Chapter 3 ~

22 2 0
                                    

*Joey Alexis Amorin POV*

Nagising ako ng tumutulo yung laway ko. At the same time, ng masakit parin ang ulo ko. Walanjo! Walang talab yung mga ginawa sakin ni mama! Kung ano ano na tinapal niya dito masakit parin.

Hindi ko na pinaalam kay mama ang tungkol sa nangyari sa school. Nagdahilan nalang ako ng iba. mamaya sumugod pa yon sa school eh. Nakakainis talaga yung lalaking yon eh! Pag nalaman ko yung pangalan non ipapa pulis ko talaga yon!

I clean up myself. Getting ready for school. This time, tatahakin ko na ang totoong buhay sa Campville. Eto nayun Alex, eto na. Kaylangan ma maintain ko ang pagiging top 1 ko. para maging proud pa sakin si Mama.

Uy! Lagi kaya akong top 1 nung nasa Polaris pa ako! Sana dito sa Campville ganun rin.

Agad na akong nagpaalam kay mama.

Wala akong kasabay pagpasok. Magkaiba kasi ang schedule namin ni KC. Pero sabay naman kami mag lunch mamaya. Uwian? Diko lng rin alam.

Ngayon, nandito na ako sa classroom ko. Special Section ang tawag saamin. Halo halo kasi ang nandito, may nerds, normal, at may mga vowvow din. Kaya ayun! Ako? Siguro nasa Normal stage lang ako. Di naman kase ako nerd or vowvow. if you know what I mean.

Si KC pala, sa Section B siya.

Maya maya lang ay unti unti ng nagdadatingan ang iba kong mga kaklase. Madaming bumabati sakin pero nginingitian ko lang sila. Di naman ako sa snob, mahiyain lang.

Di kase ako katulad ni KC e, makapal mukha! Shhh wag kayong maingay ah!

Suddenly may pumasok na dalawang lalaki, diko alam pero parang namumukhaan ko yung isa sakanila. Halatang sikat sila kasi andaming napatitig nung pumasok sila e, yung iba e nagbulungan pa.

San ko nga ba ito nakita..

O_________________O

DAEF????!!!! SIYA?!

Sabi ko na nga bat siya yun eh! Yung tinumbahan ako ng lumang blackboard! At mukhang namukhaan din nya ko dahil nagulat ito ng mapatingin saakin.

Agad itong tumabi saakin at ngumisi na para bang nangaasar. Yung isa naman niyang kasama ay nasa likuran lang namin. KITA MO TONG HAYOP NATO! WALANG MODO! -___-

"Look Daniel, the 'awooo' girl is here" anito sabay apir dun sa kasamahan niya. Ano daw?! 'awooo' girl? Nice name ha! Nice name!

"For your information, pwet mong may lotion nilagyan ng decoration, congratulations! May pangalan ako!" sabi ko sakanya na siya namang ikina inis nito.

"How dare you say those gross words?!" sita nito saakin.

Maka 'gross' naman ito!

"Anong gross gross ka dy-- " bago ko pa man din matuloy ang sasabihin ko ay dumating na ang aming teacher.

Blinelatan lang ako netong kumag na ito para di mahalata ni teacher na inaasar niya ako, aba! Humanda talaga saakin to!

Maya maya ay may dumating na bagong estudyante. Mukhang dati nanaman siya dito, sakin lang siya mukhang bago. Diko alam pero parang nagulat itong kumag na katabi ko ng makita yung babae.

"Ms. Scarlett Ford. Why are you late?" tanong ng teacher namin. ganda naman ng pangalan pero mukang mataray.

"Over sleep, mam" anito.

"Sa susunod wag kang magpupuyat! Go to your seat now!" sabi niya kay Scarlett at agad naman sumunod ito. Tumabi siya dun sa dalawa pang babae. Mukang magkakaibigan na talaga sila, biglang nagdaldalan eh.

At isa pa, yung dalawang babaeng yon, nahalata ko lng na kanina pa kami tinitignan ni Connor nung magkausap kami.

Sino sila?

-

Natapos na ang 3 sa lessons namin.

Ngayon ay Lunch time. pagkatapos nito ay may 3 uling subject at uwian na.

Punta na nga kong canteen, baka naghihintay na si KC.

*Conno Riley Nueva POV*

Ano yon? Bat nandun siya? Bat nandun si Scar? Bat magkaklase kami? Bakit nadun ang.. ex.. ko. Oo ex ko siya. Ang dati kong minahal ng buong puso. Lalim ba? Pero totoo. Binuhos ko ang buong buhay ko sa pagmamahal sakanya. Halos wala na ngang natira pa saakin.

I really love her. I totally do. I really do.

*flashback*

*Third Person POV*

"Baby ako lang mahal mo ha?" sabi nito sa lalaki.

"Oo naman" anito at sabay silang ngumiti ng isat isa ng napakatamis. Hahalikan na sana siya ng lalaki ng biglang dumating si Connor.

"MGA WALANGYA KAYO! DAMN IT SCARLETT FORD! Minahal kita, kala ko nabigay ko na lahat.. kulang pa pala! Ano pa ba gusto mo? Kaya ko naman ibigay ah?! Bat mo ba ako pinagpalit sa lalaking yan? Di pa ba ako sapat? Am i not? Please tell me Scar.. please!" Hindi na niya napigilan umiyak sa harap ng dalawa. Nilabas niya lahat ng sama ng loob niya gamit ang iyak. Noong araw nayon parang tintusok ng Isang daang karayom ang puso niya. Napakasakit. Sobra.

"Connor please! This is nonsense. Oo hindi na kita mahal. Mas mahal ko si Andrey. Umalis kana." sabi ni Scarlett at umalis na sila agad ni Andrey.

Naiwan magisa si Connor. Lumuluha.. nakatulala.. hindi alam ang gagawin.. dahil ang pinakamamahal niyang babae ay ipinagpalit siya.. sinaktan at pinaasa.

"Magbabago na ako. Mag momove on. Kakalimutan na kita Scar. At ang kagaguhang ginawa mo saakin" pangako niya sa sarili.

*end of flashback*

Simula noon ay hindi ko na sineseryoso ang mga nagiging Girlfriend ko. Bat pa? Baka gawin lang rin ang ginawa ni Scar saakin. Ayoko na ulit masaktan, at umasa. Nagbago ako. Bumaba narin ang grades ko. Pero wala na akong pakialam dun! Huh! I moved on. Bat ko ba kasi inaalala yan? Waste of time.

Lunch time ngayon. Papunta nako sa tambayan ng grupo. Nga pala nagkaayos na kami ni James. kahapon kasi tinawagan niya ako para lang magsorry. Sweet deba. YUCK. Kilala kami sa school nato, di bilang artista, kundi bilang isang grupo ng mga sutil. Oo aaminin ko may pag ka sutil kami. Mga gago. Pero di namin kinakalimutan gumalang. Lalo na kay God. FYIPK. For your information, POGI KAMI. Ayos ba? HAHAHAHA ayan kasi ang tawag saamin. Diko alam kung sinong gunggong ang nagisip neto.

"Mga pare" aniko at nakipag Special apir ako sakanilang tatlo. Oo special apir na kami lang ang nakakagawa.

"Musta musta?" sabi naman ni Axel

"Buti naman ayos na ang maglabidabs!" ani naman ni Daniel sabay humalagkak sa tawa.

"Magsitigil kayo mga ugok!" sita ni James sakanila. Hay mga kaibigan ko talaga. Para ko na silang mga kapatid e, lagi kaming nagsasabi ng problema sa isat isa.

*Joey Alexis Amorin POV*

Mmmm.. mmmm.. sarap! Hehehe tocino! Iba talaga pag luto ni Mama eh. Lalong sumasarap. Ayan lang naman ang paborito kong ulam. Ewan ko ba! Manamis namis kase eh.

"Penge naman niyan oh!" biglang sabi ni KC at kukuha na dapat siya ng kapiraso kaso pinigilan ko ito gamit ang tinidor ko.

"Hyaaa! Subukan mong kumuha niyan tusok ka sakin!" aniko at nag espadahan kuno kami gamit ang tinidor. Ang sayang lang! Sana laging ganito. I love my bestfriend. Dahil sakanya diko nararamdaman na single ako. Nudaw?!

-

*Scarlett Ford POV*

So, you are Alexis. Sige! Magsaya ka lang dyan. Aagawin ko sayo si Connor, ay! Hindi pala aagawin dahil akin siya! Ni hindi pa nga kayo magkakilala eh. Babalikan ko siya, sa tamang oras.

I promise. I will make your life worst than you thought, Joey Alexis Amorin.

~ to be continued.

Iloveyou, to the Moon and BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon