7- Merciless

9 1 0
                                    

CHAPTER 7

[November 23, Monday]
"alam mo bang lalo kang pwedeng madiin sa kaso dahil sa ginawa mo kay Ms. Aragon? That's physical injury and attempted murder?!"

"hindi ko nga sinasadya yon! galit na galit ako sa kanya dahil namatay ang pinsan at mga kapatid ko, pero siya buhay! Sa dami nila, bakit siya pa ang natira? Sinong siraulo ang hindi iisiping killer si Arya gayong pati ang katawan ng pinsan niya ay natagpuan sa compartment ng kotse niya? Sige nga Detective, ni minsan ba, hindi mo itinuturing na suspect si Arya?" Tumulo ang luha ni Gilbert.

"Pero hindi ibig sabihin non ay pwede mo nang ilagay ang batas sa mga kamay mo Mr. Barron. Mali parin ang ginawa mo kay Ms. Aragon." Ani Detective Baylon.

Napayuko naman ang binata at pinunasan ang luha sa pisngi.

"Alam ko. At pinagsisisihan ko ang ginawa ko kay Arya. Nadala lang ako sa takot at galit ko. H-hindi ko naman gustong manakit eh. Kaya lang apat na sa pamilya ko ang namatay sa loob lang ng tatlong araw Detective, at nanganganib na din ang buhay ko."

"kung hindi ko lang sana iniwan ang mga kapatid ko ... K-kung hindi nalang sana ako umalis para sunduin sina Juni. Baka naprotektahan ko pa sila." Napahagulgol si Gilbert sa pangungulila sa mga kapatid.

Sakto namang pumasok ang nurse sa kwarto. Chineck nito ang dextrose at vitals ni Gilbert at may sinulat sa hawak na clipboard.

"Pasensya na ho sir, pero kailangan na po munang magpahinga ng pasyente." Sabi ng nurse.

Tumango naman si Bane sa nurse at tumayo para itigil muna ang recording sa video camera.

"babalik nalang ako bukas Mr. Barron. Magpagaling ka." Ani Detective Bane Baylon

"Hindi niyo ba ako poposasan ulit?" Tanong ni Gilbert bago pa mahawakan ni Bane ang doorknob. Lumingon siyang muli sa binata at tinitigan ito, nananantya.

Ang mga mata naman ni Gilbert ay blangko at walang ekspresyon.

Sa huli ay bumuntong hininga siya at umiling. "No need. May pulis naman na nagbabantay sa labas ng kwarto mo."

Hindi sumagot si Gilbert, sa halip ay lumingon ito sa bintana.

"What about that window? Sino ang nagbabantay?" Tanong ulit ni Gilbert sa Detective.

Napalingon na din siya sa tinutukoy na bintana at lumapit dito. Binuksan niya ito at sumilip sa labas kung may paraan ba para makalabas o pasok ang isang tao sa bintanang iyon. Tiningnan niya din ang lalim ng babagsakan kung sakaling tumalon o mahulog ang magtatangkang dumaan.

Pero wala naman siyang nakitang pwedeng pag-akyatan kaya sinarado niya nalang ulit at humarap kay Gilbert.

"Imposibleng may makadaan sa bintanang 'to." Ani Bane pero umismid naman si Gilbert.

"Are you sure?"

Ano ba ang iniisip ng batang 'to? Tanong niya sa isip. Nairita si Bane sa paraan at tono ng pananalita ni Gilbert kaya kinuha niya ang walkie-talkie at nagradyo sa isang tauhan.

"Pumwesto ka sa may fountain, malapit sa bintana ng kwartong 'to. Bantayang maigi si Gilbert Barron at baka dumaan sa bintana." Utos niya.

"pero Detective, imposi--"

"that's an order." Aniya at ibinulsa ulit ang radyo.

"anything else, Mr. Barron?" Ani Detective Baylon

"anong oras dadating ang mga magulang ko?" Tanong ni Gilbert.

"ah nasa labas na po sila, hinarang lang ng dalawang pulis kanina kasi may pinag-uusapan pa daw po kayo ni sir." Sabat naman ng nurse na may sinusulat pa rin sa clipboard niya.

That Unfortunate Weekend [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon