Ilang beses na akong gumulong-gulong sa kama dahil sa pag-iisip ng mga nangyari kanina. I can't move on! And every time I think of it, I just want to become a potato.
"I remembered the last person who called me kuya, ay may crush pala sa akin."
Ah! Gosh! Crush ko ba siya? Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Siguro nga ay crush ko na siya? I don't know!
Kailangan kong tawagan si Doms! Tatanungin ko siya upang hindi na ako mabaliw sa kaka-isip pa.
"Doms..." I said softly.
"Oh? What's with the call Kai-Kai?" sagot naman ni Dominique sa kabilang linya.
"Ano... Aish! Paano ba 'to?" Nahihiya akong magsabi dahil alam kong puro pang-aaasar ang makukuha ko.
"Ano nga? Tanga."
"Magtatanong kasi ako.." Sabi ko pa at kinagat ang labi.
"Oo nga, just say it."
"A-ano.. crush ko na ba siya? Eh kasi—"
"What‽ Oh my gosh! Oh my gosh! May crush ka na?" Napailing na lang ako sa oa na pag-kakareact nito.
"Wala pa nga. I'm not sure, okay? But, maybe? I can't meet his stares, Doms. Kinakabahan ako, but my eyes are always finding him. Hindi ko alam."
"Oh my! Finally, We need to celebrate! Gaga, crush mo siya. Jusko may crush ka na Kai! Sa probinsiya ka lang pala magkakaroon ng crush."
Hala, crush ko nga siya. So ganito pala ang pakiramdam nito? This is so new to me!
"Talaga ba? Crush ko na ba siya?" Pagtatanong ko ulit, I just want to make sure.
"Oo, gaga. Pero sana naman Kai, wag 'yong dugyot, ha? Baka dugyot 'yang napili mo? Jusko."
"He's not! He look hot, he's very attractive and—"
Napakagat ako ng labi ko nang marinig ko ang halakhak sa kabilang linya.
"Defending him, ah? Crush nga 'yan Kai." tumawa pa siya nang tumawa.
Dahil sa pag-iinit ng pisngi ay pinatay ko na ang tawag.
Fine, crush, it is.
"Kai!" dinig ko ang tawag ni lola sa kabilang kwarto kaya tumayo na ako sa kama.
"La," I said while walking my way to her room.
"Ano po 'yon, la? May kailangan po kayo?" Tanong ko nang makapasok sa kwarto niya.
Hindi naman gaano kalaki ang kwarto ni Lola, sakto lang para sa kaniya. Pinapalibutan ito ng kayumangging kurtina, may mga halaman din sa bawat sulok.
"Iyong cellphone ko, Kai. Kunin mo muna do'n sa salas."
Agad ko namang sinunod si lola at tinungo ang salas. Nakapatong ito sa center table. Luma na ang cellphone ni Lola at keypad pa.
"Ito na po, 'la," sabi ko matapos kong maabot ang cellphone sa kaniya.
"Ikaw na, hindi ko na masiyadong kita. Medyo malabo na ang paningin ko lalo't gabi na." Pagkatapos ay inabot nito sa akin ang cellphone.
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Lola. "Ano po ang gagawin ko dito, 'la?" Walang kaideya-ideyang sabi ko dito.
"Bukas ay mag-eenroll ka na. Kaya tawagan mo si Nix, may numero siya diyan."
Agad namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni lola.
"H-huh? B-bakit po, la?" I said stammering though my system is celebrating. I feel so excited.
YOU ARE READING
Drunk On Your Love (Crushback Series #1)
Teen FictionKairylle Sayson was very fond of K-pop idols and an addict to Wattpad, that she never had a crush on men in reality. But when she was sent to her grandma's place, everything changed. Because there, she met her first crush. The guy who can she descri...