Lei's POV
Narito na naman si Den.
Walang araw ang lumipas simula ng mawala ako na hindi siya pumunta rito at kinakausap ako...
"Baby...sobrang miss na kita." sabay tulo ng luha mula sa kanyang mga mata.
Kung kaya ko lang na pagaanin yung nararamdaman mo, Den. Kung may magagawa lang ako para mawala yung sakit na dinadala mo, mahal, gagawin ko.
Pero wala man lang akong magawa maliban sa pagmasdan ka habang nasasaktan ng dahil sakin. Hindi ko magawa kahit na yakapin ka, kahit na punasan man lang yun luha mo.
Nasasaktan ako na nakikita kitang ganyan at wala akong magawa...lalo na, na alam kong ako ang dahilan.
.
.
.
.
Naalala ko yung bagong roommate ni Den, si Alyssa. Nakikita niya ako!Simula nang makausap ko ang taong yun, maliban kay Den ay sinusubaybayan ko na rin siya. At nakita ko kung ano ang mga tungkol sa kanya at kung ano ang ugali niya.
Tinignan ko muna si Den at napangiti, at least mabawasan ko man lang yang sakit na nararamdaman mo...
Mabilis akong tumungo sa kwarto namin ni Den... dating samin.
Kakatok na sana ako nang lumusot ang kamay ko sa pinto...multo na nga pala ko.
Kaya pumasok na rin ako sa loob. Agad ko naman nakita ang pakay ko.
Andun siya sa may study table ni Den at tinitignan yung maayos na naka-arrange na mga libro.
"Hindi niya gustong ginagalaw ang gamit niya ng walang paalam." Sita ko.
"Woah!" Gulat niyang sigaw sabay tingin sa likod.
Hawak niya pa rin yun dibdib niya dahil sa gulat. Kinapa niya yung bulsa niya at inilagay yung earphones niya,
"Pambihira ka! Isusunod mo ba ko sayo?!"
"Bakit mo ba kasi pinakikialaman yung gamit ni Den?"
Naglakad siya patungo sa kama niya at pabagsak na humiga, "tinignan ko lang."
"Hinahawakan mo kaya." Pagtatama ko.
"Grabe ka naman. Lumapat lang saglit yung kamay ko, pinakikialaman na agad? "
"Di ba may usapan kayo na hindi ka lalagpas sa linya niya?"
Habang sa isip ni Alyssa...
Naalala ko yun ang tanging rule na sinabi sakin ni Dennise, "Wag mo na lang sana galawin yung gamit ko..."
(Flashback)
Nang minsan na wala si Dennise ay tinignan ko yung mga nasa loob ng kwarto namin, hanggang sa napadpad ako sa study table niya. Sobrang organize ng gamit niya, yung libro maayos na naka-arranged, yung mga pens, pencils at stabilo nasa isang lalagyan, yung mga papel, lahat nasa maliit na drawer.
Pero may nakakuha ng attention ko.
Sakto naman yung pagpasok niya at nahuli niya na akong nililikot yung gamit niya sa study table. Hindi ko naman talaga nililikot, hinawakan ko lang yung picture frame. Picture nila ni Lea.
Na-curious kasi ako.
Lumapit siya sakin at kinuha yung hawak kong picture frame, "Wag mo na lang sana galawin yung gamit ko..."
Tapos wala na. Wala na siyang sinabi at ni hindi man lang ako tinignan at umupo na sa study table niya. Kaya tumalikod na ko.
At dahil napika ako sa ginawa niya, kumuha ako ng isang packing tape at niligyan ng linya yung sahig, "Wag na lang tayo pupunta sa teritoryo ng isa't isa." sabi ko sa kanya, pero tinitigan niya lang ako tsaka yung linya sabay upo. Deadma.
BINABASA MO ANG
Ghost Versus Me
FanfictionThere are things that are unplanned and unexpected... but sometimes, ends to be the best part of your life. #AlyDen (I had added a character that doesn't really exist in ALE... there's something that would happened in the story kasi and I don't have...