Martina Vlanca
Lugo-lugo akong pumasok ng on-call room habang bitbit ko ang pagkain na binili ko sa cafeteria. Pagpasok ko sa kwarto ay sumalubong sa akin ang limang double deck beds na nakahilera, pati na rin ang isang lamesa at maliit na fridge sa gilid. Ito ang 'on-call' room naming mga med student. Dito ay pwede kaming magpahinga tuwing breaks or matulog kapag twenty-four hour ang duty namin.
Walang tao dito maliban na lamang kay Dakota na nakapwesto sa taas ng isang double deck sa gilid. Tulad ko ay nakasuot siya ng light blue na scrubs at naka-braid pa din ang kanyang buhok. Wala na ang sapatos niya kaya naman kita ko ang kanyang puting medyas ngayong naka-indian seat siya at nakasandal sa dindging.
"Thank universe, you're here! Gorl, I'm starving!" She said loudly.
Hinagis ko naman sa direksyon niya ang isang paper bag na naglalaman ng mga pagkaing binili ko sa cafeteria bago ako nagtungo dito.
"Thank you, 'di na kita babayaran ah...I'm pretty sure wala sa kalingkingan ng allowance mo ang ginastos mo para dito." Pang-aasar niya.
Inirapan ko siya bago ko hinubad ang whitecoat ko. Ipinatong ko iyon sa tabi ng kanya na nasa safety railing ng kama.
"Ewan ko sa'yo." Sagot ko na ikinatawa niya. She still jokes about that every now and then. My allowance every month is not that big since twenty thousand pesos lang naman 'yun. But she always argues and jokes that it's not.
Bago ako umakyat patungo sa kanya ay hinubad ko ang sapatos ko. With a sigh, I rested my tired back on the wall and bent my also tired thighs into an indian seat.
Kumuha ako nang protein bar mula sa paper bag at binuksan iyon. I chewed on it like I am chewing that mean doctor. Ugh, just thinking about him puts me in a bad mood.
"So, I heard kay Dr. Arguello--"
"Don't even say his name." Mariin kong sagot na ikinapito niya.
"I'm guessing, hindi na naman siya 'nice' sa'yo?"
Nalukot ang mukha ko bago ako bumaling sa kanya. She was now holding her egg sandwich.
"I am telling you, walang 'nice' sa buto ng doctor na 'yun." I said and took another bite of the bar. "Una, pinahiya niya ako at basically, tinawag niya akong mangkukulam."
Napatigil siya sa pagnguya at bahagyang umawang ang kanyang mga labi.
"No way."
I scoffed.
"He definitely did....and you think, hanggang doon na lang 'yun....of course not, marami pa siyang balak. So, we saw fourteen patients this whole morning and afternoon, all of which needed either a blood test, urinalysis, freaking Hemoglobin A1C, Bacteria Culture. test..whatsoever!" I paused and took a big bite of my protein bar. Dakota is listening to me like she's amused...and concerned at the same time dahil ngayon ay nakakunot na ang kanyang mga kilay at naka-scrunch na rin ang kanyang ilong. "Tatlo kaming med student na nandoon pero ako lang inutusan niya na dalhin iyon sa lab, isa-isa." I continued. Yes, para akong turumpo kanina na paikot-ikot dahil manggagaling ako ng lab tapos babalik ako ng either emergency room or hospital room...sa iba't-ibang floor.
"Dámn." Bulong niya. Tuluyan na siyang napatigil sa pagkain at ngayon ay nakikinig na lang.
"That is not the best part, my friend." Nanunuya kong dagdag. "Kanina ay ginagawa ang dalawang elevators..."
She nodded. "Yeah pero may isang natira kanina na available."
It was my turn to nod. "Si, si. So, 'yung isang natitirang elevator ay laging puno, so, I had to take the stairs most of the time..biruin mo..nasa third floor 'yung lab, tapos nasa sixth floor 'yung karamihan ng mga pasyente niya.."

BINABASA MO ANG
His Forbidden Obsession
General FictionDel Russo Series #5 Dr. Roy Ezekiel Arguello moved to another city to escape the pain of something that happened to him not long ago. He badly wanted to forget everything, so he buried himself in work. He is now the new Attending General Surgeon of...