CHAPTER 3

545 10 0
                                        

'"WHAT?!"
Narinig nyang sabi nang girlfriend sa kabilang linya nang sinabi nya ang lahat.

"Are you joking? It's not funny hun.."
Hindi ito makapaniwala sa sinabi.

"It's true. I made a deal para hindi sya makulong."
Walang imosyon nyang sabi.

"The hell Ali. Bat mo ginawa yun? Hindi mo sya pananagutan. Just give that sloth some money and i'm sure aalis na yun sa buhay mo...sa buhay natin. Don't forget na sa akin mo sinabi na papakasalan moko. Please hun...please don't do this."
Bigla nalang nag-iba ang tinig nang girlfriend.

He knows that his girlfriend can be possessive over him, dapat sya nga ang nakakaramdam nun pero iba ata.
He felt free nang nagpunta ito sa Australia pero kada minuto nalang tinatawagan sya nito at kapag hindi nya sinagot ang mga tawag ay mag-aaway na naman sila.

"I'm a man of my word Angela.
I said it, so I'll do it."
Sabi nalang nya at ibinaba na ang telepono.

Agad nyang inubos ang laman nang bote nang whiskey na hawak nya.
He's just too tired of explaining things..especially this thing.

Hindi nya gusto na makulong ang kuya nya at maiwang mag-isa ang Ate Shelley nya. Alam nya kasing hindi magagawang iwan nang Kuya Kevin nya si Shelly.

Ayaw din nyang walang mananagot kay Myrian. Alam nya ang pakiramdam na walang makilalang ama. That child will never be complete without a father.

He has to sacrifice something for his decision at sana hindi sya magsisisi sa huli.
Yes, he loved Angela but he's putting his family first.

SHE CAN'T remember kung paano sya napapayag nang kapatid nya na pakasalan nalang ang kapatid ni Kevin.

Its so wrong.
You can't marry someone you don't love.

Nakatayo lang sya sa harap nang salamin habang tinititigan ang sariling nakasuot nang wedding gown.

"Ganda mo na bess...
Sana ol naman sayo."
Sabi ni Isa habang inaayos ang wedding gown nya.

"Ano kaba...wag kang sana all nang sana all dyan. Pag sayo nangyari toh di ka matutuwa."
Pagtatama nya sa kaibigan.

"Alam ko naman...pero maswerte ka ah..pinanagutan ka padin. Talagang uupakan ko yung Kevin na yun. Ang lakas nang amats nya ah. How dare he do this to you."
Nakasimangot nitong sabi.

"Swerte pa yun? Eh..ang tingin sakin nang iba, ahas. Papanagutan nga ako ni Kuya Ali pero pa o yung girlfriend nya? Balita ko naghiwalay sila dahil papakasalan ako ni Kuya Ali."
Napaupo sya sa kama.

"Luh...di mo na kasalanan kung mas pinili ka ni Ali kesa sa jowa nya. Baka naman pangit yun."
Natatawa nitong sabi.

"Pero bes....wag mo nalang isipin yun. At isa pah...wag mo nang i-kuya yang si Ali. Magiging asawa mo na yan mamaya tapos Kuya ang tawag mo?"
Umiling ito.

"Eh ano ba dapat?"
She knows Isa was just messing with her. Pero ganito na talaga ang babaeng to eh..she just rolls with it.

"Dapat hon...love, sweetheart, lovydove. That kinds of call signs.."
Pabiro nitong sabi.

"Ikaw talaga..."

"Bunso.."

Napatigil silang dalawa nang iluwa nang pinto si Alfred.

"Alis nako ah...aayusin ko pa yung make-up ko..Hehe."
Pagpapaalam ni Isa habang papalabas nang pinto.

"It's all for you baby...please forgive me for dragging you in this miserable life of mine."
Hinimas nya ang tiyan.
Maybe this child is the best she ever had besides her brother.
She swear to never let this child fell the sadness she felt in her life before.

Lahat nang hindi nya naranasan sa pamilya ipaparanas nya sa anak.
That's how big her love is for this kid even if she's just a mistake.

"Bunso?"
Napalingon sya nang marinig ang kapatid.

"Patawarin moko kung naging napakawalang kwenta kong kapatid.
I wasn't there to protect you. Alam ko na galit ka sakin dahil ipapakasal kita kay Ali pero this is the only way para hindi masira sa lahat. This is the only way para may matawag kang buong pamilya para sa magiging anak mo."
Seryoso nitong sabi habang hinahawakan ang mga kamay nya.

"I know kuya. Hindi naman ako galit sayo eh. I understand you. You just want whats good for me...for us. Ang inaalala ko lang ngayun ay si Kuya Ali."
Napayuko sya.

"He has a girlfriend and he's marrying me for a stupid reason."

"Shhh... it his decision Myrian."
Pagpapakalma sa kanya nang kuya nya.

"Look at you. Napakaganda mo ngayun. Kung nandito sina mama at papa---"

"Patay talaga ako."
Pag dugtong nya sa sinabi nito.

"No....they'll be happy to see you wearing a wedding gown at sila pa mismo ang sasama sayo across the aisle.
Alam mo namang maunawain ang dalawang yun diba? Hali kana. Baka naghihintay na sila sayo."
Nakangiting sabi nang kuya nya.

He's right. Ganon nga ang gagawin nang mga magulang nila. Only if they are here.

Kinakabahan sya habang katabi ang Kuya Ali nya sa harap nang pari.
They are going to be bonded in front of God and she just fells like she has sin.

Nandito sa simbahan ang kuya nya at ang iba pang pamilya ni Ali, even Kevin and his wife.

Ikinasal na kasi ang dalawa last week bago sila ikasal.

She's now 1 and a half months preganant at syempre dun sya nag stay sa kuya nya dahil sa bahay na sya nina Ali titira pagkatapos nang kasal na ito.

The ceremony is quite long at hindi na nya namalayan na it's time for them to exchange vows.

Thr faced each other and Ali was first to say his vow.

"I, Jhon Ali Garcia, take you, Myrian Meranda , to be my lawful wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part. I will love and honor you in all the days of my life."
Sabi ni Ali habang hinahawakan ang kamay nya.

Its her turn now.
Can she really do it?

"I---"

"Stop this fucking wedding!!"

Napatitig ang lahat sa pintuan nang simbahan nang marinig ang sigaw na iyon.

It was a girl.
She thought maybe that girl is her Kuya Ali's girlfriend.

Napatitig sya kay Ali.
Nakakunot ang noo nito.

"Don't marry that sloth! You stop this wedding or i'll leave you! You love me right? Then come with me."
Ibinukas nya ang mga palad at tinitigang mabuti si Ali.

Mrs. MistressWhere stories live. Discover now