuwi e!" tanggi niya.
"Do'n nalang, para ka namang others" pagkukumbinsi ko. "Tapos tugtugan mo ako" dugtong ko."Eh kung iuntog kaya kita sa pader?"
"Eh kung saksakin kaya kita sa mukha?"
we laughed.
"HAHAHAHAHA gago dun na kasi sainyo" sambit ko
"Oo na, sige na" sambit niya at sinimulang paandarin ang motor niya. "May sarili namang bahay, ayaw umuwi doon" pabulong niyang habol.
Binatukan ko naman niya "Tanga rinig ko" sambit ko.
"Pinarinig ko talaga" sambit naman niya. Tinawanan ko nalang siya.Nang makarating naman kami ay agad kaming sinalubong ni tita Marj-his mother.
"Hi, Xyie-naia, Xyianaia" bati ng mama niya at hinalikan ako sa pisngi
"Hello po tita, good evening po" bati ko pabalik.
"Dave, naglunch na ba kayo?" tanong nito sa anak
"Hindi pa, Ma" sagot naman niya.
"O siya sige diyan muna kayo at ipaghahanda ko kayo" sambit ni tita Marj.
"Kami nalang po tita, kaya na namin" sambit ko at ngumiti.
"Sigurado ka?" tanong nito.
"Opo tita" ngiti ko
"Malaki na yan Ma, hindi na nga umuuwi ng bahay nila e" singit ni Dave. Tumawa naman si tita Marj. Tinignan ko naman ng masama si DaveNagpunta na kami ni Dave sa kusina at kumain.
Pagkatapos naming kumain ay hinugasan na niya ang pinagkainan namin.
"Kaya gustong gusto ko dito e, nakikita kitang naghuhugas ng plato. Atsaka para rin akong prinsesa dito" sambit ko sakanya.
Inirapan lang niya ako.
"Una na ako sa kwarto mo ha" paalam ko at nagtungo na sa kwarto niya.Puno ng anime merchandise ang kwarto ni Dave. Simula ng magkakilala kami ay naimpluwensyahan ko na siya ng kaadikan ko sa anime. Ang nangyari, mas naging adik pa siya kesa saakin. Mayroon rin siyang dalawang gitara na nasa tabi ng kama niya.
Umupo ako sa kama at inilibot ang tingin ko sa kwarto niya. Pangatlong beses ko palang nakapasok dito pero pakiramdam ko buong buhay ko dito ako nakatira. Parang sanay na sanay na ako. Yung amoy ng kwarto niya, yung pakiramdam kapag umuupo o humihiga ako sa kama niya, lahat pamilyar, ang komportable sa pakiramdam.
Kinuha ko ang gitara niya at nagsimulang i-strum ito. Pati ang pakiramdam ng kamay ko sa tuwing hinahawakan ko ang gitara niya ay pamilyar, parang sanay na yung kamay ko na hawak ito, parang nakahulma na yung kamay ko sa gitara niya. Eh pangalawang beses ko palang naman to nahawakan. Ni hindi nga ako marunong mag gitara e. Kahit may gitara ako sa bahay hindi ko ginagalaw.