PROLOGUE

1.3K 18 0
                                    

IT WAS A typical Saturday evening.
Mas maraming tao ngayun sa bar kesa sa ibang araw, at halata nyang kalahati sa mga ito ay mga lasing na.

Nababahala sya dahil baka may mag-away na naman dito mamaya pero that worry is reduced kasi nandito si Alby, ang bouncer nila sa bar.
Kaibigan din ito nang kuya nya.

"Myrian!"
Narinig nyang sigaw nang Kuya Alfred nya.

Napangiti lang sya sa kapatid at hinintay na makalapit sa kanya.
May kasama itong lalaki.
That must be the one her brother told her about.

Sabi kasi nang kapatid nya may kaibigan ito na tumulong para mapatayo ang Miracle Bar.
Siguro ito na iyon.

"Kevin..this is my sister, Myrian."
Pagpapakilala nang kapatid sa kanya.

Nakita nyang napatitig ang lalaking tinawag nang kuya nyang Kevin mula sa ulo nya hanggang paa.

"Nice to meet you."
Mabilis nitong kinuha ang mga kamay nya at hinalikan.

Halata namang lasing na ang lalaki sa uri palang nang pagsasalita nito.

"Nice to meet you too."
Naiilang nyang sabi habang binabawi na ang kamay.

Ayaw nya sa mga lalaking katulad nito.
Natatakot sya kapag may kausap na lasing.

"Myrian doon na kami sa itaas ah..umakyat ka lang kung may kailangan ma dito sa baba. Nandito naman si Alby eh...you'll be fine right?"
Tanong nang kuya nya.

"Of cource kuya...i'll be fine here."
Nakangiti nyang sabi sa kapatid.

Nakita nyang napangiti lang ang kuya nya at kasama nang umakyat sa itaas si Kevin kasama pa ang dalawang babae.

Ang kuya nya talaga. Kahit kailan chick boy.

"Sino yun?"
Napatitig sya sa nagsalita.

"Ikaw lang pala Alby."
Napailing-iling sya.

"Wala lang yun. Kaibigan lang ni kuya."
Dugtong pa nya.

"Ang yayaman nang mga kaibigan nya no?"
Parang nagseselos na sabi ni Alby.

"Sus..hayaan mo na ang mga yun. Dito kalang sa tabi ko ah..baka may kumausap na namang lasing sakin. Natatakot ako."
Nakanguso nyang sabi.

"Eh..bat kapa kasi pumunta dito? Takot ka naman pala sa mga lasing eh. Edi sana sinabihan mo nalang ang kuya mo na imbes bar ang pinatayo dapat ice cream store."
Natatawa nitong sabi.

"Tumahimik ka nga...ah basta. Dito kalang sa tabi ko."

Napatitig sya sa paligid.
Nasisiyahan sya sa tugtog nang music pero nahihilo sya sa mga ilaw.
Parang matutumba ata sya eh.

Habang palipas ang oras, maliit nang paliit na ang mga tao sa loob nang bar hanggang sa sya nalang at tatlo pang natitirang staff ang nandoon.

"Miss Myrian alis na kami ah...good night."
Pagpapaalam na nang mga iyon.
At ayun nanga. Wala na syang kasama.
Wala nadin kasi si Alby.
Palagi nalang maagang umaalis yun, may jowa na kasi kaya ganon.

Kumaway nalang sya sa mga papalayong staffs.
Nasan naba ang kuya nya?
Kanina pa yun pero di pa nakakababa ah.

She has to go check on him. Baka lasing na naman yun at nahulog na sa kama.
Mabigat pa naman yung tao nayun.

"Kuya?"
Pagtawag nya sa kapatid nang makaakyat sa second floor.

May apat na kwarto sa itaas.
VIP lang ang nakakapasok doon.

"Kuya?"
Kumatok sya sa unang pintuan pero wala namang sumagot kaya kakatok na sana sya sa ikalawang pintuan pero napansin nyang nakabuhas ito.

Nandito ba ang kapatid nya?

Mrs. MistressWhere stories live. Discover now