Prologue
"Magkano to?" Tanong ng mga bumibili sa karinderya na kung saan ako ng tra-trabaho
"Singkwenta lang po yan" sambit ko
"Masarap ba to?" tanong pa uli ng customer ko
"Oo naman po" sagot ko
Ang daming mga customer ngayon Nakakapagod. Sunod sunod ang mga order, take out at mga reserve ng mga bumibili kaya ayon ang sakit ng likod ko
Habang abala ako sa isa pang customer ay nagulat na lamang ako ng bigla may pumitik ng Tenga ko kaya pag tingin ko sa taong pumitik sa tenga ko isa pala sa mga customer ko. Lalaking customer naka black T-shirt, black pans, at black na sumbrero
"Bat kaba na mimitik ng tenga!" Inis na sabi ko sa lalaking namitik ng tenga ko
Dahan dahan naman niya iyon tinanggal. Natulala na lamang ako kung sino ang namitik at bumibili ngayon sa Karinderya
"Kuya" hindi ako makapaniwala na saad ko ng makita ko ang kuya ko
Ngumiti sa akin si kuya kaya dali dali akong lumabas ng Karinderya at pinuntahan siya agad ko naman siyang nikayap
"Na miss mo ba ako?" Tanong nito sa akin
Tumango naman ako "Oo kuya na miss kita, tagal niyo kasing hindi nag papakita eh" hinigpitan ko pa ang pag kakayakap sa kanya
"Ako si kuya Cleon" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin
Hindi mo ako maloloko kuya kahit na baliktarin mo pa ang bituka mo. Kahit na gayahin mo pa ang kakambal mo makikilala parin kita
"Kuya si kuya Cleo ka!" Sabi ko na ikinatawa naman niya
Itong si Kuya Cleo hindi minsan maloko sa buhay kaya pati kakambal niya damay sa kalokohan.
Kaya naman humiwalay na kami sa pag kakayap ng bigla niya akong hinawakan sa dalawang balikat at tinignan diretso sa mata
"Hindi ka nakapag aral dahil kay Tita Wen?" Tanong niya
Teka paano niya nalaman yon? Halos dalawang taon na akong hininto sa pag aaral ni Tita Wen dahil daw sa doble gastos lang daw ako.
Malapit na ang Graduation noon at marami rin ang bayarin kaya inihinto ako ni Tita Wen. Wala na akong nagawa kundi ang tumahimik nalang at tumulong rito sa Karinderya niya
"T-Teka kuya paano mo nalaman?" Kabadong tanong ko kay kuya
Bigla nalang niya akong niyakap uli. Ngunit mas mahigpit pa ito kesa sa ginawa naming pag yakap kanina
"Sasama kana sakin..... Doon kana mag aaral" sabi niya at inayos ang buhok ko "Tara na? Iwan mo na ito. Ok!" Na bigla naman ako doon sa mga sinabi niya
Hinawakan naman niya ang kamay ko ng mapadaing ako dahil sa sakit ng pasa at sugat iyon
"Aray!"
BINABASA MO ANG
Me And The Gangster Leader's
Mystery / ThrillerAng pag pasok ni Clea Morales sa isang school na kung tawagin ay Falcon University na hindi pina papasok ang mga babae na mag-aral doon dahil sa mga nangyari sa mga babae at lalo na kay Pinuno Si Pinuno ang nangungunang gangster sa Falcon University...