"Hey, hey, come here cutie,"
Humalakhak ako ng dilaan nito ang kamay ko. Napakapasaway ni Tyrel. Kanina nang dumating ako sa bahay ay siya agad ang bumungad sa pintuan namin. Kaninang tanghali daw siya pinadala dito. Napaka-cute nito, hindi na makita ang mata nito dahil sa mahahaba nitong balahibo sa mukha niya.
Maya-maya pa ay inabot ko ang cellphone ko nang magring ito. Si papa ang caller.
"Pa," bati ko sa kabilang linya.
"Kai, nandiyan na ba si Tyrel?"
"Opo, ito, ang kulit," mahinang tumawa pa ako pagkatapos.
"Mabuti nga 'yan para malibang ka naman diyan,"
"Oo nga po,"
"Sige, videocall tayo, Kai. Para maka-usap mo sila Ate at mama mo."
Pinatay ko na ang tawag at naglog-in na sa messenger. Nakita ko na marami pala akong messages na hindi pa nababasa. Mga kaibigan ko sa Qc. Maya-maya pa ay nagring na ito kaya agad kong pinindot ang green botton.
Bumungad sa akin angukha ni mama na sobrang lapit sa camera. Natawa na lang ako sa itsura nito.
"Ma," nakangiting sabi ko.
"Kai, kumusta?"
"Okay lang naman ako dito," humiga pa ako sa kama at inangat ang cellphone.
" Si lola mo? "
"Wait, Ma. Pupuntahan ko,"
"La, si mama," abot ko ng cellphone kay lola. Naabutan ko siyang may pinapahid sa binti niya sa loob ng kwarto niya.
"Des, kumusta?" Dinig kong sabi ni lola habang nakatutok sa cellphone.
"Paki-abot nga ng sunglass ko, Kai," turo nito sa gilid ng kama niya. Agad ko naman itong kinuha at inabot sa kaniya.
"La, half bath muna ako," pagpapaalam ko pa.
Tinanguan niya ako kaya dumiretso na ako sa cr.
Lumabas na ako ng cr na nakapantulog. Hindi na ako nag-abala pa na maglagay ng bra dahil matutulog na din naman ako.
Maya-maya pa ay dinig ko ang pagtawag ni lola sa kabilang kwarto kaya dali-dali akong tumungo doon.
"La," bungad ko sa kaniya.
"Oh, ito na. Tapos na kaming mag-usap, baka gusto mo silang kausapin?"
Inabot ko ang cellphone ko, "Sige, 'la, kakausapin ko. Matulog ka na, sa kwarto na muna ako."
"Ma," bati ko kay mama na ngayon ay siyang may hawak ng cellphone.
"Oh, may kaibigan ka na?"
"Oo," tinanguan ko siya. "Dalawa,"
"Mabuti kung gano'n. Nako, Kai, mag-iingat ka diyan. Nasa dulo yung bahay ng lola mo kaya 'wag kang maglakad-lakad. Magpasama ka, ah?"
"Opo, ma. Hindi ko pa nga nalilibot 'tong lugar dito." sagot ko at humiga sa kama.
Dinig kong may sinabi si papa sa kabilang linya. Maya-maya pa ay mukha na ni papa ang bumungad sa akin.
"Kai, may pinasuyo ako sa kaibigan ko diyan. Dadalhan kayo ng saging ni mama. Kanina ko sinabi, hintayin mo na lang, baka dumating bukas o ano,"
"Ha? Paano 'pag na sa school ako, pa?"
"Iiwan naman siguro no'n sa bakuran. How's school?" pag-iiba niya pa ng topic.
"Hm, okay lang. Hindi naman naging masama ang first day ko. In fact may dalawa na akong kaibigan. Siya nga pala, pa, kumusta yung cafe?"
"Ayo'n, marami pa rin naman 'yong customers. Malakas ang kita,"
YOU ARE READING
Drunk On Your Love (Crushback Series #1)
Teen FictionKairylle Sayson was very fond of K-pop idols and an addict to Wattpad, that she never had a crush on men in reality. But when she was sent to her grandma's place, everything changed. Because there, she met her first crush. The guy who can she descri...