Chapter 1 ~

46 3 0
                                    

*Joey Alexis Amorin POV*

"Alexis! Tara na uy! Baka malate na tayo nyan eh!" nagulat nalang ako ng may biglang sumigaw sa labas ng bahay namin. Sa boses pa lang halatang si KC na. Yung bestfriend kong OA. Psh buti nalang at parehas kami nang lilipatang school kundi ay wala kong makakaramay sa mga mangaapi sakin. Ang lalim teh!

"Uhm, sige KC! Wait lang ha, saglit lang to promise!" sagot ko sakanya. Ni hindi pa nga ko nakaka subo eeh! Hayaan mo na nga. Sa school nalang siguro ako kakaen.

Dali dali ko nang inayos ang gamit ko at ang sarili ko.

Pagkatapos kong magayos nagpaalam nako kay mama. "Ma! alis napo ako ah. Uuwi ako agad. Sabay naman kami ni KC ng uwian e, ba-bye!" aniko kay mama at kiniss ko na siya.

"Teka teka Joey, hindi ka ba muna kakain?" sabi ni mama sakin bago pa ako makaalis.

"Dina ma. Sa school nalang po ako kakain. Malelate na ho kasi kame, sige Ma una nako bye!" sagot ko sakanya at umalis nako. Parang narinig ko pa nga yung boses ni mama eh, hmm siguro pinagiingat lang ako nun.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate namin ay nandun na si KC. Nakasandal pa nga siya sa pader na halatang kanina pa naghintay. Ganun ba ko kabagal? hehehe.

"KC! Uyyy, sorry kanina kapa ba?" aniko na mukhang nagpabigla sakanya.

"Aykabayongkumakainngpataynadamo!" sa bilis ng pagkakasabi nya wala akong naintindihan -____- hanudawyon?! "Di ka man lang nagsasabi na nandyan kana pala!" sita nito saakin. "Ay hindi hindi, sobrang kanina lang naman" dagdag pa nito. Jusko daay, napaka dakdakera talaga netong bestfriend ko.

"Kalma bes. Ano tara na?" sabi ko sakanya.

"Osureeeeee! Omg bes! Excited na talaga ako! Alam mo ba ang dami daw po-- mmm mmm mmm!" bago pa humaba ng humaba ng humaba ang kwento niya pinigilan ko na 'to. grabe san kaya pinaglihi itong bestfriend ko? Siguro nung naglilihi sakanya si Tita Amy isang kilo ng pwet ng manok ang kinakain niya, sobrang daldal eh!

"Tumahimik kana okay? Okay?" aniko kay KC.

"Mmm mmm!!" diko maintindihan! eh malamang nakatakip bibig e, hay nako.

Tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig niya. Tas nung inamoy ko, aba matinde! Amoy itlog! Hahaha! buti pa siya nakakain na :< "Bes! Bat mo ba kasi tinakpan yung bibig ko? Ayaw mo bang pakinggan kwento ko? katampo ka! huhu" sabi niya saakin.

"Ano, syempre hindi.. ayoko lang humaba!" paliwanag ko sakanya at ngitian ko pa para kapani paniwala.

Di namin namalayan na sa paguusap naming yon e nakarating na kami sa sakayan ng tricycle.

"Kuya, magkano po sa Campville Academy?" tanong ni KC kay manong.

"Kinse isa" sagot naman nito.

"Ah sige po" pagsangayon namin at sumakay na agad kami.

Sa bilis talaga ng oras, nandito na pala kami sa school ng Campville.

SHEMSS!! HANLAKI! ANO BA TO? PALASYO?!

"Bes?? Uy yung bayad mo!" sabi ni KC saakin. Ay oo nga pala! Grabe, namangha kasi ako sa school e kaya nawala ako sa sarili ko.

"Ay sorry sorry, eto na po oh" sabi ko sabay bigay nung pera ko kay manong.

"Sige salamat" sabi nman ni manong at umalis na rin.

"OMAAAYYYGGAAADDDD!!!! HELLO CAMPVILLE ACADEMYYYY!!!" biglang sigaw ni KC. Ay grabeee! Sobrang lakas ng sigaw nya! Lahat tuloy ng nakarinig nung sigaw ni KC nagtinginan samin, alam mo yung feeling na 'AWKWARD'

Iloveyou, to the Moon and BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon