Chapter 7 ~ Ligawan Part 1!

18 2 0
                                    

*Joey Alexis Amorin POV*

"Anak? May problema ba?"

"Wala po"

"Kilala kita Joey!"

"Ma.. kase, ano, ninakawan ako ng halik!"

"ANO? NINO? IPAKILALA MO YAN SAKIN PAPATAYIN KO YAN!" sa gulat ko nabagsak ko na pala yung cellphone ko sa sahig. Ang OA naman kasi ni mama eh!

"Ma! Ma! Kalma ka naman! si Connor yun e, yung naikwento kong nililigawan ako" bigla itong tumahimik.

"Ah! Si pogi! Ay naku anak okay lang yan!" ani ni mama. Teka tama ba yung narinig ko? Mama talaga! Di na nagalit nung sinabi kong si Connor?!

"WHAT THE! I CANT TAKE THIS ANYMORE! PASOK NA PO AKO SA KWARTO KO MA!!" dali dali nakong pumasok sa kwarto at nagtalukbong ng kumot.

AHHHHH!!! Ang dami ko ng iniisip!

"Anak hinaan mo volume ng bibig mo!" narinig kong sigaw ni mama. Uggghhh para siyang si KC!

-

Tinawag ako ni mama para makakain na ng Dinner. Uwaaaaa sarap ng ulam! Favorite ko! Ulit? Basta lahat naman ng pagkain favorite ko eh! Except ampalaya.

"Ma sorry sumig--"

"Alex?" biglang may kumatok sa gate namin at tinawag ang pangalan ko.

"Anak. May bisita ka pala ngayon? bat hindi mo sinabi?" tanong sakin ni mama.

Bisita? Wala akong natatandaan na inimbita ko. Pwera nalang kung manliligaw yan. Manliligaw?!

"Ako na magbubukas ma."

"Sige bilisan mo!"

Pagkapunta ko dun sa labas tinignan ko muna sa butas kung sino yun.

Si Connor, NANAMAN. NANAMAN?! SI CONNOR NANAMAN?!

"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. Diko pa kasi binubuksan yung gate. Mamaya halikan pa.. AY ANO BANG SINASABI KO!

"Buksan mo yung gate baliw! Dito nalang ba tayo maguusap?" may pagka weird talaga mga estudyante sa Campville. Minsan mabait minsan hindi! Pero may times talaga na sobrang panget ng mga ugali nila!

"No!"

"Ah ayaw mo ha! Hahalikan uli kita"
"Baliw!"

"Baliw sayo"

"Ewan! Nang gugulo ka lang eh! Tsuupe!"

"Ayoko"

"Edi wag! Mabulok ka dyan!"

"Hahayaan mo nalang ba ako mabulok? Bahala ka wala ka ng Connor"

"YABAAAAAAAAA--"

"Huy! Joey! Sino ba kaaway mo? papasukin mo nayan!"

"Maaa wag! Wag!" hindi ko na siya napigilan. Mama talaga -________-

"Oh hijo! Naku tuloy tuloy! Joey talaga! Dimo pinapa-pasok yung manliligaw mo" MAAAAAAAA! I HATE YOU!

Sumimangot nalang ako. Badtrip! Pero si Mama mukhang botong boto sa kumag nayon -_____- UGH!

Pinakain siya ni Mama. Tapos ako, hinde. ABA! UNFAIR! Mama ko talaga kapag nakakakita ng gwapo nagiiba ugali. T____T

Nagkwentuhan sila ng nagkwentuhan. Ako? wala nagbabasa lang ako ng diyaryo. Amboring. NAKAKAGUTOM!

Pero halatang desidido sa panliligaw si Connor. Huh! tignan lang natin kung magtatagal siya.

Iloveyou, to the Moon and BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon