Chapter 4 ~

21 2 0
                                    

Natutuwa lang ako kahit papano may bumabasa ng First story ko! Haha. Sana basahin nyo hanggang matapos. Here na! Leggo! ^_^


---------------------------------

*Joey Alexis Amorin POV*

Nafeel nyo naba mabored? Ako OO. Ngayon. As in NGAYON.

Science time. Boba ako dito e. Opo inaamin ko. Mas gusto ko nalang na magpatugtog ng songs kesa makinig sa lessons. Wala naman kasing ginawa si Mam kundi discuss eh. Kaburyo! At dahil diko na nakayanan, pasimple ko ng nilabas ang cellphone ko at isinaksak ang earphone tsaka nakinig ng music.

Haaaaaayyy sarap sa tenga. Buti nalang at hindi nakikita ni Mam dahil medyo nasa bandang dulo ako nakaupo.

Co'z its 12:51 and I thought my feelings were gone.

But im lying on my bed thinkin that you would care..

(np: 12:51 by Krissy and Ericka)

Isa to sa mga favorite ko! Repeat lang ako ng repeat kaya naman halos kabisado ko na ito, naalala ko tuloy yung boses nung lalake. Na ngayon ay katabi ko. Ang lambot ng voice niya. Sobra. Ano kaya pangalan neto?

O_________________o

HUH??!! TAMA BA YUNG SINABI KO? WEH?! MALI YON! MALI! ERASE! ERASE! YUCK LANG MANDIRI KA ALEX!!

"Mam! May nage-earphone po oh! Hindi nakikinig!" nagulantang ang diwa ko ng sabihin iyon ng mayabang na lalaki sa tabi ko. BWISIT TALAGA! Pinahamak pa ako! May araw ka din!

"Sino ang may lakas loob na gawin yan sa klase ko?! Sino?!" sabi ng teacher namin at sa tono pa lang ng boses niya ay halatang galit na at nangungusok na ang ilong! Watdapak!

"Siya po mam" sabi ni Yabang/Epal habang nakaturo saakin. "Bad po siya di nakikinig" dagdag pa nito at palihim na umapir dun sa kaibigan niya sa likuran. Bwisit ka talagang lalaki ka!! Naramdaman kong nagaapoy na ang mga mata ko hays. Pigilan mo Alex, pigilan mo.

"Then this is a serious offense. How dare you do that? Bago ka palang hindi ba? Sa ngayon di muna kita ipapa principal.." sabi nito na siya namang ikinagulat ni Yabang. "Pero sa susunod na ginawa mo yan! Isusumbong na kita at ipapatawag ang magulang mo! Get out of my class! Now!!" nagulat ako sa sinabi ng teacher namin. Hindi pa nangyari sakin to sa tanan ng buhay ko, hindi pa. Pano ko na matutupad yung pangako ko kay mama na top 1 parin ako? Pano kung ibagsak ako sa Science ng teacher namin? (okay lang yan bagsak ka naman talaga sa science eh.) Oo inaamin ko dati pa ako bagsak, pero hindi sa ganitong dahilan. May araw kading yabang ka. Meron. Hintayin mo lang.

"Opo mam" sabi ko ng may lungkot sa mukha ko. Nafefeel ko nga na namamasa masa na yung mata ko pero pinigilan ko. Kaya ko to. Matatag ako. Pero diko na napigilan bigla nalang pumatak ang mga luha ko. Siguro nga dahil bago pa sakin ang pangyayaring ito.

Umupo na lang ako sa pader sa tapat ng room namin.

Maya maya ay may nakita akong nagbukas ng pinto. Si Yabang. Ano kayang ginagawa niya dito? Bat siya lumabas? Ay baka magc-CR lang to.

Nagulat ako ng bigla siyang tumabi saakin. Nangaasar ba talaga to?

"Sorry" sabi nito saakin.

"Tch. Ewan ko sayo" sagot ko naman tska umiwas ng tingin sakanya.

"Sinadya ko ngang lumabas nalang para samahan ka. Sabi ko kay teacher na samahan na kita kasi kawawa ka naman, naguiguilty ako. sorry talaga" paliwanag niya saakin. Ano? Tama ba yung narinig ko? Nabibingi na ba ko? Ano?! Paliwanag nyo sakin.

Iloveyou, to the Moon and BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon