Chapter 41: Now Is The Time

115K 3K 1K
                                    

Martina Vlanca

Have you ever reached that high level of panic that you can no longer hear anything but the fast and loud thudding of your heart? Tapos sa sobrang kaba at pagkabalisa mo ay pakiramdam mo ay masusuka ka na?

Well, I am feeling all that right now.

Ni hindi ko iniinda ang panakha-nakhang kirot ng aking head injury. Nakatulala lamang ako sa kisame habang pakiramdam ko ay lalabas na mula sa ribcage ko ang aking dibdib, pati na din ang lahat ng kinain ko for the last twenty four hours, dahil sa labis na kaba at panic.

For the first time in my life, I do not know what to do, there are no textbook answers to what's about to happen.

"Vlanca, sorry talaga, I-I can say na ni-photoshop ko lang 'yun o-or I can come up with e-excuse. I swear, I didn't meant it to be this w--"

Napapikit ako sandali nang marinig ko ang nauutal at kinakahaban na tinig ni Liv. Imbes na makatulong iyon ay mas pinapalala lang noon ang aking pagkabalisa.

"Liv," I said to stop her from talking but she just kept going.

"I'm s-so sorry, tell me how I can make thi--"

"For the love god, just shut up, please!" Putol ko sa kanya na agad na ikinaikom ng kanyang bibig.

Nang lumingon ako sa kanya ay nakatitig lang siya sa akin nang may pagsisi sa kanyang mukha. It's too late for that.

"It's done, Liv. You cannot take it back...so, the best thing you could do right now is shut up and give me time to prepare myself for whatever is coming."

Napalunok siya bago bahagyang tumango. Ilang minuto ang lumipas na tanging pag-beep lang ng mga vital machine ang maririnig na ingay sa kwarto. Habang wala pa rin na sulusyon na pumapasok sa isip ko.

All that was going inside my head is that Kiel and I are doomed and that there is nothing I could ever do about it.

"For what it's worth, I didn't think that you were in a relationship with him for grades or in exchange for anything at all." Basag niya sa katahimikan.

Pinukol ko siya nang masamang tingin.

"Ever since day one, I know that you were smart, Del Russo, that's why I hated you to begin with..." She said and looked away for a moment. "...and you didn't have special treatment from him...if anything, I and everyone thinks that he hates you dahil nakikita ng lahat na ikaw ang scut monkey niya, inuutusan ka pa nga niya na gumawa ng charts e. In short, you always get the bad end..."

Hindi ako nakasagot. Yeah, wala akong special treatment, instead, I got the bad treatment because I asked for it. I did not want our intimacy to affect our professional lives.

"Anyway, I am really sorry....well, I have a lot to be sorry about....but yeah, I'm sorry." She said without a sarcastic tone.

Hindi ako muling nakasagot.

I can't really blame Liv. Well, I am not really blaming her, noong sinimulan ko ang laro namin ni Kiel ay alam ko na may posibilidad na mabunyag kami. At noong minahal ko siya at nagka-relasyon kami ay alam ko pa din ang risk na iyon. That's why we're very careful.

And even then, there is still a risk that we're gonna be revealed prematurely. That's why I didn't tell Dakota or anyone else about us. Hindi ko lang inakala na sa ganitong paraan pala kami mabubunyag.

Hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Kiel. He was still wearing his scrubs and scrubcap. Ngayong nakita ko na siya ay mas lalo ko lang naramdaman ang bigat ng kakahinatnan namin. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng aking mga luha, nang makita niya iyon ay mas mabilis siyang naglakad patungo sa akin. As he approached me, halata ang pagalala at pangamba sa kanyang mukha. He didn't care that someone else was in the room. Walang pagaalinlangan siyang lumapit sa akin at umupo sa gilid ng kama.

His Forbidden ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon