Dennise's POV
"Den..." sabay sabay na lapit sakin ng mga teammates ko. Yung iba nakahawak sa braso, may dalawang nakahawak sa magkabilang kamay ko at lahat sila, yung mga mata, puro awa yung sinasabi. Animo'y magco-collapse ako kaya lahat sila nakakakapit sakin.
"Pag pasensyahan mo na yung bagong yun. Ganun talaga yung ugali niya e." - Ate Fille
"Hayaan mo na yun, Den. Sobrang ang lang talaga nun!" - Ella
"Wag mo na lang pansinin, Den." - Amy
At kung ano-ano pa yung naririnig ko. Pinilit ko naman ngumiti para sa kanila, "Okay lang."
Nag umpisa na nga yung training. Para akong bago sa team, wala akong makuhang receive na maayos. Bilang lang sa kamay yung naipasa ko ng maayos, yung iba, lahat palpak na.
Ayoko ng ganito yung pinapakita ko sa kanila, dahil alam kong I am dragging the whole team with me. Hindi makapag practice ng maayos na play ang buong team kasi sa receive pa lang, sablay na.
At sa akin ang responsibility na yun.
Alam ko kung andito si Lei, hindi yun matutuwa.
Pangarap niya na sa batch namin makuha yung champonship para sa eskwelahan, kaya todo at seryoso siya tuwing training. Sigurado ako, kung nakatingin siya ngayon sa akin at nakikita niya ang ginagawa ko, malulungkot siya.
Pinilit kong gawin yung makakaya ko para maging maayos yung training. Pero, nahihirapan talaga ako. Bukod sa parang nanghihina yung buong katawan ko at ayaw gumalaw ng naayon sa gusto ko, ako rin yung pinupuntirya nung bago.
Aaminin ko, magaling at malakas siya. Pero hindi ako natutuwa sa tuwing mag-smirk siya kapag hindi ko nakukuha yung bolang pinapalo niya sakin.
"Paalisin niyo na lang kaya siya?"
Nagulat ako sa biglang sinabi ni Alyssa. Nakatayo siya sa may kabila ng net at nakapako ang tingin sakin. Direcho at parang tila yun talaga yung gusto niya sabihin.
Nakita ko si Gretchen na mabilis na lumapit sa kanya at hinila siya. Hindi naman pinalampas ni Ate Charo yung sinabi niya,"Alyssa, that is so rude!"
"Rude? I just care. Look at her," tinuro niya ko sabay balik ulit ng tingin kay Ate charo, "she seems she cannot play. Wala pa ata sa condition yan e. At wala pa tayong na e-execute na maayos na play. She's just dragging the whole team."
"Hayy!" inis na takip ni Gretchen ng kamay niya sa bibig nung isa, habang ptuloy na hinihila papalayo, "Ikaw talaga! Can you just shut your mouth, Aly!"
Pinalo naman ni Alyssa yung kamay ni Gretchen sabay punas sa bibig niya, "Ano ba, Gretch?! I am sure napapansin niya yun!" iritable niyang sagot tapos ay tumingin sakin, "di ba?!"
At ayon, mas nagkagulo pa nga sa buong oras ng practice dahil sa nangyari. Kaya ang naging solusyon ni coach, patakbuhin na lang kami, pag sit-up, at patalunin nang walang humpay. Since hindi naman daw kami mapatigil. Dahil nun tinangka namin na ituloy yung mga practice ng play, nauwi ulit iyon sa pagtatalo nang hindi ko ulit masalo nang maayos yung bola at nagsalita si Alyssa.
Wala naman akong maipanlaban sa kanya dahil, una, tama siya at pangalawa, wala akong lakas para makipagtalo sa kanya.
Nang matapos yun, dumirecho kami sa dorm. Makikita ko na naman yung room namin ni Lei. Makikita ko na naman yung mga gamit niya, yung ayos ng kama niya at yung mga trophies niya na naka display.
Pag bukas ko ng pintuan ng kwarto namin. Napahinto ako at hindi ko magawang maihakbang yung mga paa ko papasok.
Wala na yung mga gamit ni Lei at iba na ang ayos nun. Iba na rin yung mga gamit na nakalagay sa rack.
BINABASA MO ANG
Ghost Versus Me
FanfictionThere are things that are unplanned and unexpected... but sometimes, ends to be the best part of your life. #AlyDen (I had added a character that doesn't really exist in ALE... there's something that would happened in the story kasi and I don't have...