WARNING: R-18.
"Are you sure about this, Cd? Kaya ko namang mag-isa rito. Sanay naman na 'ko, eh."
Sinalubong ko siya sa may pintuan at meron siyang dala-dalang duffel bag. Mga damit at kung ano-ano pang mga gamit niya ang laman n'yon kasi nga rito raw muna siya manunuluyan sa'min ng dalawang araw dahil wala si Tita. Nag-aalala raw kasi siya sa'kin knowing na wala akong kasama rito sa bahay. Hindi ko iniisip na masyadong siyang overacting kasi cute 'yon para sa'kin.
"I'm sure, no, we're sure about this," pumasok siya sa loob ng bahay dala ang kaniyang bag.
Nag-usap kami kanina tungkol sa pag-stay niya rito and I said yes to it. Wala namang problema sa'kin na mag-stay siya rito although may sarili naman siyang condo. Kawawang condo, iniwan ni Cd. Charot. Saka sinabi rin naman ni Tita na pwede akong magpapunta sa bahay ng kaibigan. Well, boyfriend ko nga lang si Cd pero pwede na 'yon basta kasama sa bahay.
Hindi rin naman niya malalaman, eh. Parang ang sama ko tuloy. Sorry, Tita.
Pumunta kaming sala. "Ilagay mo muna sa couch 'yong bag mo. Kumain ka na ba? Kasisimula ko pa lang magluto, eh."
"Not yet. Hinahanap-hanap ko kasi ang luto mo, eh." He arched his brows.
"Bolero nito. Manuod ka na nga lang d'yan sa television o mag-ayos ka ng mga gamit mo. Magluluto lang ako rito sa kusina. Wait ka lang d'yan."
"Can I just watch you instead?" Sabay pa-cute niya.
"Sure. Alam ko naman kasing mas maganda akong panuorin kesa sa mga palabas d'yan sa television." I flipped my hair.
"Sinabi mo pa." Mas lalo namang lumakas ang loob ko sa sinabi niya. 'Di ba ang ganda ko.
Sinundan niya 'ko papuntang kusina tapos pinanuod nga niya 'kong magluto. Mabuti na lang talaga at masarap akong magluto dahil nakakahiya naman dito sa kasama ko ngayon sa bahay kung hindi. Bata pa lang din kasi ako ay tinuruan na 'ko ni Tita.
Tinignan niya ang niluluto ko. "Paksiw na bangus?"
"Oo. Mahilig ka sa seafoods, 'di ba? Kumakain ka nito syempre."
"Of course." Nang matapos akong magluto ay tinulungan ako ni Cd na mag-prepare. Sabay na kaming kumain at sarap na sarap siya ulit sa luto ko.
After eating ay nanghugas na rin ako. Gusto pa nga niyang manghugas pero pinapunta ko na siya sa sala para mag-ayos ng mga gamit niya. Titignan ko mamaya kung anong mga dala niya. Pinatay ko ang ilaw sa kusina at pumuntang na ring sala.
Nanunuod siya sa television pero ng mapansin niya 'ko ay tumingin siya sa'kin. "Are you done with the dishes?" Bakit parang katulong ang dating ko?
"Tapos na po, Sir. May ipaguutos pa po ba kayo?" Nag-bow ako sa kaniya para naman ganap na ganap ako sa role ko.
YOU ARE READING
The Gig in España
Roman d'amourKlarisse Castillo, a Civil Engineering student, has always enjoyed getting drunk and wasted with her friends in España, Manila. However, she had never expected to meet and fall in love with Cd Madrid, a man who loves to smoke and drink, and a lead v...