Chapter 17 ~ *Paghahanda*

9 2 0
                                    

*CONNOR RILEY NUEVA POV*

Nandito ako ngayon sa bodega kung saan una kaming nagkita ni Alex. Kung saan nya ko tinakot at kung saan sya nabagsakan ng blackboard! Hahahaha! Sama ko :<

Pinaayos ko ang buong bodega, nagpatulong ako kela Axel, Daniel, James at KC. Ginawa namin itong parang palasyo at kunwari ay may Kids party rito. Aakto kami na si Alex ang kukuhaning Host para sa "FAKE PARTY" namin. Tsk ang galing talaga mag isip ni KC pag dating sa mga planong ganto! Buti nalang at napilit ko siyang patulungin.

Nagpatuloy lang sila sa pagaayos ng gamit. They also bought cake for the Kid. Syempre di kilala ni Alex yung magbi-birthday para surprise talaga! Oo na alam ko naman na ang gwapo ko eh. At inlove na inlove saakin ang girlfriend ko.

Tinuloy ko naman practisin ang aking sasabihin mamaya para sa girlfriend ko, syempre ako ang gumawa nito! Galing ko kayang magenglish! Paminsan minsan din syempre may mali. Nobody's perfect, isn't it? :) tsaka isa pa tinanggal ni Alex ang pag ka conyo ko. Hindi nako masyadong nageenglish ngayon.

"Ahem ahem!" ubo ko ng bahagya

Sinimulan ko na bigkasin ang ginawa kong poem?

" I love you,
not because of
what you have
but because of what I feel..

I care for you,
not because
you need care
but because I want to..

Im always here for you,
not because
I want you to be with me
but because
I want to be with you.."

Narinig kong nag palakpakan yung Apat. Mga baliw amputa. Hanga nanaman to saken!

"Problema nyo? Gwapong gwapo na kayo sakin ah. That's bad. tsktsktsk" bat ba ang hilig ko na sa 'TSK'?!

"WOW ha. WOW talaga. As in WOW" sabi bi KC.

"Edi wow!" singhal ko sakanya

"Hep hep! Magkadevelopan kayo nyan!" sabay sabay na sabi nung tatlong kumag tsaka biglang humagalpak ng tawa. -____-

"YUCK!" sabay naming sabi ni KC. nagkatinginan kami ng masama. Kala nya diko sya uurungan ha! Marunong kaya akong umirap! tinuruan to ng napakasexy nyang girlfriend! HAHAHA ge.

Tinignan din nya ng napakasamang tingin yung tatlo at biglang nag walkout. Lagot!

Atsaka hindi no. Hinding hindi ko papatulan si KC. Bestfriend sya ng Girlfriend ko e. Ano nalang sasabihin sakin nung iba? PATOLA?!

Hindi na namin pinansin si KC sa pagalis nya dahil baka kulangin kami sa oras. 3pm na at isang oras nalang bago mag 4pm. (malamang! ano pagkatapos ng 3, 5 na ganon?!) kaylangan na namin magmadali dahil bago mag 4 susunduin na ni KC si Alex.

- 30 minutes later -

"Hoy! Nasan naba si KC?! malapit na nyang sunduin si Alex oh hindi parin siya bumabalik!" lintek! malapit na mag 4pm! Anubayan!

"Easy ka lang dyan bro! I'll call KC" sabi nito at kinuha ang cellphone nya sa bulsa.

Ilang minuto ng tinatawagan si KC pero hindi padin nya sinasagot! Lahat kami ay sumubok na pero ayaw! No response ang gaga! (gaga for girls, gago for boys wahahahaha wag gagahayin it's bad)

"Lintek!" bigla nalang lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang inis at pagkaRush

"Pare, kung maiinis ka, lalong walang mangyayare dito. Huminahon ka kaya muna." ani ni James.

Tama siya, kung maiinis lang ako walang mangyayare, kaylangan i-relax ko ang sarili ko at... HANAPIN SI KC!

Tumakbo ako palabas at iniwan ang tatlo doon. Sila na daw ang bahala sa dekorasyon at sa gagawin naming "Fake Birthday Party"

Hinanap ko si KC sa buong Campville Academy, puta! Ang laki nga pala ng school nato! Sinimulan ko syang hanapin sa Garden-Canteen-Faculty Room-ClassRooms-Library-ComLab-ScienceLab-PoolArea-Gymnasium-Field! Miski sa Janitor's Room ay pumunta ako pero wala siya! Hay nako naman, nasaan naba ang babaeng yon?!

Bumalik nalang ako ng bodega, wala eh. Hindi ko talaga mahanap si KC. siguro nagalit yun dun sa tatlo. Oo sa tatlo lang! Di naman ako kasali sa panttrip nila eh! Pero naisip ko, pano na yung suprise ko? Sayang naman. :(

Bigla akong nadown. Sobrang down. Sobra talaga. Sobra sobra. yung abot na sa ilalim ng lupa? Dejoke. Ano ba naman to! Nakuha ko pang magbiro sa gantong sitwasyon! Hay!!!!!!

Pagdaan ko ng gate, may nagtitinda ng Street foods sa labas. Nakita ko don si KC bumibili. Hindi man lang nag-aya diba? Ang bad. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papuntang bodega..

O_____________________O

Street foods?

KC?

Bumibili?!

Si Street food bumibili ng KC!!!!!

ay mali,

SI KC BUMIBILI NG STREET FOODS!!!!

OMAYGALIWAW!! Nahanap ko nadin sya sa wakas!

Tumakbo ako pabalik dun sa may gate at pinuntahan ko si KC,

"Juice colored! nandyan ka lang pala?! Tara na nga!" hinila ko sya papasok ng school at tumakbo kame patungong bodega. Don't waste the time! Aja!

" *cough* *cough* *cough* hoy teka sumandali ka naman! Kita mong kumakaen yung tao tapos hinila mo! Pinatakbo mo pa!"

Hindi ko sya pinansin at tumuloy nalang kami sa pagtakbo. Eto na malapit na kame sa bodega! Yahooooo!

@ Bodega

"James, Daniel handa naba ang mga bisita?" - KC

Napakamot sa ulo yung dalawa

"Ha anong bisita?" sabay nilang sabi

"Ano pa! Edi yung mga "Fake Bisita" para sa "Fake Party" natin!"

Napa-Ahhhhh nalang yung dalawa.

"Axel, yung birthday boy? Yung cake? Yung handa?" ani ulit ni KC

"Reding-Ready na mam!" inakto pa nito ang kamay nya na nagbibigay pugay sa isang kumander

"Good!" sabi ni KC "eh ikaw Liver boy? ay este, Lover boy? Handa naba?" dagdag pa nya, Liver boy amp!

"AS ALWAYS FOR MY PRINCESSS" nagsmirk ako, tss, bat ba kasi ang gwapo ko?

"Hay nako! O sya, sya, susunduin ko na si Alex sa room nila! May bayad to ah!"

Umalis na si KC para sunduin si Alex at pagbihisin bilang isang host ng Kids party.

Sana magwork! Sana sana sana sana! *crossed fingers*

~ to be continued.

(A/N: Napakasweet naman talaga ni fafa Connor. Sa tingin nyo? Succes o Fail ang surprise nya? Abangan! <3

Ayan na guys ha, super bawi nato! Mamayang gabi ko na siguro ia-update yung surprise nya! Promise!)

VOTES // COMMENTS

Iloveyou, to the Moon and BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon