"Eh, ano ba kasing kinatatakot mo, 'di ba mga kaibigan mo naman sila?" Panimula ni Helena habang ngumunguya. May dala-dala kasi itong fishball pagbaba niya ng jeep kung saan ako nagiintay.Naglilinga-linga ako para tignan kung nandito pa ba si Joaquin, kinakabahan kasi ako roon sa message niya.
"I don't know Helena... my life was once a concrete dream, until things changed... and.. Ah basta." Paliwanag ko sa kaniya habang tinutusok ang fishball sa plastik na baso. Libre n'ya raw sa akin 'to.
"Concrete dream— hindi ko naintindihan, Ligaya." She said. We both chuckled after that. Helena graduated senior high school and decided to work to sustain all her siblings' needs. Ewan ko ba bakit palagi nalang n'yang sinasabi na hindi n'ya ako naiintindihan pero alam ko naman na naiintindihan n'ya lahat ng 'yon.
I actually envy how free she is. Wala s'yang tinatago, walang kinatatakutan na mabunyag, walang bagay na dinadala araw-araw na kailangang palaging walang mali. Walang tinatakasang reyalidad.
"Ah basta, kung kaibigan mo 'yang si Diana at sino nga 'yon si Luigi? Naku, maiintindihan ka ng mga 'yan sabi mo nga highschool pa lang tropa mo na 'yan eh. Eh.. how- how about me? Tatlong buwan mo palang akong kasama okay lang naman sa 'kin." She said. I slightly smiled but immediately hides it.
Tama naman siya. Ano nga bang kinatatakot kong sabihin sa mga taong malapit sa 'kin? Na minsan akong nabuhay na may prebelehiyo, untouchable. Hanggang sa sirain ng isang eskandalo ang banayad na daloy ng buhay ko. Simula noon kakabit na ng Corronel kong apilido ang titolo na 'yon. Kakabit na ng bawat pagtawag sa pangalan ko ang-
'daughter of a cheater'
'Nalugmok ang kompanya ng tatay n'ya at nag withdraw lahat ng investor dahil ayaw madawit'
'Nadamay pa ang mga negosyo ng mga magulang ng kaibigan n'ya, nakakahiya'
'Kung ako 'yan baka lumayas nalang ako bansa na 'to, gan'yan naman ang gawain nilang mayayaman eh.'
Agad kong nilagok ang tubig sa bote na hawak ko, galing pa 'to roon sa café na pinuntahan namin kanina.
"Alam mo pakiramdam ko 'pag nakagraduate ka naman mababawi mo naman lahat 'yan eh. Naiinggit nga ako sa 'yo kasi nakapag-college ka pa." Nilingon ko si Helena nang sabihin niya iyon. Huminto tuloy siya sa pagsasalita at namilog ang mga mata bago sapuhin ang bibig n'ya.
"Masyado na ba 'kong maraming sinabi?" Mahina akong natawa nang sabihin niya 'yon. Umiling-iling ako.
"Hindi naman, sobra lang.." I joked. Natawa ito nang malakas. Hiya pa rin ang namamayani sa akin kapag naiisip ko kung paano ko sasabihin kay Diana at Luigi lahat ng ito, nadamay kasi ang kompanya ng tatay ni Diana kaya napilitan itong mag withdraw ng investment, malaking kakulangan 'yon dahil pinaka malaki ang share ng tatay niya sa negosyo ni Dad, pati na ang lolo ni Luigi. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanila sa tuwing imbetado ako sa mga okasyon ng pamilya.
Dahilan ko palagi ay nagpipinta ako.
"Sayang, hindi ko nakita 'yung mga poging classmate mo." Sabi ni Helena habang sinusuklay na ang buhok niya. Tapos na itong kumain.
"Inadd ko pa nga sa FB 'yung Joaquin ba 'yun?" Namilog ang mga mata ko nang sabihin niya iyon. Agad ko siyang nilingon.
"Joaquin Caiden?" I asked.
"Malay ko, Joaquin Santiago lang 'yung nakalagay sa pangalan n'ya eh. Atsaka 'yung isa n'yang profile nakasuot s'ya no'ng kagaya ng uniform mo." Mahina akong natawa, pero kasunod nood ay ang mariin kong paglunok.
BINABASA MO ANG
Hello, Ligaya (Sining Series #1)
Roman pour AdolescentsPara kay Saoirse Ligaya, ang buhay niya ay isang magandang panaginip na madaling natapos. Once a girl living a privilege life was destroyed by her father's affair. An artist like Ligaya knew exactly what to do: use her talent to succeed and run away...