PERISH

16 0 0
                                    

PERISH

"Kuya..." Naririnig niya ang boses ng kapatid niyang si Lina pero hindi niya kayang imulat ang mga mata.

"Wake up kuya. They're here." Sabi ulit ni Lina.

What does Lina mean 'they're here'? Who? Who's here? Their dead friends? Sinusundo na ba siya ng mga ito?

"Kuya WAKE UP!" sigaw ng kapatid niya at isang sampal sa pisngi ang nagpagising kay Gilbert.

"Huh? What--" naguguluhang napabalikwas si Gilbert

"Everyone is here na. Kanina ka pa natutulog jan." Reklamo ng kapatid niya at tinalikuran siya para lumapit sa mga kasamang kakarating lang.

Nilibot ni Gilbert ang paningin niya at nakitang nasa loob siya ng sasakyan niya na nakapark sa labas ng University. Kung saan sila magkikita kita para sa birthday ni Juni.

Anong nangyayari? Takang tanong ni Gilbert sa sarili. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha niya sa sobrang lito. At isang malakas na katok sa bintana niya ang nagpaangat sa kanya ng tingin. Nasa labas ng kotse niya si Lyra at sinisenyasan siya na lumabas na ng kotse.

Kunot naman ang noong lumabas ng kotse si Gilbert at nakihalubilo sa mga kasama.

"Okay guys, complete na tayo! Sakay na kayo nang makaalis na tayo agad. Yung mga bags, ilagay sa compartment." Anunsyo ni Juni

"Amanda, san ka sasakay? Ikaw ang nakaka alam ng daan kaya dapat sa front seat ka." Tanong ni Arya sa pinsan.

Nangyari na 'to ah. Sa isip ni Gilbert. Panaginip lang ba 'to? O bumalik ako sa nakaraan? Paano? Bakit?

"Ako kay papa Gilbert kakandong! Este sasakay pala." Gumapang ang kamay ni Eli sa braso ni Gilbert na nagpatawa sa mga kaibigan nila.

Masamang tinitigan ni Gilbert si Eli. Kumulo ang dugo niya nang maalalang siya ang killer na pumatay sa mga pinsan, kapatid at mga kaibigan niya. Pero hindi niya magawang sabihin dahil alam niyang ginamit lamang ng demonyo ang katawan ni Eli para pumatay.

Nakita naman ni Eli ang lukot na mukha ni Gilbert kaya umayos siya ng tayo. "Ito naman, hindi na mabiro. Joke lang yun chong! Ang sama ng gising mo ah?"

Para maitama at mapigilan ang mga masasamang mangyayari. Yun ang dahilan kung bakit binigyan siya ng isa pang pagkakataon na bumalik sa nakaraan. Para iligtas ang mga kaibigan niya.

Ngumiti si Gilbert at natatawang pinitik sa noo si Eli. "Tarantado ka kasi lumandi! Baka gusto mong sikmuraan kita sa ngala ngala?"

Napag desisyunan na ngang sa sasakyan ni Juni sasakay si Amanda at ang mga kaibigan nito. Kay Arya naman sina Narcy, Adam at ang kasintahan nitong si Cassidy.

Sumakay naman sa front seat ng kotse ni Gilbert si Eli at sa likod naman ang pinsan niyang si Jill at ang nobyong si Trask.

Habang nasa biyahe ay hindi maiwasan ni Gilbert ang mag-isip kung papano niya mapipigilan ang mga mangyayari.

Ano ba ang kailangan niyang gawin?

Nang makalagpas na sila sa SLEX ay may biglang naalala si Gilbert.

Nag umpisa ang lahat sa bahay na yon. At hindi sila mapupunta sa lugar na yun kung hindi maii-stuck ang kotse ni Arya sa putikan kapag inabutan na sila ng ulan mamaya sa daan.

At ang tanging paraan lang para mapigilan ang lahat ng yon na mangyari ay ang pigilan din niya na doon sila dumaan.

Kailangan niyang makumbinsi ang mga kasama na dumaan sa ibang ruta.

"Eli." Tawag niya sa kaibigan ngunit hindi ito sumagot. Nilingon niya saglit ang katabi at nakitang nakanganga na ito at nakasandal ang pisngi sa bintana.

That Unfortunate Weekend [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon