Chapter 9 ~ Ligawan Part 3! *The Tragic*

14 2 0
                                    

*Connor Riley Nueva POV*

"Psst! Sasabayan mo ba ko?" sabi niya ng nakangiti.

"Hindi na muna. Ikaw nalang magisa ha. May pupuntahan pako importante lang"

Umalis na agad ako at dumeretso na sa Hospital.  My Dad is sick. Hindi ko alam kung kelan pa to. Diko na muna sinabi yung dahilan kay Alex. Baka kasi kulitin pa niya ako. Dapat kasi hindi na ako pumayag eh! Napagtripan ako. Kung hindi lang dahil sa pagpapagamot ni Dad, hays. Naghihirap na kame eh. Tsk oo naghihirap na kame dahil sa sakit ni Dad.

Pinapunta ako ni Mom sa isang fastfood at pati narin sa bilihan ng prutas. Syempre para kay Daddy yun. Para mabilis siyang gumaling. Pagkatapos ko mabili lahat ng ibinilin sakin pumunta na agad ako sa Hospital. Kapag minamalas ka nga naman! Yung elevator sira! Kainis! Pero no choice kundi dumaan ng Stairs. Hay nako naman! Sa 5th floor pa naman si Dad! Anong buhay ba meron ka Connor?

AKYAT.AKYAT.AKYAT.AKYAT.AKYAT.

Boom! Sumabog na yung tuhod ko sa sakit! Parang feeling ko dina ko makakalakad neto? Joke!

Papasok nako sa room ni Dad ng biglang nag vibrate yung Phone ko.

May nagsend sakin ng Photo.

ISANG BABAENG NAKATALI SA UPUAN.. NAKAPIRING ANG MGA MATA.. AT BIBIG.. PARANG NANGINGINIG AKO, BIGLA KO NABAGSAK YUNG MGA HAWAK KO.

SI ALEX! SH*T SH*T SH*T!!! ANO BA TO? BAKIT NAKAGANITO SIYA? NATATAKOT AKO. KUNG BIRO MAN TO, HINDI MAGANDANG BIRO! KINIKILABUTAN NAKO. NAGSITAAS NA BALAHIBO KO, NAGPAPAWIS NAKO. ANO BANG NANGYAYARI?!

*BUZZ.BUZZ.BUZZ*

Calling...

- Scarlett -

SCARLETT?!

Sinagot ko yung tawag niya.

"Well hello there Connor"

"Anong kaylangan mo? Teka.. ikaw ba?! Ikaw ba ang nagsend saakin nung picture nayon?! Ikaw ba?! Walangya ka talaga! Anong ginawa mo sakanya?!"

"Calm dow--"

"Calm down?! Wala kang kwenta! ibalik mo nga saakin si Alex!"

"You know Connor, if you will calm down, sasabihin ko sayo kung pano mo siya makukuha!" 

"Fine.."

Binabaan na niya ko ng phone. Andaming nakatingin sakin. Akala siguro nila nababaliw nako. Pero totoo naman eh! Nababaliw na talaga ako. Alex bakit ganito? Ang tanga tanga ko! Dapat kasi sinabayan ko nalang siya.

May nagtext na saakin. As expected si Scarlett yun. Sabi niya kasi itetext nalang niya kung anong dapat kong gawin. Gagawin ko ang lahat. Para kay Alex.

Pinuntahan ko na yung basement na itinext niya saakin. Sobrang daming tambak dito. Ang baho pa! May mga nagsusulputan pa ngang maliliit na nilalang pero diko nayon dapat pa pansinin. Ang kaylangan ay maligtas ko na si Alex. Oo yun lang.

Nakita ko na kung nasan sila. Nandun si Alex naka piring padin at parang walang malay. Naawa ako sakanya. Ang tanga tanga ko! Bwiset naman oh! Nadoon rin si Scarlett, Ashley, and Irisse. May kasama pa silang tatlong lalaki. Malalaki ang katawan nila.. pero mas gwapo ako. Ehhh ano bang panlaban ng itsura sa katawan?! Patay ka Connor!

Iisipin ko nalang na para to kay Alex. Oo tama! Kaylangan ko siya ipaglaban! Mahal ko siya!

Mahal na nga ba?

"Humanda na kayo. Tandaan niyo! Wag niyo siyang papatayin kundi ako ang papatay sainyo! Yung tama lang, YUNG TAMA!" 

Narinig kong sabi ni Scarlett dun sa tatlong lalaki. Pinapalibutan na nila ako ngayon, natatakot ako sa pwedeng mangyari saakin. Scar? Bakit mo to ginagawa? Diba dapat ako ang gumagawa nito? BAKIT?!

Iloveyou, to the Moon and BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon