5- Barbarously Killed

12 1 0
                                    

CHAPTER 5

[November 22, Sunday]
"Saan ho nakita ang mga katawan nila, sir?" Tanong ni Gilbert kay Officer Aves. Nasa labas na silang lahat ng hospital at nag-uusap.

"May nadiskubre kaming secret room sa bahay na 'yon at doon namin nakita ang mga bangkay nila. Pero ang pinagtataka ko ay kung paano sila napunta sa lugar na 'yon? Walang ibang lagusan papasok at palabas kundi ang pintuan lang na limang dekada nang nakasarado."

"What do you mean po?" Tanong ni Janna

"Pinasuri namin ang lock at walang bahid o senyales na binuksan iyon sa nakaraang limamput tatlong taon." Sagot ni Frank

"Paano naman po ang pinsan namin, Officer? Hindi parin po ba siya nakikita?" Si Arya naman ngayon ang nagtanong at umiling lang ang pulis sa kanya.

Nang umalis na ang pulis ay nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ni Arya.

"Anong sasabihin natin kay tito Felix, Eli?! Hindi pa nila alam na nawawala si Amanda!"

"don't worry couz, mahahanap din natin si Amanda. At siguradong ayos lang siya. Hangga't walang nahahanap na katawan ang mga pulis, posibleng buhay pa siya." Niyakap ni Eli ang umiiyak niyang pinsan.

"No, she's not! She's not okay, Eli. I... I t-think she's already dead." Lalong lumakas ang pagtangis ni Arya dahil sa mga binitawan niyang salita.

"Pano mo naman nasabi ate Arya? Wag kang magsalita ng ganyan." Umiyak na din si Lina

"This mark." Tukoy niya sa number 8 na nakamarka sa mga pulso nila.

"Cassidy and the others also had a mark on their wrists. Pero hindi kagaya ng satin."

"What are you saying Arya?" Gilbert

"8! Number 8 ang marks natin diba? Kasi walo nalang tayo ngayon! Pero si Adam at Cassidy, they have 10 and 11 on their wrists. Si Trask naman, 9. And Jill... J-Jill has the number 12." Napatakip na si Arya ng mukha sa sobrang pag-iyak.

"Hindi ko gets. Paan--" Narcy

"The mark represents the number of people alive. Kaya 8 ang sa atin dahil walo tayong buhay pa. At magiging permanent sayo ang number kapag namatay ka..." Si Juni naman na unti-unti na ding naiintindihan ang mga sinabi ni Arya.

"Nang mamatay si Jill, hindi na napalitan ang number 12 sa kamay niya. At kung 11 ang kay Cassidy, ibig sabihin ay siya ang sunod na namatay pagkatapos ni Jill. It marks the order of their deaths."

"Ibig sabihin, mamamatay din tayo, kuya?" Tanong ni Lyra kay Gilbert.

"Ayoko pang mamatay!" Sigaw ni Lina. Nagyakapan ang kambal at umiyak.

"Edi...s-si Amanda...ang pinakaunang namatay?" Si Janna

"If Amanda is really dead and our conclusions are right, she should have the number 13 on her wrist." Juni confirmed his sister's thoughts.

"Pero sino naman ang Killer? At bakit niya tayo gustong patayin?" Tanong ni Eli pero wala sa kanila ang nakasagot sa tanong na 'yon.

Iyak lang ng iyak si Arya at hindi na naman makausap kaya napagdesisyunan nilang bumalik na sa QC at umuwi.

Sa biyahe ay nakatulog si Arya sa tabi ni Narcy.

"Ate Arya..." Dinilat ni Arya ang mga mata niya nang marinig ang boses na 'yon. Nasa isang madilim at hindi pamilyar na lugar siya. Nilibot niya ang paningin ngunit wala siyang makita.

"Ate Arya." Lumingon ulit siya sa kawalan nang marinig ang umiiyak na boses.

"Amanda?" tawag niya sa pinsan at lumingon muli pero wala parin siyang makita kundi ang kadiliman

That Unfortunate Weekend [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon