8- Devil's Lair

5 0 0
                                    

Chapter 8

[November 22, Sunday]
Muling kinuha ni Gilbert ang hinagis na cellphone at in-open ang app na in-install ng kambal kanina para ma track nila ang isa't isa.

Nag-loading saglit ang mapa at pagkatapos ng ilang sandali ay may nakita na siyang pulang marka na nagtuturo sa lugar na kinaruroonan ni Lina.

"How the hell did you get there Lina?" Bulong ni Gilbert

Ilang sandali pa siyang natigilan sa pagtataka ngunit kalaunan ay napagpasyahan niya na ding puntahan ang lugar na tinutukoy sa app.

Sa labas naman ng bahay ni Narcy, walong minuto ang nakalipas nang umalis si Gilbert ay napatahan na nila si Arya at nakatulala nalang ito sa inuupuang semento. Sa sobrang pagod ay wala na siyang maiiyak pa. 

Si Janna naman ay naluluhang nakatingin sa kuya niyang pabalik balik ng lakad.

"What are we going to do now kuya?" Naluluhang tanong ni Janna.

Hindi pa man nakakasagot si Juni ay nagring na ang cellphone ni Arya. Pareho silang napatingin sa kaibigan na nakatulala parin at tila hindi naririnig ang pagtunog ng cellphone.

"ate Arya, your phone is ringing." Janna

Dinukot naman ni Arya ang cellphone sa bulsa at wala sa sariling pinadausdos sa kamay hanggang sa nakalapag nalang ito sa semento at patuloy na nagriring.

Kinuha naman iyon ni Janna at sinagot ang tawag. "it's from kuya Eli." Sabi niya at pinindot ang cellphone ni Arya.

"Hello? This is Janna." pakilala niya sa kausap.

"Hello po mam?" Boses ng babae ang narinig niya sa kabilang linya. Taka niyang tinignan ang screen at binalik ang receiver sa tenga.

"Yes? Who's this?" Janna

"Nurse ho ako mam dito sa QC Med. Number niyo ho kasi ang nakalagay na emergency contact person ng pasyente kaya tinawagan namin kayo." Paliwanag ng nurse

Agad kumalabog ang puso ni Janna sa narinig. Nilingon niya si Arya na mukhang wala na sa ulirat. Pagkatapos ay nilingon niya ang kapatid na kanina pa nakatingin sa kanya.

Kinutuban din si Juni sa ekspresyong nakita kay Janna kaya lumapit siya dito at hinila patayo. Lumayo sila ng kaunti kay Arya para hindi nito marinig ang kung ano mang masamang balita na sasabihin ng nurse.

"A-ano po bang nangyari?" Janna

"Natagpuan po ang katawan ni Mr. Eli Aragon sa labas ng Emergency room. Basag ho ang mukha, sa palagay namin ay tumalon ho siya mula rooftop ng building."

Nanlalaki ang mga matang nagkatinginan si Juni at Janna at sabay silang lumingon sa kinaruruonan ni Arya.

At laking gulat nila nang makitang nakatayo na ito sa kanilang likuran. Panibagong luha ang namumuo sa mga mata nito.

Unti-unti na namang nanghina si Arya sa narinig na balita kaya't maagap siyang nasalo ng magkapatid bago pa man bumagsak sa sahig.

Labis na hinagpis at takot na ang nararamdaman nilang tatlo. Lalo na't nakumpirma nila ang marka sa kanilang balat. Ilang oras lang silang hindi magkaka-sama ay tatlo na kaagad ang namatay sa kanila.

"A-at least Gilbert and Lina are f-fine, right?" Arya

"We need to get out of here. We're not safe here anymore." Dinukot ni Juni ang susi sa bulsa at in-unlock ang kotse niya.

"Let's go ate." Tinulungan nilang tumayo ng maayos si Arya at pinasakay sa back seat. Pagkatapos ay sumakay na din si Janna sa shotgun seat at si Juni naman sa driver's seat.

That Unfortunate Weekend [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon