CHAPTER 5

20 3 0
                                    


"Tita, luto na 'yong ulam."


Pinatay ko ang kalan at ang tangke bago sumandal sa lababo. Ka-chat ko kasi ngayon si Cd at ngiting aso naman ako rito. Nagsabihan na kami ng contacts sa isa't-isa. Matagal na nga raw niya gustong tanungin Instagram or Facebook account ko kaso gusto niya muna na mas maging close kaming dalawa. Samantalang ako naman ay makakalimutin. Kailangan pa talaga naming mag-aminan bago ma-contact ang isa't-isa.


klarisses: Kakatapos ko lang magluto.


cdmadrid: What did you cook?


klarisses: Pakbet. Request ni Tita hahaha.


cdmadrid: Patikim ako, pwede?


klarisses: Saka na kapag pumunta ka na ulit dito.


cdmadrid: Should I go there now?


klarisses: Saka na rin kapag sinagot na kita at na-legal na kita kay Tita, hahaha.


cdmadrid: That's okay. Alis na lang tayo?


klarisses: Saan tayo pupunta? Ngayon na ba?


cdmadrid: Secret, no clue, hahaha.


klarisses: K, fine. Anong oras tayo aalis?


cdmadrid: 3:00 at the afternoon?


klarisses: Okay lang. See you.


cdmadrid: See you. : )


Naghain na 'ko sa lamesa at sabay na kumain kasama ni Tita at kaunti lang ang kinain ko. Sigurado naman kasi akong kakain kami ni Cd sa labas mamaya. Ayoko munang mabusog. Matapos kumain ay nagligpit at nanghugas na rin ako.


Tapos n'yon ay nag-ready na 'ko. Naligo at namili ako ng mga damit na susuotin ko. This is our first date. Gusto kong magmukha akong maganda, sobrang ganda. Syempre ang cool at ang gwapo ni Cd, ano. Gusto ko kapag napatingin sa'min 'yong mga tao, masasabi agad nila na bagay talaga kaming dalawa.


Excited na nga ako, eh. Parang lagi naman akong excited basta pagdating kay Cd. Sanay na 'ko.


I wore a colored black blouse off shoulder cropped top partnered with mom jeans and a pair of sandals. Muli ko na namang na-isip na bumili ng sandals. Kapag napadaan na lang kami ni Cd sa shoe store ay bibili ako.


Nagpabango ako at kinuha ang bag ko bago lumabas ng kwarto para magpaalam na kay Tita ng nakabihis na. "Saan ang lakad mo?"


"Sa mall po, Tita. Nayaya, eh." Tumawa akong bahagya. Hindi ko pa pwedeng sabihin sa kaniya na si Cd ang nagyaya sa'kin. Saka na lang.


"I see. May budget ka ba r'yan?"


"Syempre naman," halakhak ko bago bumeso sa kaniya.

The Gig in EspañaWhere stories live. Discover now