Chapter 23

10 2 0
                                    

"That's Terrence, varsity 'yan samin. Rumor has it na baka nga nililigawan niya si Adie." Turo ni Luigi sa isang table na hindi naman ganoon kalayo sa amin. Matapos 'kong magduty sa sisigan ay sumunod na agad ako rito para kumain kasama si Luigi, gusto raw niyang magliwaliw. Ayaw naman sabihin kung may problema ba siya. Parehas kasi kami nito na hindi marunong magsabi kapag may mali sa amin.

Kain lang ang sinabi niya. Little did I know, sa resto bar pala kami kakain.

Siraulo.

"Akala ko ba kain lang?" Biro ko.

"Gaga, of course we're here to eat lang. Next time kapag hindi na tayo lunod sa workloads let's party. Para naman hindi puro si Joaquin ang nakikita mo," Biro naman ni Luigi pabalik. Parehas kaming natawa dahil sa sinabi niya. Marahan ko pa nga siyang tinulak.

"O, baka naman kasi nageenjoy ka makita si Joaquin." She added.

"For sure, boyfriend ko na e." Nang sabihin ko iyon ay namilog ang mga mata niya at muntik pang maibuga ang iniinom.

"What the hell?" She exclaimed and grabbed my blouse's sleeve.

"We totoo? are you for real?" She said in disbelief.

"I'm not good at lying Wiji." I sarcastically said. Atsaka sumip-sip ng juice.

"Congrats! I knew it, sa 'yo talaga 'yung kamay na nasa IG story ni Joaquin no'n." She said.

"When?" I confusingly asked.

"I don't remember na pero kasunod 'yon no'ng IG story niya na may name mo." Kwento niya.

"Oh my gosh, akala ko nga higaan 'yung background, may mattress kasi eh." Nang sabihin niya iyon ay agad kong tinanaw ang malayo.

That man.

Parang gusto kong lumubog sa pwesto ko.

Mamaya kung anong isipin ng mga nakakita noon!

"Ayun naalala ko na nasabi ni Janjan na ex fiancé ni Joaquin si Adie." She said. My eyebrows then furrowed, who's Jan Jan? Parang ganito nga si Diana noon noong may tinawag s'yang hindi pamilyar na pangalan, I should catch up with them often. Kung sino-sinong pangalan na ang tinatawag nila.

"Who's Janjan?" I asked before sipping on my glass of juice once again. Si Luigi lang ang umiinom.

Wala kasi si Diana. Busy daw siya pero babawi naman daw siya kapag maluwag na ang schedule niya.

"Oh, nevermind." Tipid niyang tugon at saka lumagok ng kaniyang inumin.

"Luigi," I called.

"Hmm?"

"CR lang ako." Paalam ko, nang tumango siya ay nagsimula na rin akong maglakad at maglinga-linga para hanapin ang comfort room.

"Ayun." Mahina kong bulong. Ngunit bago pa man ako makahakbang-

"Saoirse?" Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses.

Tania.

Why do I keep seeing her?

Humigpit ang kapit ko sa aking purse at matapang na sinalubong ang mga mata niya, nang tuluyang makalapit sa akin. Malilikot ang mga ilaw sa loob ng lugar kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. But she look so different.

"Why are you here? you're done with your duty na?" She sarcastically started. I let out a heavy sigh before answering her question.

"I'm with someone." Tipid kong tugon.

"Oh... Joaquin?" She said.

"No." Tipid ko pa ring tugon, kailangan ko na kasing magbanyo at wala akong panahon sa kaniya.

Hello, Ligaya (Sining Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon