MFC-5

31 3 6
                                    

"Kinakabahan nga ako,"

"Gaga, I'm sure marami kang magiging kaibigan do'n," sagot pa ni Herra sa kabilang linya.

I'm nervous with the thought that they will hate me because of what they saw yesterday. I'm with Nixon and he has many admirers in campus. Mukhang magigisa ako mamaya.

"Oh, sige. Magre-ready na ako."

"Sige, babush. Basta video call later, ah. Tatlo tayo ni Doms." sabi niya pa. Napangiti naman ako dito. Indeed, we're best friends.

"Sige, see you later,"

Pagkatapos kong maligo ay inayos ko na ang suot kong uniporme. Medyo maikli ito at hapit  sa katawan ko dahil binigay lang ito ng kaibigan ni Tita Nez.

Sinuri ko ang itsura ko, dahil sa uniporme ko ay nahuhulma ang kurba ko. I am lucky to have these curves. Thanks to my mother.

Naglagay na ako ng konting pulbo at liptint. Nag-apply na din ako ng pabango sa katawan. Inipit ko rin sa gilid banda malapit sa tenga ang buhok ko. Matapos mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto upang makapag-paalam kay lola.

"Lola, aalis na ako." pagpapaalam ko dito nang makita ko siya sa rocking chair.

Nilingon niya ako. "Sige, diyan ka maghintay ng tricycle sa labasan, Kai."

"Sige, 'la. Mag-iingat kayo rito, may hinanda naman na po akong pagkain. Initin niyo na lang po kung gusto niyo."

"Sige,"

Kanina pa ako naghihintay sa labasan namin ngunit wala pa ding tricycle na dumating. Mangiyak-ngiyak na ako dahil unang araw ko ito sa klase pero mukhang male-late ako. Nakakainis.

Fever~ Like a fever~fever~

"Tumatawag si papa," mahinang sabi ko nang magring ang cellphone ko.

"Pa? Good morning," bati ko sa kabilang linya.

"Good morning, kumusta? Nasa school ka na ba?"

"Eh? W-wala pa," naiiyak kong sabi dito.

"Okay ka lang? Bakit ka umiiyak? Kai?" Seryoso na ngayon ang boses ni papa.

"Eh, pa, nakakainis kasi. Kanina pa ako dito naghihintay. Isang oras na! Late na yata ako. Wala pa ring tricycle na dumating." naiiyak na sumbong ko pa.

"Tss, alam mo naman na nasa dulo 'yang lugar ni lola Nesa mo. Hindi pa alam ng mga tricycle driver na may estudiyante na diyan ngayon. Kaya ganoon talaga, wala talagang dadating."

"Eh anong gagawin ko? Naghintay lang pala ako sa wala. Nakakainis!" Nakaramdam ako nang pagkadismaya. Parang tanga lang pala ako dito.

"Huwag kang mag-alala, tatawagan ko 'yong kaibigan kong driver din diyan. Sasabihin kong may estudiyante na ngayon diyan."

"Sige, pa. Salamat." Nakaramdam ako ng ginhawa dahil doon.

"Sige, tatawag ako sa 'yo mamayang gabi,"

"Opo, sige, bye."

Pagkatapos ng tawag ay kinuha ko na lang ang earphones ko. Manonood na lang ako ng music video ng BP habang hinhintay ang sinasabi ni papa. Napapahead-bang pa ako habang nanonood. Hays, BP never fails me.

"Peep!"

Napatalon ako nang makarinig ng busina. Nilingon ko ang pinanggalingan nito. Napanganga ako nang makita si Nixon habang nakasakay sa motor. Basa pa ang buhok nito, halatang kakatapos lang maligo. Nakasuot ito ng dirty white na polo, slacks at black shoes. Napakaformal nitong tignan dahil sa suot nitong uniporme. Ang gwapo niya!

Drunk On Your Love (Crushback Series #1)Where stories live. Discover now