"At sino ka naman para utusan ako?"
Tinarayan niya 'ko ng kilay habang nakakandong pa rin kay Cd. Eh, kung sabihin ko kaya sa kaniya na ako lang naman ang babaeng nililigawan ni Cd kaya may karapatan akong utusan siya. Kaso hindi ako tanga para sabihin 'yon. Hindi pa namin dapat sabihin 'yon ngayon. Si Cd naman ay hindi makakibo at parang gulat na gulat pa rin. Nakatingin lang din sa'kin ang iba niyang kabanda.
"Fan din ako ng Aeriesly. You're taking too much time na rin kasi, not to mention na mahaba pa ang pila and still naka-upo ka pa rin sa lap niya. Picture lang ang ipinila natin dito, Ate, hindi para magpakandong." May narinig naman akong mga tawanan pero binalewala ko 'yon at tumingin kay Cd bago ngumiti. Kalmado lang ako. "Tama naman ako, hindi ba? Christian Damon?"
"Tangina, hindi siya makakibo," sabi ni Alex sa gilid tapos mahina silang nagtawanan.
Napakurap-kurap naman si Cd at parang natauhan siya sa sinabi ko. "Uh, yes, she's right. Pasensya ka na, Miss." Marahan niyang inalis 'yong babaeng nakakandong sa kaniya at umupo siya ng maayos.
Napatayo 'yong babae at nagulat siya sa nangyari bago masamang tumingin sa'kin. "You—"
"You mean, we." I cut her off and gestured my hand for to her look around. Hindi lang naman kasi akong ang gustong wakasan ang pagiging higad ng babaeng 'to, 'yong iba rin. Lalo na't hindi komportable si Cd sa naging posisyon nila kanina.
Mukhang na-gets ni babaeng linta ang ibig kong sabihin. Umikot na lang ang kaniyang mga mata bago muling tumingin sa banda. "Bye, Aeriesly. See you on your next gig, especially you," itinuro pa niya si Cd.
Hoy, babae, akin 'yan.
Kumaway na lang sa kaniya sila Cd at ngumiti rin ng awkward bago siya nag-walkout. Mabuti naman at hindi na siya pumalag pa. Mukhang hindi naman talaga siya fan, eh. Gusto niya lang talagang kumandong.
Tumingin na 'ko kay Cd at ibinigay sa kaniya ang phone ko. "Picture din po tayo, pwede?" Hindi ko na inisip 'yong pila at maging 'yong ibang babae na gustong magpa-picture sa kanila.
Ako muna, mamaya na sila. May gusto lang din kasi akong sabihin sa manliligaw kong 'to, eh.
"S-sure," nauutal niyang sagot. Mukhang kinakabahan siya sa'kin. Ngumiti lang ako at umupo sa tabi niya.
"Pagkatapos nitong picture taking niyo, mag-usap tayo mamaya sa labas, ha." Bulong ko at nakita ang paglunok niya. Kinakabahan nga siya sa'kin. Siguro iniisip niyang galit ako sa kaniya. Well, mali siya ruon dahil duon ako sa babae na 'yon bwiset at galit, hindi sa kaniya.
Siya ang kumuha ng picture at pagkatapos ay tumayo na rin 'ko. "Thank you." Hindi ko na siya nilingon pa at naglakad na lang.
"Gusto mo ng tubig, Cd?" Narinig kong sabi ulit ni Alex kasunod n'yon ang tawanan nila. Pinagtitripan na naman nila si Cd kasi akala nila malalagot siya sa'kin.
Well, magandang ideya naman 'yon. Pagtripan ko nga mamaya si Cd. Kunware galit ako. Tignan natin kung anong magiging reaksyon niya. Natatawa na tuloy agad ako. Kawawa naman siya pero bibiruin ko lang naman. Okay lang 'yan.
YOU ARE READING
The Gig in España
RomansaKlarisse Castillo, a Civil Engineering student, has always enjoyed getting drunk and wasted with her friends in España, Manila. However, she had never expected to meet and fall in love with Cd Madrid, a man who loves to smoke and drink, and a lead v...