Chapter 41 - Real

87 3 1
                                    

*A/N:

HI ETO NAKO ULIT HAHAHAHAHAHA KASE ANO MAY MGA JUMINGI NG UPDATE SO AYERN. AFTER A YEAR NAKAPAG UPDATE DIN. SORRY NAAA ETO NAAAA !!!

-Kim's POV-

Nagising ako ng maramdaman kong may nakayakap saakin at yakap ko din sya.

Kilala ko tong taong yakap ko base sa bango nya, Si Zayn. Dumilat ako at napangiti ako ng mapansin kong nakasubsob pala yung mukha ko sa dibdib nya.

"Only half a blue sky,
Kinda there but not quite
Im walking around with just one shoe, Im half a heart without you." Ang sarap talaga pakinggan ng boses nya ♥

"Kung kakantahan moko lagi paggising, ang saya saya na ng araw araw ko." Sabi ko sabay upo.

"Goodmorning babe," bati nya sakin ng nakangiti. Yung ngiting nakakabaliw.

'Goodmorning Zayn," bati ko.

Tumayo sya sa pagkakahiga, "Aww. Ang sakit naman nun. Babe tawag ko sayo, tapos ikaw Zayn padin. Sakit" sabi nya habang naka sad face. Ughh! Kung hindi lang mabaho hininga ko ngayon kanina ko pa to hinalikan! Jusko, tukso layuan mo ako!

"Okay, babe. Goodmorning." I smiled.

"Wait up, maliligo lang ako." Sabi ko at saka ako naligo. Ang saya naman ng ganito, sana wala na munang problemang dumating saaming dalawa.

Pagkatapos ko maligo ay sabay kaming bumaba, nagulat silang lahat noong nakita nila kaming magkasama at ang lalo pa nilang ikinagulat ay ang magkahawak naming kamay.

-Joanne's POV-

Si Niall ulit ang nagluto ngayong umaga, kumakain na kaming lahat ng biglang sumigaw si Zayn.

"GOOD MORNING!" Sigaw nito lahat kami ay napatingin sa kanya, at laking gulat namin na magkasama si Kim at Zayn at pareho pang nakangiti, ang tagal ko ding hindi nakita kay kim ang mga ngiting pinapakita nya sa tuwing masaya siya kay Zayn. At ang ikinagulat pa lalo namin ay ang makita namin ang magkahawak nilang kamay.

"OOOOHHHH GOOOOOD! THEY'RE BACK TOGETHERRRRR!" Sigaw ni Niall,

"Umupo na kayo ng makakain na," aya ni Joebelle sakanila.

Umupo na sila, napaka-ingay nila dahil sa pagbabalikan nina Zayn at Kim. Masaya akong makita na masaya na ulit si Kim sa piling ni Zayn,

Masaya silang lahat nagkkwentuhan ng mapansin ni Harry na may kakaiba.

"Joanne? Liam? Bakit naman ang tahimik nyong dalawa? Hah. Is there something wrong? Magbalikan na kayo, okay na si Zayn at Kim eh." Sabi ni Harry.

"Eto naman, tahimik lang ako tapos may wrong agad? Inaantok pa kasi ako, kaya tahimik ako."

"Ahh ganun ba? Eh ikaw naman Liam?" Tanong ni Belle.

"Masama pakiramdam ko, if you'll excuse me." They nodded and he left.

"Guys! Ngayon na pala uuwi si Louis at Eleanor, sinong sasama magsundo?" Excited na tanong ni Niall

"Ako!" Sabay sabay nilang sabi. Actually, tatlo lang sila. Sina Angelu, Harry at Belle.

"Guys, hindi na muna kami sasama ni Salazar, I'd like to spend the whole day bonding with her." He said as he entertwined his hands with Kim's.

"Okay then, how about you joanne?"

"Matutulog nalang ako, inaantok pa nga kasi ako diba?"

"Ahh oo nga pala, osige. Tara guys bilisan nyo, para makaligo na."

Playboy goes Stick to oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon