Chapter 29

6 2 0
                                    




Batikang Aktres na si Celestine Santiago na kilalang unica hija ng itunutiring na higante sa Automobile business industry na si Leonardo Santiago ay sangkot sa isang eskandalong matatandaang kinasangkutan din ni Gomez Coronnel, na pinarangalang fastest rising businessman noong 2020. The Mistress he is hiding for a long time that caused him his whole company's reputation is revealed to be Celestine after 2 years. Ito ngayon ay pinagpipyestehan sa social media na nagnitsa ng kasiraan ng nasabing aktres at ng kaniyang pamangkin na si Joaquin Santiago, the successor in the making of Le Santiago.

"Max." Nanghihina kong sambit. Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin, at paano. I just felt so numb that my hands cannot function properly, kaya naman nahulog na ang cellphone ko sa sahig. Mabilis naman akong yumuko para abutin iyon kasabay ni Max.

Tila naglaho ang tama ng champagne sa sistema ko.

"I'll tell Diana that you're here." He said with a nervous tone.

Agad ko namang napulot ang aking cellphone at agad iyong ipinasok sa aking sling bag. Sa pagtayo ko ay kasabay ko na rin sina Zaijan at Benjamin. They're panicking, even Zera and Adie. Zera cannot even look at me straight.

"Joke lang 'to ano?" I said, hopelessly. Zaijan looked at me with horror in his eyes.

"No, but let me explain some things okay? walang kasalanan si Joaquin dito-" I cutted him off.

"You knew?" I silently said, tightening my grip on the strap of my sling bag. That's when I knew everything is real, not just some type of alcohol messing with my system.

Everything went silent.

"I'm sorry Saoirse." Benjamin broke the silence. Ngayon ko lamang nakitang ganito ang itsura ni Benjamin. He's always this tough and always put together man. But right now all I see is guilt.

Isa-isa ko silang pinagmasdan kahit pa ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin mula sa iba't ibang lamesa.

"Alam n'yo? kayong tatlo?" Malumhanay kong sambit habang nanginginig ang boses. jip

All this time nasa harapan ko lang pala ang mga hayop na sumira ng pamilya ko, ng buhay ko.

"It must be nice watching me suffer huh." Matalim kong sambit sa tabi ni Max.

He covered his mouth and turned his gaze away from me.

One moment after, I felt Joaquin's hand on mine.

"Saoirse, let's go." He started. Mabilis kong inagaw ang aking kamay at dinampot ang kahon ng cake sa lamesa, batid ko ang tensyon at pati ang Lolo niya sa entablado ay may kausap na ring mga tao. Habang ang iba ay nagbubulungan at kanya-kanya ang labas ng cellphone.

"Wait, here's your cake. Happy Birthday." mapait kong sambit.

"Yes, thank you... thank you my Love, let's get out of here." He calmly said, how dare him. 

"Okay...." Mahina kong tugon habang nangingilid ang luha ay pinagmasdan ko siyang ipatong ang kaniyang blazer sa aking balikat. Sa huling beses ay sumulyap ako sa lamesa nila Zaijan, all of them are standing, nakapamewang at hawak ang mga sintido. Some of the guests too, it's a mess. The host are trying to calm them.

Hello, Ligaya (Sining Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon