CHAPTER 1

37 4 0
                                    


"Hoy, mga future Engineers. Sa España na tayo magkita-kita, ha."


Pinukpok ng kaklase kong si Trina ang whiteboard. Para siyang galit na excited dahil sa wakas ay tapos na ang aming preliminary exams at makakapagbar na ulit kami tulad ng naging usapan namin once na matapos lang ang exams.


"Kalma, huwag mong ipahalatang excited na excited kang uminom ng alak," pang-aasar sa kaniya ni David at sa galit ay binato niya 'to ng pambura.


Sapul naman sa ulo si David. Natawa tuloy kami.


"Huwag na huwag kong makikita 'yang pagmumukha mo mamaya, ah." Nagsimula na sila ngayong magbangayan.


Lumapit na 'ko kay Trina para awatin siya. "Tara na nga," hinatak ko na siya palabas ng room.


"Hoy, 9:00 ng gabi magkikita-kita at walang malalate, ah." Ang lakas din ng boses niya, eh. Paglabas namin ng school ay dumiretso kaming sakay ng jeep at nauna na 'kong bumaba.


"See you later," kaway niya sa'kin sabay na umalis ang jeep.


Pagpasok ko ng bahay ay nagbihis muna ako bago naglinis at nagluto. Para naman pag-uwi ni Tita ay wala siyang masasabi sa'kin at papayagan pa 'ko sa gala namin. Dalawa na lang kami rito sa bahay at siya ang nagtatrabaho para na rin pag-aralin ako.


Habang hinihintay umuwi si Tita ay hinanda ko na rin ang aking susuotin mamaya. Hindi pa naman gano'n kadilim sa labas pero gusto ko lang ding maaga ang dating ko dahil ayokong mabungangaan ni Trina. Takot kaming lahat sa kaniya lalo na't President siya ng klase namin.


Pagdating ni Tita ay pinagpahinga ko muna siya ng kaunti bago nagpaalam na aalis ako. Pinayagan naman niya 'ko basta huwag lang daw ako masyadong magpapakalasing.


Naligo na 'ko bago nagbihis ng black thong body top partnered with ankle-length trousers. Hindi na 'ko nag-belt dahil fit naman sa waist ko 'yong trousers. Nagpabango na rin ako bago lumabas ng kwarto dala ang sling bag ko.


"Alis na 'ko, Tita," paalam ko sa kaniya habang nanunuod siya ng TV ng nakahilata sa sofa.


"Enjoy," ngumiti ako sa sagot niya bago ako bumyahe papuntang España. Minsan lang kami magbar at parating sa España ang target namin. Gaganda kaya ng mga bar duon. Hindi rin naman kasi kami kalayuan dito kaya sige lang ng sige.


Panay naman ang pagtunog ng cellphone ko, sigurado akong dahil 'yon sa mga messages ni Trina. Ayoko ko ngang i-seen siya sa group chat. Sigurado rin naman akong warla na naman siya.


Pagdating ko sa bar na pinili ni David ay naruon na ang iba sa may malaking table. Medyo marami na rin pala kami, eh. "Hindi ako late." Paalala ko agad sa kanila. Kung tutuusin ay maaga pa nga ako, eh.


"Dami mo pang sinasabi, umupo ka na." Ang ganda ng salubong sa'kin ni Trina, ano?


Umupo na lang ako kagaya ng sinabi niya at dumating na rin ang iba. Mabuti naman at walang late sa'min dahil walang manenermon. Nag-order na kami ng drinks tapos ng makakain.

The Gig in EspañaWhere stories live. Discover now