Dennise's POV
"Pano? Kita na lang sa practice mamaya?" paalam ni Lei sakin pero nakahawak pa rin sa kamay ko.
Tumango lang ako bilang sagot. Hinagkan niya ko sa pisngi saka niyakap, "Enjoy class, Den."
"I will. Galingan mo sa review."
"Okay, Bye!"
Pinagmasdan ko muna siyang maglakad palayo bago pumasok sa classroom namin.
Ang swerte ko kay Lei. Mabait, maganda, athletic at sobrang talino. Bilib ako sa mga kaya niyang gawin. Noon pa man, girl crush ko na si Lei. Sino ba naman ang hindi?
Bukod sa maganda siya, pinaka magaling siyang volleyball player ng eskwelahan, panlaban na rin siya ngayon sa mga academic competitions. Pero wala siyang kahit kaunting yabang sa katawan.
Sabi ng iba, perfect combination daw talaga kami. Pareho kami ng mga katangian, lamang nga lang sakin sa lahat ng bagay si Lei, pero kahit kelan, hindi ko yun naramdaman pag mag kasama kami.
Simpleng Lea lang ang laging nakaharap sakin. Hindi siya yung aakalain mong tinitingala at pinagkakaguluhan ng lahat dahil sa mga 'exceptional traits' niya.
Naalala ko nung sinabi ko sa mga magulang ko na isang babae ang ka-relasyon ko. Alam kong nagulat sila at halos hindi maipinta ang muka nila, pero nang masabi kong si Lei yun... parang nawala yung pag aalala nila. Alam naman kasi nilang matinong tao siya. Nung una, hesitant pa rin sila, dahil nga babae sa babae, pero ngayon, isa na rin sila sa mga nakikisawsaw sa asaran pag sinasabing, 'perfect talaga sa future, dahil isang doctor at engineer kami.'
Oo, doctor at engineer. Bio kasi ang kinukuha ko at balak kong magtuloy ng med pagkatapos ko para maging isang doctor. Si Lei naman nasa third year na rin siya tulad ko, at Electronics Engineering ang kinukuha niya.
Sa Monday, aalis siya patungong Singapore. Napili kasi yung robotics project nila para maging representative ng school para sa competition dun.
Proud ako sa kanya, pero hindi ko talaga maiwasang isipin na hindi ko siya kasama ng six days. Nasanay kasi ako na lagi kaming magkasama. Yung iba, sinasabing introvert ako. Medyo totoo naman yun. Hindi ako masyadong pasalita at bihira lang kung magreact sa mga usapan.
Pero wala e, ganun talaga ako...
Natapos na yung klase namin.
"Hayyy..."
"Lalim nun, Den a?" bati ng isa kong classmate sakin habang nag aayos ako ng gamit ko.
"May practice na naman kasi kami e." sagot ko sa kanya,
"Okay lang yan. Andun din naman yung inspirasyon mo di ba?" nakangiti niyang pang aasar.
"Ewan ko sayo. Tara na nga."
Paglabas namin ng kwarto ay may nakaupo dun sa may labas ng kwarto namin, agad itong tumayo para lumapit sakin nang makita kaming palabas ng kwarto.
"Speaking." saad nung classmate ko at binangga pa yung hips niya sa hips ko, "O, iwan na kita. Bye, lovebirds."
"Bye, Carla."
"Tara?" aya ni Lei sakin at kinuha yung ibang gamit na dala ko.
"Kanina ka pa dun?"
"Nope. When I saw that it's already five thirty, nagdismiss na kami."
"Kanina ka pang 5:30 dun?" tanong ko at itinuro yung kaninang inuupuan niya.
BINABASA MO ANG
Ghost Versus Me
FanfictionThere are things that are unplanned and unexpected... but sometimes, ends to be the best part of your life. #AlyDen (I had added a character that doesn't really exist in ALE... there's something that would happened in the story kasi and I don't have...