Dennise's POV
"Babe... it is just six days. Sunday, andito na ulit ako." Lei said while her hands are caressing my cheeks.
Nasa pintuan na kami ng dorm, nakabihis na siya at bitbit na niya yung gamit na dadalhin niya.
"I know and I will be fine." sagot ko pero sadyang pilit ko lang pinipigilan yung luha ko na gusto na talagang umagos.
"Ella and Amy will look after you... May basbas ko sila." she smiled to me tapos tumingin kina Ella. Yung dalawa naman, nag thumbs pareho at parehong nakangisi.
"E, babe, sa ngiti ng dalawang yan, parang iba naman binabalak nila e?"
"Oy, sobra ka naman samin, Den."
"Basta, kayong dalawa, yung pinag-usapan lang natin ang pwedeng gawin ha? Pag may nangyari dito kay Den, pagbubuhulin ko kayo."
"Aye, aye! Kami bahala dyan. Pagbalik mo, hindi na puro libro lang ang hawak niyan." banat ni Amy.
"Lilibangin namin ng husto yan. Para kahit mag one year ka pa sa Singapore, hindi ka mami-miss niyan." - Ella
"Wag naman ganun, Ells."
"Biro lang. Pano ko naman gagawin yun, e head-over-heels kayo sa isat-isa."
Inakbayan ni Amy si Ells saka itinutok yung muka niya sa muka nung isa,"Inggit ka lang, wala ka kasing lovelife!"
"Wow ha? Nagsalita ang meron. Bakit may lovelife ka?!"
"May Bea ako." pagmamayabang ni Amy pero agad rin naman siyang nabara ni Ella,
"Lovelife? Oo, mag-isa ka nga lang umiibig. Echosera."
Nagkulitan pa nga yung dalawa, pero yung isip ko, talagang nasa pag alis lang ni Lei. Tumingin ako kay Lei at tawa lang tawa siya sa kulitan ng dalawa.
Hayy, mami-miss ko yung tawa niyang yan. Hindi bale, para sa kanya naman yun e. Para yun sa pagiging future engineer niya. Di bale, six days lang yun, Den.
"Babe?" tawag ni Lei kaya naputol ako sa pag-iisip, "Hmmm?"
"You're drifting. Anong iniisip mo?"
"Na someday, you'll be a great engineer. Ngayon palang, angat ka na sa iba. Kaya. I am sure, you'll be great someday."
"Ang layo naman kaagad ng iniisip mo, babe. Robotics competition pa lang yun. Third year pa tayo, may two years pa. Tapos, may board exam pa."
"Basta. I believe in you." sagot ko. At sakto naman na tinawag na siya nung mga kagrupo niya na kasama niyang pupunta sa Singapore.
"Lei, tara na. Baka traffic, malate tayo."
"Sige, sunod ako."
Binalik sakin ni Lei yung tingin niya. Kaya lang hindi ko na talaga napigilan yung luha ko at kusa na yung umagos. Ayokong makita niya akong ganito pero hindi ko na mapigilan yung luha ko.
It's juts six days, six days lang, Den. Pilit kong sinasabi sa puso't isip ko.
Niyakap niya ko nang mahigpit, "It is just six days. Promise, I'll call you every night."
Nag-iwan siya ng isang halik sa pisngi ko tapos ay nagpaalam na, "Bye, babe. I'll miss you."
"I love you, baby. Take care." nagawa kong sabihin kahit utal na dahil sa kanina ko pang pagpupunas ng luha ko.
Alam ko ang OA ko, pero hindi ko talaga mapigilan. Saka ko naisip na talagang ganun na ako ka-attached kay Lei. Na kahit six days lang na malaman kong aalis siya, nalulungkot ako.
BINABASA MO ANG
Ghost Versus Me
FanficThere are things that are unplanned and unexpected... but sometimes, ends to be the best part of your life. #AlyDen (I had added a character that doesn't really exist in ALE... there's something that would happened in the story kasi and I don't have...