9- Last Breath

6 0 0
                                    

Chapter 9

[November 23, Monday]
Nakatayo parin sila sa hindi kalayuan mula sa bahay. Kinuha ni Arya ang cellphone niya at sinet iyon para makuhanan niya ng litrato ang bahay.

"Let's show it later to the police. Tell them about how the damn house looks right now.."

Tinapat niya ang camera sa bahay pero laking gulat niya nang makita sa screen ng cellphone niya ang sira, luma at abandonadong bahay. Binalik niya ang tingin ng mga mata sa mismong bahay at nakitang maayos naman ito, malaki at napakaganda.

"What the fuck? H-how is that possible?" Arya

"it's a home of the devil Arya. What do you expect?" Si Juni

Binaba ni Arya ang cellphone na hawak at binalik sa bulsa.

"Okay so, what now?" Kabadong tanong ni Arya at tumingin sa magkapatid.

"There's only one way to find out." Juni

Sabay na napabuntong hininga si Arya at Janna

Si Juni naman ay nagsimula nang maglakad papalapit sa bahay, kasunod ang dalawang babae na nagtutulakan sa likod niya.

Habang papalapit sila ng papalapit sa bahay ay palakas din ng palakas ang kabog ng kanilang mga dibdib.

"W-what are we going to do here exactly?" Tanong ni Janna na kapit na kapit sa braso ng kuya.

"To be honest, I'm not sure. Find some answers, I guess? Kung bakit nangyayari lahat ng to satin, kung ano ba ang kailangan ng killer at bakit niya to ginagawa." Juni

Dirediretso lang sa paglalakad ang magkapatid papasok sa bahay. At nakasunod naman si Arya sa likod nila. Mahigpit na nakahawak si Arya sa braso ni Janna.

"Did you hear that?" Napatigil bigla si Juni sa paglalakad.

"Hear what kuya?" Tanong ni Janna at napatigil na din kasama si Arya

"Listen." Juni whispered.

Ilang saglit silang nanatiling nakatayo sa gitna ng sala at nakikinig.

"parang..." Janna

"may umiiyak." Dugtong ni Juni. Nagkatinginan sila at sinundan kung saan nanggagaling ang tunog.

Lumiko sila sa gawing kaliwa papunta sa ilalim ng hagdan at may nakita silang pinto sa dulo ng hallway.

Samantalang hindi nila namalayang naiwan nila si Arya sa sala. Hindi din naman napansin ni Arya na mag-isa nalang siya sa sala dahil sa narinig niyang ingay na nagmumula naman sa second floor.

Without thinking, humakbang si Arya palapit sa malaking hagdanan ng bahay at tumingala sa taas. Hindi niya mawari kung ano ang sinasabi ng naririnig niyang boses.

"Guys, may tao yata sa --" tinuro niya ang direksyon ng second floor at nilingon ang mga kasama na akala niya ay nasa likuran niya lang nakatayo. Pero wala siyang nakita ni anino doon.

Malakas na kumalabog ang dibdib niya sa kaba nang marealize niyang mag-isa nalang siya doon.

"J-Janna? Juni?" Tawag niya sa magkapatid sa mahinang boses.

Napagdesisyunan niyang hanapin ang dalawa sa hallway sa ilalim ng hagdanan pero bago pa man siya makahakbang palayo sa hagdan ay may narinig na naman siya na nagpalingon sa kanya pabalik sa taas.

"Alis." Bulong ng isang mahinang boses.

"ha? S-sinong nanjan?" Tanong niya pabalik sa mahina ding boses. Halos takot na may makarinig sa kanya.

"Arya." Kumalabog muli ang dibdib niya nang marinig ang pangalan niya.

"s-sino ka? How did you know my name? Anong... A-anong kailangan mo sakin?" Tanong niya ulit pero sa halip na sagutin ang tanong niya ay pangalan niya lang ulit ang narinig niya.

That Unfortunate Weekend [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon