CHAPTER 12

16 3 0
                                    


"Oh, I see. Pasensya na sa pagiging tsismosa ko."


Nag-play ng tawa sound effect si DJ Roxie pero masyado akong naguguluhan para matawa sa mga naririnig ko. Nasaan ang joke duon? Hindi ko maintindihan si Cd. Kaka-amin lang niya na may girlfriend siya which is by the way ako tapos ngayon babawiin niya 'to. He lied to us and above all that, he denied me.


Naguguluhan ako.


Kailan pa kami nag-break ni Cd?


"It's fine. Don't worry about it," it sounded like it was not a big deal for him.


Pinatay ko na ang radyo ng cellphone ko dahil ayoko ng makarinig pa ng kahit na anong salita mula kay Cd. Gano'n na lang pala kadali 'yon, gano'n lang pala kadali para sa kaniya ang itanggi ako.


I'm so upset and I feel like I'm going to cry. Naiinis ako kay Cd. I'm so disappointed at him.


Humiga na lang ako sa kama at hinayaan ang pagtulo ng luha ko. Nagising na lamang ako na 9:00 na ng gabi. Nakatulog na pala ako, hindi ko namalayan. Tinignan ko ang aking phone at nakitang ang napakaraming messages sa'kin ni Cd.


Mukhang kahit na hindi ako magsabi sa kaniya ay alam niyang may alam ako. Alam din kaya niyang galit ako ngayon?


cdmadrid: Sweetheart, I'm sorry.


cdmadrid: Let me explain, okay?


cdmadrid: I'm on my way there.


cdmadrid: Are you still up? Ayos ka lang ba?


cdmadrid: Alam kong mali ang ginawa ko pero mag-reply ka naman. Please. I'm getting worried.


cdmadrid: Sweetheart, please.


cdmadrid: I love you.


cdmadrid: Forgive me, sweetheart.


cdmadrid: Malapit na 'ko.


cdmadrid: Nandito na 'ko. Labas ka, please.


Hindi ko alam kung lalabasin ko ba siya pero mas maganda ngang harapin ko na lang siya. Baka mamaya n'yan ay magtawag pa siya at mabulabog pa si Tita na siguro ngayon ay tulog na.


Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa labas ng bahay. Sa bakuran pa lang ay nakita ko na siyang nakatayo sa harapan ng gate namin. "Klarisse," he called.


Hindi ko siya sinagot at nilabas siya sa may gate. Agad naman siyang lumapit sa'kin. "Sweetheart—"


"Sweetheart?" I questioned, arching my brows. "Akala ko ba kaka-break lang natin? 'Yan ang sabi mo kanina 'di ba? So bakit mo 'ko tinatawag na sweetheart ngayon?"

The Gig in EspañaWhere stories live. Discover now