"Dito na 'ko." Panimula ko nang makarating kami sa bukana ng village kung saan kami nakatira dati. Kunot noo akong tinignan ni Diana."Pasok mo na Max. Madilim na rito sa labas, Saoir." Diana then said and gave me a worried expression. Umiling-iling ako at isinukbit sa aking kanang braso ang strap ng aking backpack at handa ng buksan ang pintuan ng kotse ni Max.
"No, it's okay. Para namang hindi ako umuuwi ng madaling araw galing sa condo mo Diana." Mahina kaming natawa ni Diana dahil sa sinabi ko. Bumaba ito sa passenger seat atsaka binuksan ang pintuan para makababa ako.
"Sure ka ba? Mabilis ka bang tumakbo?" She said. Gusto kong matawa dahil sa ekspresyon ng kaniyang mukha.
"Malalaman natin." I joked. Mahina akong hinampas nito sa braso. At bahagyang napasabunot sa sarili niyang buhok.
"Practice ka muna kaya?" Diana said. Sabay kaming humalak-hak doon.
Tinanaw ko ang mga bahay na may ilaw sa labas atsaka ibinalik ang tingin ko kela Diana at sumenyas na okay na ako rito. Tumango naman si Diana at ilang beses na kumaway bago pumasok sa loob ng kotse ni Max at patuloy na maglaho sa abot ng aking tanaw.
I let out a sigh and tighten my grip on my backpack's strap. I wish I could just say everything to Diana. Mabigat kasi para sa akin na nagsisinungaling ako sa kaniya araw-araw. I'm afraid of what could happen if she find out.
Dahan-dahan akong humakbang at patuloy na naglakad sa madilim na daanan papasok sa village kung saan kami nakatira dati, ngayon lang ulit ako nakapaglakad dito, isang taon na mula noong lumipat kami ng tirahan. Sa totoo lang ay isang sakay pa ng jeep 'yung bagong tinitirhan namin. But to make sure na hindi nila mahahalata ay ipinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad ko papasok sa village na tanging ilaw lamang ng mga poste at ilaw sa labas ng mga kabahayan ang liwanag sa kalsadang tahimik at madilim.
Naglinga-linga ako para makasigurado na wala ng tao, sa ganoon ay pwede na akong bumalik at lumabas ng village. Minsan swerte ako kasi wala si manong guard, tulad ngayong araw. Pero baka bukas hindi na.
Doon ay nagsimula na akong maglakad pabalik sa gate para makalabas sa village.
Pumiksi ako at nilikom ang kabuuan ng aking buhok atsaka ito ipinusod pataas. Iniharap ko rin ang aking backpack sa aking harapan upang mas mahigpit ko itong mahawakan.
Nang makalabas ay sinimulan ko na ang paglalakad nang mabilis, I can't afford to be late, baka mamaya mabawasan pa ang sweldo ko. I made an absence when I went to Max's race with Diana— and I have to pay for it.
Lakad-takbo ang aking ginawa hanggang sa makarating na ako sa Sisigan. Mabilis akong pumasok at sinalubong ang maraming costumer. Dumiretso ako sa kusina at ipinasok ang aking bag sa loob ng locker. Nang makitang walang tao sa paligid ay doon na rin ako nagbihis ng uniporme.
"Sorry late." Tipid kong panimula atsaka tumabi kay Helena sa counter. Pumiksi ito atsaka ako nilingon. Nakapusod ang mahaba at rebonded niyang buhok at nakabagsak naman ang iilan niyang bangs. Nakamaong itong pantalon na may butas sa tuhod at ang pang itaas naman ay ang uniporme namin sa sisigan.
"Sa susunod kasi mag tetext ka, wala ka bang load? Paloadan kita nagloload na ako ngayon ha." Mahina akong natawa nang imarket nito ang panibago niyang negosyo. Noong nakaraan ay kinukwento pa lang niya na balak niya raw mag business ng load kagaya ng tita niya. Heto na siya ngayon.
"Helena, I have load naman. It's just-" She then immediately cutted me off.
"Please do not speak english here, Ligaya. Hay... hindi ko keri ang mga salitaan mo. Please... tagalog please." She said with her cute accent. Bahagya akong ngumiti habang inaayos ang mga papel ng mga order sa counter.
BINABASA MO ANG
Hello, Ligaya (Sining Series #1)
JugendliteraturPara kay Saoirse Ligaya, ang buhay niya ay isang magandang panaginip na madaling natapos. Once a girl living a privilege life was destroyed by her father's affair. An artist like Ligaya knew exactly what to do: use her talent to succeed and run away...