2- An Eerie Feeling

15 1 0
                                    

CHAPTER 2

[November 20, Friday]
Nagkakatuwaan at asaran pa ang mga lalaki sa kwarto nila habang sa kabilang kwarto naman ay abala na ang mga babae sa paghahanda sa pagtulog.

Nauna nang magshower si Narcy, samantalang nagkakagulo pa sa pagpili ng facial mask sina Amanda, Arya, Janna at Cassidy nang nakarinig sila ng katok sa pinto.

Bumukas yon at sumilip sa pinto si Adam. He scanned the room and stopped his eyes on Cassidy then he smiled.

"Cass, pahangin tayo sa balcony." Inasar ng mga babae si Cassidy na napakalapad din naman ng ngiti.

"Mukhang may magpupuyat ah!" Amanda

Tumayo si Cassidy at sumama sa nobyo palabas ng kwarto.

"Asan pala si ate Jill?" tanong ni Lina nang mapansing kulang sila.

"Wag mo nang hanapin ang pinsan niyo Lina, dinidiligan na ni Trask yon!" Sagot ni Arya. Natatawang hinampas ni Amanda ang braso ng pinsan kaya nagtawanan na din sila.

"Kaya pala tahimik, wala si ate Jill dito. Hahaha!" Lina

Lumabas na ng banyo si Narcy na nakapantulog na. "Uy pahingi din ako, meron pa?"

"Ako next!" Tumayo si Arya at pumasok na din ng banyo dala ang pamalit na damit.

"Lina, sa kabilang kwarto nalang tayo magshower." Aya ni Lyra sa kakambal.

"Sige, inaantok na din ako eh." Lina

"Katok muna kayo ah? Baka may makita kayong live show. HAHAHA!" Amanda

Pumunta sila sa katapat na kwarto para doon mag shower. "sis, mauuna na kong mag-shower sayo ha." sabi ni Lyra sa kakambal. Tumango naman si Lina sa kanya.

Pumasok na si Lyra sa banyo, sinabit niya ang tuwalya sa labas ng shower curtain at in-on ang shower. samantalang nahiga naman sa kama si Lina at nag-scroll sa social media.

Maya-maya ay nakaramdam ito ng pagkauhaw kaya kumatok siya sa banyo.

"Ly, baba lang ako sa kusina, iinom lang ako ng tubig." Binuksan niya ang pinto at sumilip sa banyo. Sumilip din mula sa shower curtain ang kakambal.

"Kuhanan mo din ako." Bilin ni Lyra, tumango naman si Lina at lumabas ng kwarto.

Bumaba siya at pumuntang kusina. Nilabas niya sa ref ang ang isang pitsel ng malamig na tubig at nagsalin sa baso.

"Ahhhh, refreshing." Sambit ni Lina

Habang nagbabanlaw si Lyra ay napalingon siya nang mapansin ang dumaang pigura.

"Lina, ikaw ba yan?" tanong niya pero hindi ito sumagot. Sinilip niya kung may tao ba sa banyo ngunit wala naman siyang nakita.

Pinagkibit balikat niya nalang iyon at inisip na baka inakala ni Lina na tapos na siya at lumabas agad nang makitang hindi pa.

"Patapos na ko, wait lang." Sabi niya sa kambal.

Sa kusina naman sa baba, ay nakakadalawang baso na ng tubig si Lina nang makarinig siya ng yabag sa hagdan, nilingon niya ang bandang labas ng kusina sa pag-aakalang tapos na ang kakambal niyang si Lyra na gumamit ng banyo.

"Lyra? Tapos ka na ba?" tanong niya ngunit walang sumasagot. Nagsalin ulit siya ng tubig sa baso para sa kakambal at binalik na ang pitsel sa ref.

Paglabas niya ng kusina ay wala naman siyang naabutang tao. Kaya dumiretso nalang siya pabalik sa kwarto. Pagbukas niya ng pinto ng kwarto ay sakto ding pagbukas ni Lyra ng pinto ng banyo kaya't pareho silang natigilan.

"kakatapos mo lang?" Lina
"oh! Bumaba ka ulit?" Lyra. Sabay nilang tanong sa isa't-isa

"Oo." sagot ni Lyra
"hindi ah!
Kakaakyat ko lang, akala ko nga bumaba ka eh." sagot ni Lina

"kakatapos ko nga lang, bakit ako bababa eh hindi pa ko bihis? Teka, you mean, hindi ka pumunta dito kanina? Akala ko nga pumasok ka ng CR eh. pero pagsilip ko sa curtain wala ka." Lyra

"hay nako Lyra, wag mo nga akong tinatakot! Isusumbong kita kay kuya!" Lina

"hindi kita tinatakot!" Lyra

"Iiih! Oh, ayan na yung tubig mo! Magsh-shower na ko, wag mo kong iiwan dito ah. Hindi ko isasara ang pinto ng CR." takot na sabi ni Lina. Tumango naman ang kakambal niyang si Lyra.

"Bilisan mo."

Pagbalik nilang dalawa sa kwarto ay tulog na sina Arya, Jill at Narcy. Samantalang naghaharutan pa ang kaibigan nilang sina Amanda at Janna.

Naghahagikgikan ang mga ito habang nakatingin sa cellphone.

"Hindi pa kayo nagshower?" tanong ni Lyra

"Mamaya na, nagchachat pa si Kevin kay Amanda eh." Sagot ni Janna sa kambal. Nanlaki naman ang mata ng dalawa at nakisiksik para makiusyoso.

"Ano sabi?!" Lina

"Liligawan niya daw si Amanda." They squealed in unison.

"Talaga?! Ang swerte mo naman!" Lina

Tumagal pa ng kalahating oras silang naghahagikgikan, hanggang sa nakatulog na din ang kambal, bago magpaalam ang manliligaw ni Amanda na matutulog na ito.

"Nako! Nakalimutan na nating magshower at facial mask!" Janna

"Edi bukas nalang pagdating sa bahay. Marami pa don sa room ko. Ikaw na magshower sa CR dito, doon na ko kabila." Amanda

"Oo tama yan, at napakatagal mo pa naman maglinis ng katawan!" Janna

Pumasok na sa shower si Janna at lumabas naman ng kwarto si Amanda. Nakasalubong pa nito ang pinsang si Eli na humihikab pa at kakalabas lang ng kwarto ng boys.

"Oh! Hindi ka pa tulog?" Tanong ni Eli

"magsh-shower pa ko. Ikaw?" Amanda

"kukuha ako ng tubig sa kusina." Sagot naman nito at inaantok pang naglakad sa hallway papuntang hagdanan.

Si Amanda naman ay pumasok na sa kwartong pinagpaliguan ng kambal kanina. In-on ang music sa cellphone at nilapag yon sa sink.

Habang nagsasabon ay may napansin itong pigura na nakatayo sa bandang pinto ng banyo.

"Sino yan? May tao dito. Sa ibang kwarto ka nalang gumamit ng CR." Sabi ni Amanda at nagpatuloy sa pagsasabon ng katawan nang makitang umalis ito.

Pagkatapos niyang magshower ay nagpunas na siya ng katawan at nagtapis ng tuwalyang hiniram kay Arya.

Binuksan niya ang pouch niya at nilabas ang lotion at nagpahid sa katawan, braso, hita at binti.

Pagkatapos ay nagbihis na siya ng pantulog. Tutal ay nandoon na rin naman siya sa harap ng salamin ay doon niya na din naisipang maglagay ng mga skin care products sa mukha niya. Para hindi na siya maka istorbo sa mga natutulog sa kwarto.

Pagkatapos ng lahat ng ritwal na ginawa niya ay niligpit niya na ang mga gamit at lumabas ng banyo.

"OH MY GOSH!" sigaw niya sa gulat sa taong nasa labas ng kwarto.

"Ikaw pala. What are you doing here? You gave me a fright!" Sabi niya ngunit ngumisi lamang ito sa kanya.

---

That Unfortunate Weekend [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon