"Ano kayo? Mga mayordoma at may mga yaya? Ang taas na ng sikat ng araw tapos nakahilata pa din kayo diyan?"
"Hmm." Napa-ungol ako nang marinig ko naman ang mga talak ni mama. Sobrang ina-antok pa ako. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog dahil sa panonood ng mga videos sa internet.
"Ano? Bubuhusan ko pa kayo ng tubig diyan? Hoy! Mga prinsesa, anong oras na! Kai-kai anong oras ka na naman natulog kagabi? Puro na naman k-pop? O baka naman Wattpad? 'yong mga hugasin mo do'n, nakatambak pa." Pagpapatuloy pa ni mama.
Kaya kahit inaantok pa ako ay pinilit ko ang sarili na makabangon sa kama. Niligpit ko muna ang kumot at mga unan bago nag-inat-inat.
Nilibot ko ang mata ko sa maliit ko na kwarto. May mga posters ng k-pop na hinahangaan ko at mga quotes na nakadikit sa pader. Mula sa bintana, nakikita ko na mataas na nga ang sinag ng araw. May naririnig na din akong ingay sa labas, siguro ay nagpapa-music na naman ang kapitbahay.
"Shin, oy, ate. Gising na." Paggising ko sa kapatid ko na nasa sahig natutulog. Naglatag lang siya ng foam at comforter. Mukhang komportable naman siya sa pwesto niya.
"Hmm"
"Baka mamaya nandito na si papa, gumising ka na." Niyugyog ko pa siya upang magising ngunit parang wala lang ito sa kaniya kaya tumayo na lang ako at dumiretso sa kusina.
"Oh? Si Shin?" sabi ni mama habang hinahalo ang nilulutong sinangag.
Nginuso ko naman ang direksiyon papunta sa kwarto. Matamlay talaga ang katawan ko ngayon dahil sa kulang nga ako sa tulog. Pagkatapos ko kasing manood ng mga k-pop videos ay nagbasa din ako sa Wattpad.
"Ano ba 'yang ate mo? puro kayo mga pasaway." napa-iling pa si mama habang nililipat sa palanggana ang niluto.
Ate ko si Shin, dalawang taon ang agwat naming dalawa. Tatlo kaming magkakapatid, 'yong isa ay lalaki-siya ang pinakamatanda sa amin, si kuya Henry. Kaso wala siya dito dahil nasa probinsiya siya. Doon siya nag-aaral, mas gusto niya daw doon.
"Kanina pa pumunta ng cafe si Papa, ma?" Tanong ko kay mama habang binabanlawan ang mga plato.
"Aba, oo. Wala kayong kaalam-alam dahil tulog na tulog kayo. Nako, 'pag naabutan talaga ni Papa mo 'yang ate mo."
Simple lang ang buhay namin, hindi naman kami mahirap at hindi din sobrang yaman. Sakto lang kumbaga. May cafe kami at araw-araw pumupunta doon si Papa upang magserve sa customers. May mga trabahante naman pero hands-on talaga si papa.
Pagkatapos kong hugasan lahat ay tinungo kong muli ang kwarto upang gisingin si Shin. Nang makarating ako ay gano'n pa rin ang posisyon niya. Napailing na lang ako habang kinukuha ang cellphone na naka-saksak sa charger.
"Hoy! Hala, andiyan na si Papa! Hoy bahala ka. Andiyan na, oh." Niyugyog ko pa siya habang sinasabi iyon. Wala naman talaga si Papa pero magigising lang siya 'pag sinabi ko 'yon.
Nakita ko naman ang pagmulat ng mata niya. Kinusot niya pa ito at bumangon. Parang walang buhay niyang niligpit ang mga unan niya. Natawa na lang ako. Kasi, habang ako ay lunod sa k-pop at wattpad, siya naman ay sa k-drama at sa dating app. Takot naman mag-jowa, tch.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko upang
tignan kong may message ba ako sa facebook. Hays, as usual wala na naman. Wala naman akong jowa para may mag good morning sa akin. Ang mga kaibigan ko kasi parang mga tanga na akala mo famous para mang-seen. Doon lang ako nabuhayan nang makita kong may four notifications ako. Napangiwi na lang ako nang makita na nagnotify sa akin ang pag-share ng post ng isa sa mga fb friends ko. Hindi ko alam bakit ganiyan si fb, wala naman akong pake kung mag aerobics pa ang fb friends ko.
YOU ARE READING
Drunk On Your Love (Crushback Series #1)
Teen FictionKairylle Sayson was very fond of K-pop idols and an addict to Wattpad, that she never had a crush on men in reality. But when she was sent to her grandma's place, everything changed. Because there, she met her first crush. The guy who can she descri...