Chapter 15

80 3 1
                                    

Happy 3rd Anniversary as a Writer 💠💙💠

Chapter 15- Attack 

Clea POV

Ano ba kasi ang pumasok sa isip ni pinuno at bakit 'to lumabas ng office niya na naka boxer lang. Hindi ako pinatulog ng katawan niya, halos bangungutin rin ako ng dahil sa kanya. Pang ibabang bahagi ba naman ang nasa panaginip ko. Kaya ganun na lang ang naging reaksyon ko.

“Kamusta kana?" Napatingin naman ako kay kuya Cleo ng abutan niya ako ng sandwich at juice.

“Ayos na" walang ganang sagot ko.

Nang pag gising ko silang lahat ang umalalay sa 'kin. Halos maligo na rin ako sa sarili kong pawis at hinihingal pa.

“Ano bang klase ng bangungot 'yan?" Tanong ni Migz sa kin.

“Baka naman si Kai napanaginipan mo!" Sabi ni JL at malakas na nagtatawanan sina Migz at kuya Cleo.

Napailing nalang ako at ininom ang juice na bigay sakin ni kuya Cleo. Kung si Kai ang napanaginipan ko ay ayos lang basta 'wag lang gaya ng kay pinuno na sa ibabang bahagi. Baka hindi na ako magising kapag nangyari pa 'yon.

Bigla ko na lang naalala ang big event na mangyayari bukas araw ng biyernes.

“Oo nga pala" pag-agaw ko ng atensyon nilang lahat. “May big event palang mangyayari bukas?" Sabi ko.

“Oo, bukas na 'yon" sabi naman ni JL. “Parang singing Contest ang mangyayari. Malaki rin ang price ng matatanggap ng  mananalo, at isa pa pwede kang mag request kay Pinuno" saad niya.

Request, ano namang klasing request 'yon?" Takang tanong ko.

“Kahit ano, pwedeng baguhin ang rules. Pero, kailangan rin 'yon i public kapag nag request ka" sabi naman ni Migz.

Napatingin naman ako kay Kuya Cleo na tahimik lang sa isang tabi. Bigla kong naalala ang naging pag uusap namin ni pinuno.

Isang malaking kaparusahan ang mangyayari kapag nalamang ng lahat na nag papasok ng babae sina kuya at mga kaibigan namin.

Napa ngiti na lang ako bigla. Kailangan kong ma protektahan sina kuya at ang mga kasama namin.

“Sasali ako sa singing Contest" galak na sabi ko.

Natigilan naman silang lahat. Si kuya Cleo na kanina ang sobrang tahimik na ngayon na sa'kin ang atensyon. 

“Hindi ka pwedeng sumali don!" Inis na sabi niya sakin.

Pwede!" 

“Hindi nga!"

“Pwede!"

“Hindi nga pwede. Malaman nila na babae ka. Kapag nagkataon masasayang lang sa wala ang mga ginawa namin ni kambal" sabi naman niya sakin.

Kita ko ang pag alala sa mga mata ni kuya. Pagod na pagod na naman ang kanyang mukha habang nakatingin sakin. 

Napalingon naman ako sa dalawa. Halos palipat lipat ang tingin samin nina JL at Migz samin ni kuya.

Napayuko naman ako at tinitigan ang hawak kong sandwich.

Napa anggat nalang ako ng tingin ng i-tap ni kai ang aking balikat. Nasa tabi ko napala siya at pinipilit akong pangitiin.

Hayaan mo na si Bossing, bad mood lang talaga siya" natatawa na sabi niya sakin.

Bad mood si kuya? Bakit kaya.

“Clea, maayos na ba mga gamit mo?" Biglang tanong ni kuya Cleon ng lumabas siya mula sa banyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me And The Gangster Leader'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon