"Kuya Joaquin ako po sunod." Naagaw ng boses ng batang iyon ang atensyon ko, agad kong nilingon ang kinakausap niya.
Joaquin?
"Miss, ano sa 'yo?" Wala sa sarili kong nilingon ang tindero at sinabi ang flavor na strawberry, habang hindi pa rin umaalis ang mga mata sa lalaking nasa harapan ko na hawak sa kaniyang kanang kamay ang batang naka-bunggo sa akin kahapon.
Pasulyap-sulyap ito ng tingin sa akin na parang wala lang. Katamtaman ang haba ng buhok niya at nakabun ito sa likod, habang ang ibang hibla ay nakalawit sa magkabilang gilid, naka-polo shirt itong puti, beige na trouser, at may relo sa pulsuhan.
"Miss, ito na."
"Ay salamat po, ito po ang bayad." Abot ko sa tindero ng bayad. Nang makuha ko ang sorbetes ay gumilid ako pabalik sa aking pwesto habang nanlalamig ang buong katawan, natuyuan ng pawis, at hindi makapag-isip nang maayos. Pinapanuod ko siyang bigyan ng sorbetes ang bata sa kaniyang kamay at sunod naman siya.
Nang mai-abot niya ang bayad ay ginabayan niya ang mga bata papunta sa aking direksyon, umiwas ako ng tingin at itinuon ang mga mata sa cathedral, narinig kong may kausap itong boses ng babae, pero hindi ko na ito nilingon.
Tila tinatambol ang dibdib ko sa lakas ng tubok, matutunaw na ang sorbetes sa kamay ko pero hindi ko pa ito nababawasan dahil sa magulong kalooban ko.
Sa tingin ko si Joaquin talaga 'yon, hindi ako pwedeng magkamali. It's him. Everything mula sa mata, ilong, at labi. Si Joaquin 'yon.
Siya talaga 'yon.
Sana nga s'ya.
Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim upang pakalmahin ang aking pakiramdam. Paulit-ulit hanggang sa-
"Mind if I join?"
Pinigil ko ang aking hininga nang marinig ko iyon. Hindi ako sumagot hanggang sa maramdaman ko na lamang na umupo ito sa aking tabi sa bench.
"Tutulo na." Patuloy niya at inagaw sa aking kamay ang sorbetes, doon ay nilingon ko ito. Kunot noo niyang inilabas ang isang panyo at mariin na pinunas ito sa kamay kong kanina pa pala natutuluan ng sorbetes.
Pinagmamasdan ko lamang siya hanggang sa mapansin niya ito at tumigil. Ini-abot niya muli ang sorbetes sa akin at tinanaw ang cathedral.
"Ubusin mo na 'yan, Miss." Parang kumirot ang dibdib ko nang tawagin niya akong Miss.
I snif and take my first bite, nakatulala pa rin sa lapag. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ni hindi ko magawang kuhanin ang cellphone ko para imessage ang mga kaibigan ko.
My mind is preoccupied with the thought of him sitting beside me but doesn't even know who I am?
Again, I sniffed.
"Are you okay?" He asked. Sumulyap lamang ako sa kaniya para siguraduhing siya nga ito. For the second time, I have never been so sure.
"I'm good." Tipid kong tugon at saka inubos ang sorbetes. Pinagpag ko ang aking mga kamay at akmang tatayo na sana.
"Aalis ka na?"
"Yeah, I have a lot of things to do. Nice to meet you, I'm-" I was about to introduce myself when a lady called him.
"I'm coming!" Tipid niyang tugon, sumulyap siya sa akin bago tuluyang maglakad palayo. Bumuntong hininga naman ako habang pinapanuod siyang i-check ang mga bata isa-isa.
Is he really him?
Or I'm just seeing the ghost of him?
Hindi ako gumalaw hanggang sa tanawin ko nalang ang mga batang isa-isang nagsi-alisan sa kanilang pwesto patungo sa isang van, may nakasulat dito ngunit hindi ko na napansin.
BINABASA MO ANG
Hello, Ligaya (Sining Series #1)
Teen FictionPara kay Saoirse Ligaya, ang buhay niya ay isang magandang panaginip na madaling natapos. Once a girl living a privilege life was destroyed by her father's affair. An artist like Ligaya knew exactly what to do: use her talent to succeed and run away...