"Good morning. Tao po. Tao po. Tao po. Cd? Christian Damon Madrid, nand'yan ka ba?"
Kanina ko pa pinipindot ang doorbell ng unit niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas si Cd. Since hindi na kasi ako nakakapunta sa gig nila, nag-decide akong bisitahin siya ng biglaan sa condo niya ngayong umaga. Gusto ko ring gumawa ng effort para magkita kaming dalawa. Siya na lang kasi 'tong punta ng punta sa bahay, eh. Unfair naman 'yon 'di ba.
Inalam ko pa ang lugar ng condo at ng mismong unit niya. Hindi ko nga lang sure kung wala rito si Cd o talagang tulog mantika lang siya. It's 8:00 in the morning. Sunday din. Ang tagal naman niya. Su-surprise ko pa naman siya.
I was about to press the doorbell again when the door suddenly opened. "Klarisse?" Nagtataka siya sa pagpapakita ko.
Habang ako naman ay halos lumuwa ang mga mata at malaglag ang panga nang makitang boxers lang ang suot niya at wala ng iba pa. Umiwas tuloy ako ng tingin.
"Natutulog kang ganyan lang ang suot mo? Hindi ka ba kinakabagan n'yan?" Hindi ko siya magawang tignan.
"Yes, I'm sleeping wearing nothing but a boxers, and no, hindi ako kinakabagan. Thanks for your concern." Parang ang sarcastic niyang pakinggan.
"Oo na, oo na. Pwedeng magdamit ka muna bago natin ipagpatuloy ang usapan nating 'to. Go," I gestured my hand, na parang tinataboy siya.
"Why? Can't believe how hot your suitor is?"
"Masyado ka pang maraming sinasabi. Please, magbihis ka na ruon sa loob." Wala naman siya sa labas pero iniisip ko lang na kung sakaling may mapadaan ay sigurado akong makikita siya. Ayoko ngang mangyari 'yon.
This view is exclusively for my eyes only. Charot. Ayoko nga ring tumingin, eh. Hindi ko pa kaya.
"Oh, yeah, sorry. Pumasok ka na rin muna." Tumango na lang ako tapos tumuloy sa loob ng hindi tumitingin sa kaniya.
Naririnig ko naman ang nakaka-asar niyang tawa. Mamaya talaga siya sa'kin. Pumunta siyang kwarto niya tapos ako naman sa kusina pero wala muna akong ginalaw na kahit na ano. Hindi kasi ako pamilyar sa lutuan na meron siya rito at baka masira ko pa o makasunog pa 'ko. Mahirap na.
Lumabas na rin si Cd sa kwarto ng naka-shorts at sleeveless shirt. Pansin ko ang muscles sa braso niya. 'Yong naging view ko kanina ay patunay na disiplinado at tambay siya sa gym.
"Good morning, sweetheart." Malambing niyang sabi pagkalapit sa'kin.
"Good morning. Sana ay hindi kita nagising o ang diwa mo dahil bigla-bigla mo na lang ako makikita rito sa condo mo."
"No," he answered quickly. "I'm pretty sure na mas nagising ang diwa mo pagkakita mo sa'kin kanina," ngumisi siya kaya nahampas ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/288941234-288-k791830.jpg)
YOU ARE READING
The Gig in España
RomanceKlarisse Castillo, a Civil Engineering student, has always enjoyed getting drunk and wasted with her friends in España, Manila. However, she had never expected to meet and fall in love with Cd Madrid, a man who loves to smoke and drink, and a lead v...