53: 21st of First Fall

1.7K 138 13
                                    

"Healing takes time, why not do something different and satisfying on the process?"

***

SHE'S BACK ALONE.

Runcho is probably dead. She never thought they would end like this, even though he treated her like a monster, she still learned a lot from him. He was the one who awakened her immunity to the extent. Those sufferings she experienced made her this unstoppable. And that's the sad truth, people only acknowledge things or persons when they're gone. People only remember their deeds once they left, people would only appreciate when the person to appreciate could no longer hear the appreciation.

She has calmed down, bumaba na ang kaniyang galit. Napalitan naman ito ng matinding lungkot, sakit, at trauma. Hindi niya na alam ang gagawin, gusto niya na lamang maglaho dahil labis-labis na ang kaniyang nararanasan.

Patakbong lumapit sa kaniya ang matanda. Huminto muna ito at pinagmasdan siya. What? Susukuan na ba siya nito? Hindi na ba siya nito tatanggapin? Iniisip ba nitong pinatay niya si Runcho? She still haven't killed anyone despite her raging anger. She did not kill Runcho, ngunit kung iyon ang pagkakaintindi ng matanda ay uuwi nalang siya sa Peakbrook, fuck this training, fuck the Academy. After all, she suffered and it was still unofficial.

But she was wrong. Maigi siya nitong binuhat patungo sa gibang bahay. Hindi na ito nag-aksaya ng oras, agad na itong nagsalita ng kanilang kondisyon.

"Umaga at gabi ay mag eensayo ka sa gubat. Bago dumating ang alas dose ng hatinggabi, kailangang nakabalik ka na sa bahay. Gigising ka ng alas singko ng umaga upang sabayan ako sa pang-umagang ensayo sa loob ng tatlong oras, pagkatapos ay muli kang mag eensayo sa gubat at babalik bago ang hatinggabi." Saad nito at binuksan ang pinto ng tahanan, "Ipapakita ko na sa'yo ang lahat ng iyong gagawin, kailangan mo iyong tandaan dahil mag-isa mong gagawin ang lahat. Hindi mo maaasahan ang tulong ko, kung nasa bingit ka na ng kamatayan ay iligtas mong mag-isa ang sarili mo. Kailangan mong matuto at kailangan mong masanay."

Halos malagutan siya ng hininga sa sunod-sunod na sinabi ng matanda. Hindi pa nga siya nakaka recover, ni isang oras na bawi wala pa pagkatapos ay gagatungan kaagad. What the hell is wrong in the Abyss? If one is fragile, he could die in the Abyss. Bawal ang mahihinang loob sa Abyss, mabilis na mamamatay.

"Pero malilipasan mo ang lahat ng iyan kapag nagawa mo ang hamon ko." Saad nito, ibinaba siya nito sa lupa at sabay nilang pinagmasdan ang nagibang bahay, "Gabi-gabi, susubukan mong hatiin ang lahat ng batong nasa talon. Labindalawang batong mas malalaki kumpara sa bahay niyo ang mga batong iyon. Pwede mong gamitin lahat, kapangyarihan, sandata, anumang mayroon ka para wasakin ang mga batong iyon. 'Pag nagawa mo, pasado ka na sa pagsusulit ko. Hindi mo na kailangan pang tapusin ang dalawang taon, iyon ay kung magawa mo ang hamon ko."

Wala siyang ginawa, nakinig lamang siya sa matanda. Hindi pa siya nakakabawi, hindi niya pa naiintindihan ng maayos ang lahat. Mababaliw na siya.

Lumingon sa kaniya ang matanda saka ipinatong ang kamay nito sa kaniyang ulo, "Ngunit bago mo iyon sisimulan, kailangan mo munang maghilom. Mukhang matagal ang proseso, masyadong malalim ang sugat mo, tumagos sa iyong puso. Ngunit gagawin natin ang lahat, hindi pwedeng manatili kang ganyan. Malaki ang iyong potensyal, mukhang ikaw ang pinakaunang papasa sa akin."

Nagulat naman doon si Celestial. Ibig sabihin ay wala pang pumapasa sa matanda, at kapag nagkataon ay magiging una siya? Ngunit paano? Hindi n'ya alam kung paano magsisimula, ni hindi niya alam kung ano'ng susunod niyang gagawin sa kasalukuyan maliban sa huminga. Mabuti na lamang at alam niya pa kung paano huminga, hindi niya na talaga alam ang sunod niyang gagawin. Everything is causing her trauma, it's so hard to stand up again.

Legends: Celestial Beryl (Season, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon