Nakaupo ako sa harap ng dalampasigan at kinukuhanan ng litrato ang palubog ng araw, kulay kahel na ang langit. Sa tagal namin dito ay nasilayan na namin ang pagtatagpo ng araw at ng dagat.Nasa kotse niya si Joaquin, nagpaalam itong sasagutin iyong tawag sa kaniya, ako naman ay naiwan dito sa dalampasigan. Sinulit ko na at kumuha na ako nang maraming litrato. Mamimili na lang ako paguwi.
Kanina nga pala ay tinawagan ako ni Luigi, nasa Manila na raw siya kanina pang umaga. We had a little chitchat pero itutuloy nalang namin kapag tatlo na kaming magkakasama. Doon daw muna siya matutulog kay Diana ngayong gabi.
Sayang nga raw kasi wala ako roon, nagbiro pa talaga s'ya na pinili ko raw si Joaquin. Napamura tuloy ako sa kabilang linya.
Sabi pa nga niya pumunta raw kami dito nila Diana sa bakasyon, I told her that's a good idea since malayo ang byahe at mageenjoy talaga kami dahil road trip.
Tinakpan ko ang aking bibig nang maghigab ako, pagod din siguro dahil sa haba ng byahe, atsaka hindi naman ako nakatulog nang maayos kagabi. Nagmessage nga rin pala si Helena sinend ko sa kaniya iyong tanawin. Tumawang-tuwa pa s'ya at maguwi raw ako ng souvenir, I told her I will.
"Saoirse, let's go?" Nang marinig ko iyon ay agad akong nag angat ng tingin. Tumayo ako para pagpagin ang aking pantalon na puno ng buhangin sa puwetan.
Bahagyang huminto si Joaquin at sinabayan ako sa paglalakad, sinuklay niya ng mga daliri ang buhok nang hanginin ito. Mabuti nalang ay ipinusod ko na ang buhok ko dahil kanina ko pa talaga 'yun nakakain.
"How's your shots?" He started.
"Okay naman... mamimili nalang ako mamaya paguwi." Tugon ko naman.
"Let's go there..." Sinundan ko ang itinuturo ng kaniyang daliri. Isa itong maliit na kubo. Souvenirs.
Nang makalapit kami roon ay agad kong pinagmasdan ang mga produkto. Those little windmills will make a cute gifts for Helena, Diana, and Luigi.
"Pili na po kayo Madam and Sir." Panimula noong tindera. I gave her a small smile.
"Ito po, ate. Tatlo po." Ipinakita ko sa kaniya iyong maliit na windmill at tumango naman siya para kumuha ng tatlo. Agad niya iyong isinupot.
"I'll get three too." Joaquin said while eyeing the little windmills.
Kumuha ng panibagong supot si ate at inilagay naman doon ang kay Joaquin.
Nang kapain ko ang aking bulsa ay naalala kong nasa loob pala ng bagpack ko iyong wallet ko. Mahina akong pumiksi.
"Stay there, I'll get my wallet." I said. But even before I take a step, Joaquin pulled a yellow bill inside his pocket and immediately gave it to ateng tindera.
"Thanks." Mahina kong bulong habang ipinamumulsa ang dalawa kong kamay, agad ko rin iyong inilabas nang iabot sa amin ni ate ang mga supot.
"Salamat po."
"Thank you rin po." Tugon ko naman sa tindera.
Nang makuha ang aming mga pinamili ay nagsimula na kaming maglakad papunta sa kotse niya. Katahimikan ang sumuob sa amin nang makalapit kami sa kotse. Joaquin immediately opened the door for the passenger seat. Doon ay pumasok na ako.
BINABASA MO ANG
Hello, Ligaya (Sining Series #1)
Teen FictionPara kay Saoirse Ligaya, ang buhay niya ay isang magandang panaginip na madaling natapos. Once a girl living a privilege life was destroyed by her father's affair. An artist like Ligaya knew exactly what to do: use her talent to succeed and run away...