EPILOGUE

22 3 0
                                        


"Hindi pa rin ba kayo nagkaka-usap ni Cd?"


Walang gana akong tumingin kay Rina na nakatayo sa harapan ko. She looks worried about me. Tumango lang ako at sinubsob ang mukha ko sa desk. Tinatamad ako. Wala rin akong kagana-gana. Friday na ngayon at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita ni Cd.


He was trying to reach me out, gusto niya raw kami mag-usap pero hindi naman siya pumupunta sa bahay at hindi ko alam kung anong pumipigil sa kaniya.


Siguro dahil sa hindi ko pag-reply sa kaniya, pero dati naman kahit na mag-reply ako o hindi, pupunta siya sa'kin para magka-ayos lang kami. Pero ngayon, hindi na.


Sinubukan din akong kumustahin ng mga kabanda niya at palagi kong sinasabi na ayos lang ako. They feel bad and sorry about me although wala naman silang kasalanan.


Si Cd lang ang dahilan nito.


"Ano ng gagawin mo ngayon?" Tanong ulit ni Rina.


I let out a sigh. "Katulad pa rin dati, hihintayin siyang magpakita sa'kin.


"At paano naman kung hindi na?" Kahit na nakaharap ako sa desk ko ay alam kong si Trina 'yon.


"Edi pupunta akong America para magbagong buhay," biro ko na lang para hindi na sila masyado pang mag-alala sa'kin.


Alam na rin kasi nila ang lahat. Na-ikwento ko na sa kanila ang ginawang pagtatanggi sa'kin ni Cd at galit na galit pa nga si Trina pero ipinaliwanag ko naman sa kanila ang dahilan ni Cd pero galit pa rin siya.


"Good idea. Tapos mababalitaan mo na lang na 'yong gago mong boyfriend at si Francine ay mag-on na," duon ako napatingin kay Trina at nakataas lang ang mga kilay niya habang siya'y nakangiti.


Dinadamayan niya ba 'ko o pinagtitripan?


Umupo naman si Rina sa harapan ko. "Klarisse, kung ayaw mong mawala sa'yo si Cd ay kailangan mo na siyang kausapin."


"Totoong ayoko siyang mawala sa'kin pero siya lang din kasi ang hinihintay ko," matamlay kong sagot.


Gano'n din kasi naman ang ginawa ko nuon. Hindi ako nagpakita sa kaniya at ang tanging ginawa ko lang ay hinintay siya. Pagkatapos n'yon nagulat na lang ako na nasa harapan ko na siya.


At aaminin ko, gano'n ulit ang gusto kong mangyari. At umaasa ako na gano'n nga ulit ang mangyayari.


Umirap naman si Trina. "Klarisse's style."


Nag-pout na lang ako pero na-appreciate ko ang concern nila. Lagi silang nand'yan para sa'kin simula pa lang una hanggang ngayon. Parang wala lang kasi talaga akong gana ngayon.


Tinanggap na nila ang desisyon ko na maghihintay lamang ako sa pagpapakita ni Cd at nang matapos ang klase ay umuwi na 'ko sa bahay. Ginawa ko muna ang lahat ng dapat kong gawin bago ako humiga sa kama para magpahinga.

The Gig in EspañaWhere stories live. Discover now