Prologue

75 5 0
                                    

"No way, hindi 'yon pwede, Haenna." I frustratedly said while massaging my nape.

"Eh, Maam? Ganoon po sabi ng may-ari ng lupa, eh." alanganing sabi ni Haenna habang tumitingin sa akin.

"Call her now. Tell her that I'll triple the price of it." Pag-uutos ko pa kay Haenna. Hindi pwede 'yon. My father builds this cafe and this is his favorite place.

Pagkatapos nang ilang dekada? Kukunin nila ang lupa? No way.

"Ma'am, ikaw na po ang kuma-usap. Parang hindi po madadala, eh." sabi pa ni Haenna habang inaabot sa akin ang telepono.

Agad ko naman itong inabot at bumuntong hininga bago nagsalita.

"Tita Faye? Bakit naman po gano'n? Sabihin niyo naman po sa bagong bibili na ti-triplehin ko 'yong presyo, oh." I pleaded to Tita Faye, the one who owns the property.

"Nako hija, pasensiya ka na. Alam ko na mahalaga iyang cafe niyo sa 'yo. Kaso kailangan na kailangan ko talaga iyong pera ngayon, eh. Alam mo namang papa-operahan ko pa si Tito Mawi mo."

Napapikit nalang ako sa pagkabigo. Hindi maari 'to.

"Ta, ti-triplehin ko nga po. Sabihin niyo sa may-ari." pag-uulit ko pa.

"Ikaw na daw ang kuma-usap sa kaniya. Naibenta ko na, hija. Na sa kaniya na ang mga papeles. Pasensiya ka na talaga hija, ah?"

Bumuntong-hininga na lamang ako. Mukhang ang may-ari talaga ang kakausapin ko.

"Sige po, pakisend na lang po ng number. Salamat." pagkatapos ay pinatay ko ang tawag.

Nakakainis! Even my restaurant has a competitor now. There's a newly built restaurant near mine that our customers lessen. This week is so exhausting!

Nang mareceived ang numero ay agad ko 'tong tinawagan.

"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.

"Hello, good morning! Can I ask your name, ma'am? This is sir Rey' secretary." dinig ko pang sabi nang nasa kabilang linya.

"I'm Kairylle Sayson. The owner of the cafe in the property that he's holding now. Can I talk to your boss?"

"Ah! Yes po, ma'am. Wait for a minute po daw, ma'am. Thanks!"

"Fine," I lazily said.

Maya-maya pa ay dinig ko ang pagtikhim nang nasa kabilang linya.

"Hello? Ito na ba 'yong bagong may-ari ng lupa? Let me straight to the point, Mister. I want to buy the property from you. Ang cafe na 'yon ay napakahalaga sa akin at hindi ako papayag na sisirain 'yon. Magbabayad ako ng triple wag lang 'yon makuha." mahabang litanya ko ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya.

"Ano? gulat ka ba? I can buy that, Mister. Triple! Ti-triplehin ko! That's our cafe! Ano? Sumagot ka naman," naiinis na sabi ko pa.

"Are you mute or what?" unti-unti na akong napipigsi ang pasensiya ko.

"Hello?!"

"Impatient, are we? I can triple your offer, Madame. I can triple the triple price you're talking about. Sorry Ms. Wealthy, but your property is mine now."

Natulos ako at agad kong nabitawan ang telepono nang marinig ang boses ng nasa kabilang linya. My heart beats rapidly. Hindi maari... No! After so many years? Nixon? F*ck.

Drunk On Your Love (Crushback Series #1)Where stories live. Discover now