"Goods na Saoir." Diana started after sipping on her bottled water. Kakatapos lamang namin dito sa cafeteria kumain, isang linggo na ang lumipas simula noong pumunta kami sa Ilocos ni Joaquin. Max is having lunch with us. While Luigi on the other hand said she will meet us later at the party na lang daw and she cannot wait, mamayang gabi ang birthday celebration ng college friend ni Luigi na si Adie.
"Thanks, Di. Malaki ang maitutulong n'yan sa mga bata." Sambit ko habang ipinu-pusod ang aking buhok. Pinaki-usapan ko kasi si Diana na kung pwede ay ipost niya iyong mga picture ng mga paintings na nabili namin mula sa maliit na kumunidad ng mga batang pintor, considering the fact that Diana have an influence in the art scene because of her art account that gave her platform.
"These past few days maraming engagements sa post, but wait there's more! Marami ring nagDM sa 'kin na pinoy artists kung pwede nilang mabisita 'yung community. Good job for you and Joaquin." Sabi niya, sinuklian ko lamang siya ng ngiti. I've never felt this feeling before, iyong sarap sa pakiramdam na nakatulong ka sa kapwa mo, because you somehow felt connected to their situation. Probably because I once had a privilege and I became complacent with it. Now, I know that I could've done something for those children if I realized it earlier.
"Oo nga, did you know Caiden is supporting a community of young artists here in Manila? My boy even thought about building a gallery for them." Max entered the conversation, nakasuot ang airpods nito kanina, mukhang naririnig niya ang usapan namin.
"Really, Hindi ko alam na gano'n si Joaquin?" Tugon ni Diana na magkasalubong ang kilay ay nakatuon ang mga mata kay Max.
"Joaquin may seem a little bit tough and a snob, pero malambot ang puso no'n sa mga bata." Tuloy lamang si Max sa pagkukwento habang tuloy-tuloy din ang pagtunog ng keyboard ng kaniyang laptop.
Dahan-dahan akong tumango nang mapagtanto ko ang pag hingi niya ng pangalan noong kumunidad sa nagbebenta ng obra. He said it's for future purposes. Now I know.
"Oh, right. Nabalitaan mo na ba Saoir 'yung suspension punishment kay Gerald at Kervin?" Kunot ang noo ay pinagmasdan ko si Diana habang pino-proseso ang sinabi niya, Gerald?
Inilabas ko ang aking laptop para silipin ang mga bagong plato na ibinigay sa amin matapos ang midterm.
"Gerald?" Wala sa wisyo kong tanong.
"Oo, si Gerald. 'Yung binug-bog ni Joaquin sa sisigan?" Nag angat ako ng tingin kay Diana dahil doon.
"Ah, yes. Hindi ko makakalimutan 'yung gagong 'yon. They're from my class." Sambit ko. Tumaas ang kilay ni Diana at ipinatong ang mga siko sa lamesa, bumu-bwelo pa ito.
"Sila 'yung naglagay ng handouts sa ilalim ng desk mo no'ng midterm examination sa ethics." Natigilan ako dahil doon.
"What?" Napantig ang tenga ko nang sabihin ni Diana iyon. What caused them to do such thing? Tang ina ni hininga nila ay hindi ko maramdaman sa bawat klase, imposibleng nakaalitan ko sila para gawin nila ang bagay na 'yon. Their pulling me down for what? To prove that I am what they think I am? A cheater, like my father?
"Oo, si Tania? your class' Mayor? s'ya ang nagsumbong. Both of them admitted it, so mabilis din na napagdesisyonnan ng faculty ang parusa, Professor Marquez middled the conversation when Gerald's Dad tried to bribe the faculty. Thanks to him, you got the justice you deserve, because you're not a cheater for goodness sake."
Tuloy-tuloy lamang ang pagkukwento ni Diana. Habang ako naman ay natahimik.Kaya pala ganoon ang pagbati ni Tania kanina sa 'kin sa unang klase.
"You're name is cleared. You happy na?"
BINABASA MO ANG
Hello, Ligaya (Sining Series #1)
Fiksi RemajaPara kay Saoirse Ligaya, ang buhay niya ay isang magandang panaginip na madaling natapos. Once a girl living a privilege life was destroyed by her father's affair. An artist like Ligaya knew exactly what to do: use her talent to succeed and run away...