3- Killing Spree

13 2 0
                                    

CHAPTER 3

[November 20, Friday]
Tulog na ang lahat maliban kay Cassidy at Adam na naghahalikan pa sa balcony.

"It's late Adam, we should go back and sleep." Half meant na sabi ni Cassidy sa nobyo.

"Let's stay a little longer Cass." Sabi ni Adam at inatake ulit ng halik ang kasintahan. Gumapang ang kamay nito sa blouse ni Cassidy at minasahe ang dibdib. Isang makamundong ungol naman ang naipalabas ni Cassidy galing sa bibig niya.

"Labs, I'm thirsty." she suddenly whispered in his ear.

"Thirsty for me?" ngisi ni Adam at pinagapang ang kamay pababa.

Tumawa si Cassidy at tinampal ang kamay ng nobyo. "I meant water, silly! Go get me some."

"I saw a theater room at the end of the hallway. I'll go get some soda and chips from the boys' room, let's watch a movie?" Adam

Ngumisi si Cassidy sa plano ng nobyo, dahil alam niyang hindi naman talaga sila makakanood ng movie at iba ang gagawin sa theater room.

Pumasok na ulit sila at sinarado ang sliding door ng balcony. Hinatid ni Adam si Cassidy sa theater room.

Hinalikan niya ang nobya bago bumalik sa kwarto ng boys. "Can't wait to eat you-- I mean, to eat with you."

Pumasok si Cassidy sa loob ng theater room. Binuksan niya ang ilaw at tumambad ang napakalawak na kwarto. Malaking tv screen sa dulo at anim na row ng theater chairs ang naroon.

Kinuha niya ang remote at binuksan ang tv para mamili ng pwede nilang panoorin. Pero nilapag niya din ang remote at nilibot ang paningin sa loob ng kwarto.

At doon napansin niya ang isang glass door.

She curiously went near the door and saw a maze room full of illusion mirrors. She smiled and went inside it. Dito siya magtatago at gugulatin si Adam mamaya.

Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay pinagmamasdan na naman siya ng pares ng mga matang minsan nang nagmasid sa kanila kanina.

Naglakad pa siya papasok hanggang sa napunta siya sa center ng maze. Doon ay may isang transparent glass wall na makikita ang pinto kung saan siya pumasok kanina.

Habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin ay naisipan niyang itali ang buhok.

Napansin ni Cassidy ang marka sa kanyang palapulsuhan. Maliit lamang ito kaya hindi madaling makita.

"ano 'to?" tanong niya sa sarili at pinunasan sa pag-aakalang dumi lamang iyon, pero hindi niya mabura. Pinakatitigan niya ito, dalawang maliit na guhit at parang number 11.

"Cass?" Rinig niyang tawag ni Adam. Napangiti siya at hindi lumabas.

Nilapag ni Adam ang isang malaking Nova at dalawang can ng coke sa isang upuan.

"Cass, where are you?" Tawag niya ulit sa nobya.

Chineck niya ang mga upuan at likod ng pintuan, baka nagtatago lang ito at balak siyang gulatin, pero wala.

"Cass, come on!" Lumapit siya sa tv screen nang mapansin niya ang isang pinto. Nang lumapit pa siya lalo ay doon niya nakita ang nobya, nakatayo sa gitna ng maze.

"What are you doing there?" Tanong niya habang tumatawa sila.

"This house is amazing labs!" Cassidy

"Come on out, let's start the party." Adam teased.

Habang tumatawa si Cassidy ay may nakita si Adam na madilim na pigurang nakatayo sa likod ng nobya.

That Unfortunate Weekend [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon